Twenty Eight

6.9K 219 6
                                    

"Aira!! " malakas nyang sambit.

Agad naman lumingon ang dalaga sa kanya na nakangiti habang panay ang dampot ng mangga at walang tigil sa pag-nguya." Hi sweetheart, gusto mo ang sarap oh! " ang sabi nitong napapikit pa sa pagnamnam ng kinakain na mangga.Parang sabunutan ng tinik sa dibdib si Brent pagkakita sa dalaga, agad nya itong niyakap ng mahigpit sabay bigkas ng "thanks God."

"manong, kanina pa po ba sya dito? " tanong nya sa tindero.

"Ay iho oo, may isang kilo na nakakain nya, ayaw nga nya pabilihin yang mga tao kaya nagkakagulo." medyo inis na wika ng tindero.

"Pasensya na po manong, nagutom po siguro misis ko, wag po kayong mag-alala at babayaran ko lahat ng tinda nyo kasama na po ang abala nyo." Nakangiti nyang tugon sa matanda." Paki-plastik nyo po lahat ng mangga manong.

"Sweety, tara na nakatulog na si BM sa gutom,kahahanap sayo." kalmadong sabi ni Brent.

"Nakain pa ako,ano ba? " masungit nitong sagot sa kanya.

"Sweety naman,ngalay na balikat ko, hawak ko pa bag mo, buhat ko pa si BM. " di na napigilang reklamo ni Brent.

Biglang parang gustong umiyak ni Aira sa sinabi ni Brent. Agad nyang hinablot ang kanyang bag.Alam nyang nag-aalala ito pero ewan ba nya sa sinabi nito ay pakiramdam nya ay malaking kasalanan agad ang nagawa nya.

"nagrereklamo ka na agad 'yan pa lang magagawa mo para sakin! bakit si Jake never nagreklamo, tapos ikaw na ama nagreklamo ka ngalay ka na sa pagbuhat Kay BM! " umiiyak nitong sabi. "Akin na anak ko at wag kang nagpapakita sa'kin kahit kelan! I hate you!! Gusto ko lang naman kumain pa ng manga!!

Naiwan si Brent, na gustuhin man nya uminit ulo aa pagkumpara sa kanila ni Jake ay nakatunganga na lang sya sa mga sinabi ni Aira, matapos nyang bayaran ang mga mangga ay agad nyang sinundan ang dalagang mabilis na sumakay ng taxi.

Habang nagmamaneho ng kanyang kotse ay,bigla nyang naalala ang sinabi ng tindero ng mangga.

" ganan na ganan yung misis ko nung naglilihi sa pangalawa namin na anak, ang drama na ang sungit pa." Sabi nito.

Napangiti si Brent sa sinabi ng tindero at may kung anong naramdaman saya, kung totoo ang sinabi nito excited sya dahil magkababy na ulit sila at masusubaybayan nya ito. Ng makarating sa bahay ng mga Martinez ay agad na iniuutos ni Brent ng linisin at balatan ang mangga dala, nagtataka naman ang mga kasambahay sa dami ng mangga dala nito.

"Aba iho balak mo bang mag-tayò ng fruit stand." di nakatiis na sabi ng yaya nila Aira.

"Hay naku ya, yung alaga nyo inaway ako dahil dyan sa mangga, ngaun wag daw akong nagpapakita kahit kelan,kaya peace offering ko po yan." Sagot ni Brent.

"mukhang magkaka-baby na naman kami dito." excited na wika ng matanda.Habang sinusundan ng tingin si Brent na may dalang mangga.

"Tok! Tok! Tok!

Ang katok ni Brent sa kwarto ni Aira,kahit okey na kay Dave ay hindi naman sila nagsasama sa isang kwarto, nakakapuslit lang sya kapag tulog na ang anak,puslit lang ng halik at yakap kaya isang bwan na syang laging nanakit ang puson, dahil lagi itong sa tabi ng ina natutulog. At may mga oras oa umaandar ang kapilyahan nito,naka two piece ito lagi at inaaya syang maglangoy.." Oh Lord! " kataga nyang nababanggit minsan..Kaya siguradong kung tama ang hinala ng tindero ng mangga, ay naka sure ball na naman sya nung nasa kotse sila.

Samantala sa loob ng kwarto ay nakatulog na si Aira sa inis kay Brent. At dahil sa sunod sunod na katok ay nagising si BM ma KATABI nya at binuksan nito ang pinto.

"Daddy!! Mommy is sleeping now." ang pabulong nitong sabi sa kanya.

"Ok baby,go down now your food is ready, I ordered what you want, ok so, go now in the kitchen and eat." Take your time, big boy! "ang taboy nya sa anak.

Leaving On A Jet Plane (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon