After 5 rounds pa ng Truth or Dare. Puro sila Dare. Kaasar. Baka ayaw nilang gumanti ako sa tanong. Hahahaha.
Si Patrick, and Mikko, Mapag kiss sa lips. hahaha.
Ginawa naman nila.
Ang GAY!
pero we agreed na no pictures.
Si Denise, dahil sa mabait sya sa lahat, pinakanta lang sya ng super bass with the tune of leron leron sinta. >:)
pero dapat baliktad yun ee. DI nya kasi kaya.
Si Jas lang ang nag truth. Kaya ayun. Napaamin sya na nainlove sya kay mikko dati.
Pero She's so OVER him na DAW.
Mauubos na yung marshmallows. Kaya kukunin ko yung stock ko sa room ko. Hindi kasi dinala ni Denise ee.
[Josh' POV]
Babalik daw si Cyza sa room nila para kunin yung marshmallows. Malapit na daw kasi maubos ee. Pero, wow aa. Ang lakas nya kumain ng marshmallows. Sya halos nakaubos ee.
Baka matagalan yun. Eto na lang ata ang pagkakataon ko para makausap sya. Pero anong ieexcuse ko sa mga kolokoy na toh? hirap pa naman umalis pag kasama sila.
*isip
*isip
*ting! - umilaw ang light bulb. HAHAHA! corny ko. Tangna. di bagay ang mag isip sakin. tss.
"tol, punta muna ako sa room aa? may gagawin lang." - ako.
"Sus! pupuntahan mo lang si Cyza ee! HAHAHA! papalusot pa." - Mikko.
" NAMO! tatae lang ako. Kanina pa ako hindi makapagpigil ee. baka matae pa ako sa harap nyo" -ako
" Pakyu! dun ka na nga! baka magpasabog ka pa ng kung ano dito ee. HAhaha! mapopolute ang fresh air namin." - mikko.
" osige na! sige na! Di ko na mapigilan! " Sabi ko, habang tumatako. Hindi dahil sa natatae na talaga ako, pero kasi. Gusto ko na makausap si Cyza ee.
Matagal na din ang nakakalipas pero hindi ko pa din sya makalimutan. Grabeng babae kasi yun ee. She made me fall for her so bad. Pero ayun. Ang FAIL.
*lakad.
*lakad.
*lakad.
Huminto lang ako nang makita ko si Cyza sa swing dun sa tree, na katabi lang ng house. Nagduduyan sya ng mahina. hinahangin yung buhok nya, Ang ganda nya talaga, kahit madilim pa at onting liwanag lang ang dumadampi sakanya. Katabi nya si Gelo, dati puppy pa lang syun ee. gift ko sakanya si Gelo. Mahilig daw kasi sya sa aso. ayun. naalala ko lang.
Lumapit ako sakanya, ang lungkot ng mukha nya. Dati hindi ko man lang sya nakikitang malungkot, pero ngayon, buong stay namin dito, kahit nakasmile sya, malungkot pa din ang mga mata nya.
Hindi man lang nya ako tinignan. Huminto lang sya sa pag duyan tapos sumandal sa gilid ng swing.
"Cyza, Ayos ka lang ba?" Wala naman akong kwenta magtanong. tsk. Hindi ko kasi alam kung papaano uumpisahan makipagusap sa kanya ee.
[Cyza's POV]
Nakita ko si Josh sa gilid ng mata ko. Papalapit ng papalapit sa akin. Di ko sya pinansin. At wala akong balak pansinin sya.
"Cyza, Ayos ka lang ba?" - tanong nya.
Bahala ka jan. kausapin mo yung hangin. yun lang naman ang laging nandyan para sayo ee.
Ayoko na kitang kausapin. Hinding hindi ko na gagawin yun. sinabi ko sa sarili ko yun nung iwan kita, para hindi na kita masaktan pa.Please. wag mo na akong kausapin..
"Sorry ha? kung dahil sa akin kaya ka nagkakaganyan. Sorry talaga ha? sana mapatawad mo ko. Napakawala ko kasing kwenta ee." - Josh.
Hala. ano ba tong pinagsasabi nito? dahil sakanya? hindi naman dahil sakanya ee. Dahil sa ginawa ko sa amin. malungkot lang ako dahil tinapos ko ng walang matinong dahilan ang maganda at maayos na relasyon namin.
"HAHAHAHA! What the hell are you talking about Josh? Sayo ko dapat itanong yan ee. Ayos ka lang ba? Kung makaangkin ka ng mga bagay sinolo mo na kasalanan ng mundo ee." - ako. Medyo harsh ata? pero okay na din yan.
"No, I'm not okay Cyza, ever since you broke up with me, kulang na ang buhay ko! wala na yung taong bumubuo ng araw ko. Nawala ang taong pinakamamahal, pinakaingatingatan ko. Magiging ayos ba ako nun?" - Josh. Halos maiyak iyak na sya. pero pinoipigilan nya. Gusto nyang manatiling matatag.
Wrong move. Iyakin nga pala toh, pag umiyak pa naman toh, lumalambot yung puso ko. tss. Makaalis na nga before pa may masabi akong hindi ko gusto.
Patayo na ako. pero, hinawakan nya yung kamay ko at hinila papunta sakanya. nakayakap sya sakin. at umiiyak pa din. hindi ko alam ang gagawin ko. pero unti-unting tumataas yung kamay ko, papayaka sakanya. the next thing i know, his face was in front of my face. and centimeters away nalang ang layo.
nakatitig lang sya sa mukha ko. grabe, he look so serious.
"IloveyouMaecyAllizaMontejo."
