3: Ako'y Sa'yo

26 3 0
                                    


Ako'y Sa'yo

Kung alam mo lang,
Sa mundong ito ay ikaw lagi ang inaasam.
Ayoko nang umasa sa'yo,
Pero bakit tila hindi kaya nitong puso?

Tuwing hindi ka nakakasama ay hindi mapakali,
Kung ano anong nasagi sa isip nagbabakasakaling ika'y makasama muli.
Bakit kailangang humantong sa ganito?
Ginawa ko naman lahat, hindi ko naman ito ginusto.

Sana'y balang araw ay maibalik ang nakaraan,
Mga panahong nakakasama ka at nagkakatuwaan.

Minsan ay nasasabi nalang sa sarili,
Ako'y sa'yo lamang,
Ngunit ikaw ba ay akin?

Masyado lang siguro akong umaasa,
Umaasa sa mga salitang binitawan mo noong tayo pa.

Tayo? Wala nga palang tayo,
At kahit kailan ay hindi magkakaroon ng 'tayo'.

Sana ay balang araw maalala mo ako,
At masabi mo sa sarili mo na, 'ay minahal ako nito'.

Sana balang araw mapagtanto mo,
Na nawalan ka lang naman ng taong tapat na nagmamahal sa'yo.

HUGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon