4

168 7 6
                                    

Chapter 4: Butiki

~~*

Hindi ako makapagsalita. Hindi pa tinatanggap ng utak ko ang mga sinabi nya. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Hindi ko na alam. Basta ang alam ko sya  lang ang mahal ko. Hindi yun magbabago.

Tiningnan ko sya sa mata. Kumalas ako sa pagkakayakap nya sakin at tumayo. Naluluha ako dahil hindi ko alam kung ano bang ginagawa nya. '"M-Marky, No! You're not." Tinulak ko sya papalayo pero lalo lang nyang hinigpitan ang pagkakayakap sakin. "Hindi mo alam kung ano ang mga sinasabi mo."

Siguro nasobrahan lang sya ng kain kanina kaya kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig nya. Tama. Na-apektuhan lang ng pagkain ang pag-iisip nya.

Tinapik tapik nya ang likod ko para pakalmahin ako pero lalo lang akong naiyak.

"Angel, I'm sorry kung masyado akong mabilis. I know kakakilala pa lang naten but I think I'm falling for you."

"You think you're falling?" I smirked. "Then... think again."

Tinalikuran ko na sya at  akmang lalakad paalis nang naramdaman ko ang kamay nya sa braso ko. hinigit nya ako papalapit sa kanya. Sobrang lapit namin sa isat isa. Nakatingala ako at nakayuko naman sya.

Hinawi nya ang mga buhok na humaharang sa mukha ko at ikinawit ito sa aking tenga. He cupped my face. Nilapit nyang lalo ang mukha nya sa mukha ko. Konting galaw ko lang at siguradong magki-kiss kami kaya naman hindi na lang ako gumalaw. sa sobrang kaba ay napapikit na lang ako habang hinihintay ang susunod nyang gagawin.

(>______<)

Naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng kanyang mga labi sa aking noo. Akala ko talaga ay sa labi nya ako hahalikan.

Tumawa sya ng pagkakalakas lakas. "HAHAHA! Masyado ka namang serious El. Tara. Alis na tayo dito. Ihahatid na kita sa inyo." Ipinakita na naman nya ag kanyang killer smile. Okay. Ang gwapo nya talaga! O///O

Para naman akong estatwa. hindi gumagalaw. Hindi nagsasalita. Hindi humihinga. syempre joke lang yung huli. Hehe. Ang lakas ng impact ng halik nyang iyon sa aking forehead. Pero aaminin ko. Sa halik nyang iyon at napakalma ako ng tuluyan.

"A-ANO BA?!" sigaw ko habang hawak hawak ang noo ko. Pinitik nya kasi ako sa noo. Nakatulala na pala ako sa kanya. Nakakahiya. Hindi ko namalayan na tinititigan ko na pala sya. ngayon ngingisi ngisi sya. Nang-aasar ang bakulaw na butiking ito. NAKAKAHIYA! Ano bang ginawa ko? Bat ako nakatulala sa mukha nya. Hangin tangayin mo na ko! NOW NA!

"Kung gusto mo kong titigan pwede naman. Sabihin mo lang! HAHAHA!"

pinaghahampas hampas ko sya sa braso! Nakakaasar na sya! "KAPAL MO! Wala akong balak na titigan ka! Mukha ka ngang bakulaw na butiki! Pwe!" At inirapan ko sya pagkatapos.

Humahagalpak pa rin sya at sapo sapo ang tiyan. May sapi ata ang lalaking ito. "Pasensya naman boss. Ihahatid na kita. Dumidilim na. Kung ayaw mo namang dumiretso sa bahay nyo pwede ka naman muna sa condo ko. tabi tayong matulog kung gus----" Hindi ko na sya pinatapos at tinapakan ng pagkakalakas lakas ang kanyang kanang paa.

"Ang kapal mo din talaga noh?! Iuwi mo na nga akong butiki ka!" Pang-aasar ko at dinilaan sya. "BLEH!" :P

Akmang pipitikin na naman nya ko pero tumakbo ako kaya hinabol nya ako. "Sinong butiki?!" Sigaw nya pero hindi ko sya pinansin at patuloy lang nagpahabol sa kanya. Para kaming mga batang nagtatakbuhan sa tabi ng ilog. Ang sarap sa pakiramdam. Ngayon ko lang naranasan ang tumakbong muli pagkatapos ko syang habulin noong iniwan nya ako. Pero ngayon tumatakbo ako dahil sa saya. Hinahabol ako ng taong tutulungan akong kalimutan si Van.

Happy Endings Don't Exist [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon