NeverGiveUp 10

62 1 0
                                    

Chapter 10

Kathryn's Pov


"My dear students," sabi nang aming prof. "Dahil pasko ngayon, lahat nagbibigayan. Kahit na wala kang natanggap pero may binigyan ka. And that's the spirit of Christmas. Manito manita ang activity natin bukas. Bumunot na kayo!"


Nag ikot ikot na siya para makakabunot kaming lahat. 

Ng matapos na ang lahat ay pumunta na siya sa harap, "So halfday lang kayo for today, don't waste your time para bumili ng mga regalo. So bye na! go!!" sabi ng aming prof tapos umalis na kami.

"So Kath sino nakuha mo?" tanong ni Camille sa akin habang naglalakad kaming apat palabas ng school.

"Si stephen." sagot ko. Lahat naman sila napa 'Ahh' ang mukha.

"So sabay nalang tayong bumuli ah." sabi naman ni Janella. We all nod.

Tinawagan ko muna si kuya kung pwede niya ba kaming e hatid. He answered it naman agad.

"Kuya, pwede niyo ba kaming e hatid sa mall?" sabi ko sa kabilang linya.

"Sure, punta kayo parking lot. Dun din naman punta namin eh."sabi niya and I cut the line.

Sinabihan ko na sila na magpahatid kami ni kuya kaya pumunta na kami sa parking lot.

"Julia, matanong ko lang. Kayo na ba ni Enrique?" tanong ko sa kanya habang paupu na siya sa sasakyan ni kuya.

"Woah. Hindi ah. Ikaw talaga, magkaibigan lang naman kami." sabi niya tapos naka cross arms. Oh sige, edi kaibigan lang. 

Nandito rin pala si Jon Lucas pero wala si Daniel, magkatabi sila ni Janella sa front seat, kasya pa kasi eh. Tapos kaming tatlo ay nasa passenger's seat.

Nakita kong naco-conscious siya kasi nasa tabi niya si Jon. Ano kaya meron?

Pagkarating naman namin ay nagkahiwalay na kami.

"So all boys naman ang manito natin right?" sabi ni Julia.

Never Give Up [KathNiel FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon