[Cyza's POV]
"Bes, paano mo sya nagawang isuko? Bakit mas pinili mo syang iwan kahit na alam naman natin na mahal na mahal mo sya?" - Denise.
"Bakit ko sya sinuko? Dahil nung lasing ka." - Ako, mukha syang confused.
*flashback*
"Mall tayo later bes, Ilang araw na din kasi tayong hindi nagkakasama ee. Mimiss na kitaaa." - Denise.
" Hindi daw nakakasama, pero pag nasa school lang magkakasama tayo aa? hehehe. Adik neto. " - ako.
"Ay, pilosopo? I mean, yung pagbbonding natin ng bongga. Lagi mo na kasing kasama boyfie mo ee. No time for me na. " *pout. - Denise.
"Pero.... Kasi ee.. hmm... Paalam mo ko sakanya.. " *evil smile. hehe. hindi siguro yun papayag. May date kami ee.
At syempre, dahil laging on time si Josh, nagdidiscuss na ang prof ng dumating sya. Pero, galing nga nya ee. Dean's lister yan kahit na ganyan. Talino ee. Inangkin lahat ng nagpasabog si Lord, Di man lang nagtira para sa akin. Anyay, back to business. Tumabi sya sa akin. Yung prof, ayun. wala ang. patuloy ang sa pag didiscuss ng lesson nya, kahit walang nakikinig.
yung prof kasing yun, depressed simula ng iwan sya ng family nya, tulala na magturo, wala ng pakialam sa students nya. lahat nalang kasi nawala sa kanya. parang binubuhay na nga lang sya ng school namin ee. hahaha. Chismosa ko. kaasar.
*Toinks!
"Anak ng tipaklong! makabatok naman, WAGAS lang teh? kulang nalang malaglag utak ko ee. " - ako.
*TOKTOK!
"HAHAHA!!" - josh and Denise.
Ang Havey naman. sabay pang kumatok sa ulo ko. sabay din ang tawa. Oh diba? HAVEY.
"eh kasi naman, kanina ka pa nakatulala kay Sir Alfed , mafall ka sakanya nyan." -denise.
"ouchuu! Huhu. Pagpapalit mo na ako??" - Josh, may pagyuko pang nalalaman. Lakas nanaman ng trip ng dalawang to.
"Shhh! Mga loka, ako'y taimtim na nakikinig sa ating propesor. Wag nyo akong guluhin." - ako.
Nagingay pa din yung dalawa. Hirap tuloy makinig.
"May kikidnapin pala ako sayo mamaya. " - denise, sabi nya kay Josh. Napatingin ako kay Denise, wit her evil smile.
"Bakit anong gagawin nyo? " - Josh.
"We'll buy a dress and I will treat her. Pede? Please. Pumayag ka na. Lagi naman kayong magkasama ee. Phulease!?" Nagpout pa si Denise. Nagpapacute kay Josh. hahaha.
"ah. hmm. Okay Sige." - Josh.
"We'll have our date tom." Josh, binulong lang sakin.
*KRING.KRING!
Nag bell na din. at ayun, Umalis na kami ni Denise, at nagpunta sa mall. Mga two hours kami naghanap ng dress. Buti naman nakakita din kami. Pang gimik daw. Mukhang mag bbar kami. And tama ang hinala ko. Bar nga.
We danced, at kapag napagod upo sa counter at hingi ng drinks.
Medyo tipsi na si Bes. Halata, kasi pulang pula na mukha nya kahit medyo madilim dito.
"Bes, tama na pag inom mo aa? Uuwi pa tayo." - Ako, syempre nagaalala din ako, wala kaming kasama eh. Mahirap pa naman ihandle toh kapag lasing.
"Eh! Ayoko! gusto ko kalimutan yung sakit eh! Kahit hindi naman totoo na kapag lasing nakakalimutan ang problema kapag lasing. Oh! Tignan mo ako ngayon? ang hirap bes, ang hirap hirap. Bakit ganun? Bakit bes? ang sakit kasi talaga ee. Bakit ganun???" - Denise. Umiiyak na sya ngayon.
"anong bakit ganun bes? nasasaktan? huh? Sinong nanakit sayo? sabihin mo? papatalsikin ko yun sa ibang planeta." -ako.
"eh! bes naman e. Hindi pwede yun. Ako naman kasi may kasalanan ee. Hindi ko sinabi."
awts. lasing na si Bes, text ko na lang si Josh.
>Josh, pasundo dito sa bar. please? Thankyou. Ingat ka sa pagddrive. mua. *message sent.
Kinuha ko yung shot glass na hawak ni Denise, at ininom. No wonder nalasing agad.
"Bakit sayo sya nafall eh ako naman yung unang nagmahal sakanya!" - Denise. kasabay ng pagshot nya.
"Sino?" I looked confused. Eh sino ba yung mahal nya? Hindi naman na sya nakakapagkwento sakin ng ganun, simula ng nagkabf ako.
"Si JOSH! Bes, ang sakit sakit lang nun! Ako pa naging bridge nyo ! Bakit ganun!? I thought na may gusto sya sakin. pero nagpapalakad sya sayo! ang sakit nun! Pero, hindi ko dapat maramdaman yun. I should be happy for you. Pero, nasasaktan ako. Bakit ganun!" - denise.
"..."
*end of flashback*
Kinuwento ko yun lahat kay Denise, kasi hindi nya na yun naaalala kasi lasing sya.
"Oh, yun pala yun. Sorry." - Denise.
"Okay lang yun. Hahaha. Mas okay na masira ang kahit na anong relationship na meron ako, wag lang masira ang relationship natin. " - Ako. ahahaha. ang emo. kaasar.
"thanks bes! I love you. Tulog na tayo. muaa. Goodnight." - Denise.
