BALANG ARAWIkaw, ako, siya, tayo ay may kanya kanyang taong minamahal.
Tulad na lang ng ating pamilya, mga kaibigan at ang ating Panginoon.
At mayroon ding isang tao na kayang magbago sa buhay natin.Sinasabi nila na lahat ay mangyayari balang araw.
Hanggang kailan pa ba ako maghihintay?
Hanggang kailan pa aasa?
Hanggang kailan iiyak para sayo?Tuwing may kasama kang iba naninikip itong puso,
Pero bakit nga ba?
Dahil siguro kulang ako sa atensyon at oras mo,
At dahil na rin siguro sa pag-asa ko sayo kahit alam kong imposibleng magkaron ng 'tayo'.Marahil ay hindi mo pa siguro alam ang aking nararamdaman,
Pero maari rin lamang na ako'y iyong iniiwasan.
Bakit kailangan pa akong ipagtabuyan?
Bakit kailangan pang maghanap ng iba?
Mga tanong na nakatatak sa isip ko.Kahit gaano katagal ay handang maghintay para sayo,
Kailan kaya darating ang panahong ikaw naman ang mag iintay para sa akin?Kada gabi ikaw ang laging naiisip sa panaginip,
Hindi alam kung bakit ngunit isa lang ang nakatatak sa aking isip.Mahal na kita, hindi ko alam kung bakit pero ito ang sinisigaw ng aking puso.
Marahil dahil hanggang ngayon ay ikaw parin ang sentro ng aking mundo.
Balang araw ay makakatagpo rin ako ng taong handang magmahal sa akin,
Yung taong handa akong mahalin ng sobra tulad ng pagmamahal ko sa'yo.
BINABASA MO ANG
HUGOT
PoetryHugot ba kamo? Wala akong magawa kaya ginawa ko 'to. Broken ako ngayon eh. Sana suportahan niyo ako. HAHA!