Chapter 10:

29 0 1
                                    

[ Josh POV]

" Hindi ko kailangan ng sorry mo, Sapat na ang nakita ko" - Denise. 

Hindi ako makareact ng sabihin nya yun. Tumingin ako kay Cy, umiling lang sya at umalis na. Wala akong magawa. Ang tanga ko. Sobrang tanga ko. Bakit ko ba kasi ginawa yun?? Bakit hinayaan ko ang puso ko na gumalaw para sa akin?? Bakit ba kasi hindi ko muna inisip ang mga maaaring mangyari??? AY TANGA!! ANG BAKLA PA!!! 

Ano bang magagawa ko, para gawing tama ang lahat. Lalo ko lang pinagulo ang sitwasyon. tsk. 

[ Cyza's POV] 

Kahit hindi ko alam ang sasabihin sa bestfriend ko, or paano ieexplain, sakanya ang nagyari. kelangan ko sya makausap. Kasalanan ko ee. Hindi ko na dapat sya kinausap. Dapat umalis na lang ako habang may pag kakataon pa ee. dapat kasi hindi nalang ako pumayag na pumunta dito ee. tsk.

*knock, knock. knock.

"Denise, usap tayo please?" ako.

Ayaw nya talaga ako pag buksan ng pinto. Galit na galit sa akin ang bestfriend ko. :[ Kasi naman ee! Ang bobo tanga inutil mo Meacy alliza Montejo! 

*pak.

*pak. 

sampal. sampal. sa mukha ko. umupo na ako sa sahig.

*eeeennnkk. (pag bukas ng pinto)

"Cy, *hic* bakit mo sina- *hic* sampal sarili mo??" - Denise. Nakaluhod na sya sa may tabi ko. 

Niyakap ko sya ng mahigpit. 

"Bes, Sorry.. Sorry. Sorry. Sorry talaga. Hindi ko na dapat sya pinansin ee. Sorry talaga. Sorry kung umiiyak ka ngayon. Sorry" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. May tumulong luha na sa mata ko. 

"HAHAHAH." tumawa si Denise, kahit umiiyak kami. " Tignan mo Cy, Para tayong baliw. Diba, nagkasundo tayo na hindi tayo iiyak dahil sa mga lalaking yan? Pero heto ako ngayon. Iyakin. Tas ikaw din umiyak. Kalimutan nalang natin ang nagyari ha? Ayoko ng umiyak ule. Masakit pala bes." - Denise. Habang pinupunasan nya yun luha nya. tumayo na sya tas pumasok na kami sa room namin. 

Ako tong si maramdamin, sinisisi ang lahat sa sarili. Kasi naman, wala akong kwentang kaibigan. :[

"Alliza? Gising ka pa?" - Denise. 

Napasmile ako dun. Alliza kasi yung unang tinawag sakin ni Denise nung una kaming magkakilala ee. 

"Oo eh, Hindi ko makalimutan yung kanina. Sorry aa? Natapos tuloy ang relationship nyo dahil sa akin. " - ako. Sinisisi ko pa din sarili ko dahil sa nangyari.

"Ano ka baaa. Stop blaming yourself. Alam ko naman na hindi ka pa din nya nakakalimutan ee. Ako lang yung nagpumilit. Yun tuloy, mas lalo ko syang minahal. At mas lalo akong nasaktan. Katangahan ko noh??? Hahaha. " - Denise. Kanina pa toh, tumatawa ng peke. :|

 "Hahaha. Tanga nga. Bakit ba kasi baliw na baliw ka sakanya?" - ako. 

"Parang ikaw hindi aa? Aminin, hindi ka pa din naman nakakamove on sakanya." - Denise. 

"Eh bakit muna? nauna ako magtanong. hahahaha. Madaya ka. Tumatakas sa tanong ko." - ako

"Sagutin mo muna, promise, sasabihin ko dahilan ko." - denise.

" haii, Sige na nga. Oo eh. Hindi pa din ako nakakamove on. kaya nga ako nag ssorry eh. kasi, hinayaan ko na mangyari. Pero hindi ko naman inaasahan na ganun ee. Makikipag usap lang dapat ako. Iiwasan ko na nga dapat sya nun ee. Tumayo na ako dun sa swing pero hinawakan nya ako sa kamay." - ako.

" HAHAHA! ang guilty mo. Loka, hindi naman kita sinisisi ee. So, gusto mo bang malaman? sasagutin mo ko pa ba? or wag na?" - denise

"sagutin syempre. pero, hindi ko pa din maalis sa isip ko ee. hahaha. makakalimutan ko din toh. ulyanin ako ee. " - ako

[Denise's POV]

"Oo nga. Ulyanin ka. Lola ka na ee." hinawakan ko kamay nya at nagmano. inabot tuloy ako ng hampas.

" Ang epal mo bes. Hahaha. mag kwento ka nalang kasi. " - Cyza

"kasi ganito yun,  remember, before ka magstart nun sa career mo??" - ako

" Career? you mean the thing I do for fun, na ayaw kong sabihin sa iba, kasi malalaman ni mommy?" - cyza

"Yeah. That one. Kahit nga nagyon ayaw mong banggitin ee. Hahahaha! Ewan ko ba sayo. so... Ayun na nga. Una ko syang nakilala dun, ikaw syempre dun din. pero mas nauna ako. Kasi nabunggo nya ako at  naapakan nya yung doll shoes ko na super cute. Tas tinaraayan ko pa nga sya diba? 

Tapos, todo sorry naman sya. Good boy pa sya nun ee. Ang cute cute nya paaaa. Sobraaa, eh so, ayun nag sorry na nga sya. ayun. start siguro yun. kasi hanggang ngayon hindi ko nakakalimutan yun ee. Love at first sight ba yun?? hehehehe." - ako

"HAHAHA. Ang labo mo girl. Dati iba sabi mo aa? hindi naman yun. pero diba yung kwinento mo sakin, nung close na kayo? so ayun pala talaga yung start ng lahat??" - Cyza.

"yeap. Ayun, pero alam mo kung anong sad part dun?" - ako.

"Hindi, may sinabi ka ba? wala naman diba? PEace! (^_^)v " - Cyza

"Nakatingin sya sayo kung bakit nya ako na nabangga at na apakan." - ako

"....." - Cyza.

Silence. Hindi ko na alam sa sabihin ko. Nalulungkot ako. Kasi nung una, sya na ang gisto ni Josh, At wala na akong pag asa. at sa nangyari kanina, napatunayan ko lang naman sa sarili ko na hindi nya ako kayang mahalin.

"Bes, paano mo sya nagawang isuko? Bakit mas pinili mo pa syang iwan kahit na alam naman natin na mahal na mahal mo sya?" - ako. tinanong ko pa din. kahit na masakit. gusto kong malama ang talagang dahilan. Para malaman ko na ang susunod kong gagawin.

What's there to love?(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon