NeverGiveUp 06

87 3 0
                                    

Chapter 6

Kathryn's Pov

 Kanya-kanya kaming pinapunta ni kuya sa Moon Cafe sa IT park kung saan kami mag lunch.



Sabi ko ni kuya na sasama ako papunta dun pero hindi daw pwede. San naman ako sasakay?



"Kath, sabay tayo ha." sabi ni Julia.


"But how? wala naman tayong sasakyan." sumimangot ako pagkasabi ko nun.




Nandito kami ngayun sa labas ng school. Kaliwa kanan ang direksyon ng mga ulo namin. Wala kaming alam kung anong gagawin.



Nabigla kami ng may sasakyang huminto sa HARAP namin. 



Tumingin kami sa isa't-isa.



Ilang saglit lang ay may bumaba na sa driver's seat.



Umiwas nalang kami ng tingin kasi para kaming mga chismosa eh hindi naman namin yun kakilala. 



"Wait.." biglang nagsalita ang isang pamilyar na boses. 




Sabay kaming tumingin ni Julia at nagtataka.




Nang makita namin siya. Si Daniel pala. 




Hindi kami nagsalita. Hinihintay namin siyang magsalita.




"So I guess wala kayong masasakyan. Pasok na kayo." at nagsalita na nga siya. 





"Ah wag na may sasakyan naman kami papunta dun eh." biglang sabi ni Julia tapos hinila niya ang kamay ko palayo.




I stopped her pero medyo mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.





At ngayon sa wakas ay binitawan na niya ako."Ano ba Julia? Eh wala na nga tayong masasakyan tapos ikaw tatanggi-tanggi kapa. OA mo." sabi ko tapos tumingin siya kay Daniel. Napatingin naman din ako. 




"Oh sige na nga." sagot ni Julia.


Eh yun naman pala eh matapos niya 'kong hawakang parang ikukulong sa kulungan para hindi makatakas. Leche!





Pumunta na kami sa kotse ni Daniel at binuksan niya ang front seat. Alangan namang kaming dalawa ang uupo dun.




Dumiretso nalang ako sa likod para hindi na makalayo si Julia na inalok ni Daniel.




In the end, sumakay narin siya.  There was silence.





Tumingin nalang ako sa bintana and i put my earphones on para hindi maging boring.




What if magkakaroon din ako ng admirer gaya ni Julia. Ang swerte niya kasi marami ang nagkakagusto niya. Dahil siguro sa sobrang ganda niya. Maputi pa at Matangkad.Marami ba talaga?



Ewan ko ba.





Eh ako, nag ganda-gandahan lang. Siguro wala ng magkakagusto sa akin. Siguro ganun talaga yun. 

Never Give Up [KathNiel FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon