2: Pag-Asa

35 4 0
                                    


PAG - ASA

Simula nung araw na nakilala kita nagbago ang buhay ko,
Makita lang kitang pumasok makulay na ang mundo ko.
Hindi ka naman alak pero bakit ang lakas ng tama mo sakin?
Sana nga'y balang araw ay maging tayo rin.

Tuwing may kasama kang iba unti unting nabibiyak ang puso.
Nandito naman ako pero bakit iba pa rin ang hanap mo?
Nandito lamang ako, nagmamahal sa'yo.
Habang ikaw nagmamahal ng taong wala manlang pakielam sa'yo.

Ito na ba ang sinasabi nilang pagmamahal?
Iba sa pakiramdam na makita mo lang siyang nakatingin sa'yo kikiligin kana.
Sasabihin sa'yo ng kaibigan mo, 'nahihibang ka na ba?'
Sadyang hindi ko lang kasi mapigilan ang kilig lalo na kapag malapit na siya.

Hindi maalis sa utak ko ang salitang pag-asa,
Susuko na ba o aasa pa?
Sabi nila'y mag aral daw muna,
Pero hindi nila alam na ikaw ang inspirasyon ko lalo na kapag nakikita kita tuwing umaga.

Alam kong ako lang naman ang naasa sating dalawa,
Hindi alam kung bakit ang puso ko ay ikaw ang diwa.

Tuwing gabi naiisip kita,
Nagbabaka sakaling maisip mo rin ako.
Tuwing nananaginip ay ikaw lagi ang nakikita,
Ang saya saya na kahit manlang sa panaginip ko ay nakakasama kita.

Para sa akin ay maswerte na ako,
Dahil nakilala kita.
Hindi man ako pinalad na mahalin mo pabalik,
Atleast alam ko na naging parte ako ng buhay mo kahit saglit.

Para sa akin kung magmamahal ka, dapat magtira ka naman para sa sarili mo.
Kung ibinigay mo na ang lahat ng pagmamahal mo sa isang tao ano nalang mangyayari sa buhay mo?
Iisipin mong walang nagmamahal sa'yo, pero may isang taong handang ibuwis ang lahat para sa pagmamahal mo.

Habang may buhay may pag-asa,
Pero kung alam mo sa sarili mong wala na, tama na.
Hindi ka naman masasaktan kung hindi ka umasa sa wala.

HUGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon