1
Lost
==========
"Ang tagal mo namang maluto, Tom Jones nako," Mukhang ewan kong sabi sa kaldero na para bang sasagutin niya ako pabalik. Dapat kasi di ako agad nakatulog. Kung bakit naman kasi ang lambot ng kamang iyon. It's been so long. Napabuntong hininga tuloy ako nang wala sa oras.
Mabilis akong mabagot, kaya naman naisipan kong ilabas ang uugod-ugod kong 2g phone pagkatapos kong takpan ulit ang Kalderetang nakasalang. Proud ako sa phone ko kasi iwas nakaw na, matibay pa. Onting goma lang, good as new na.
Maigi nalang rin at palagi koong dala-dala yung headset nito kaya naman, hindi rin nagtagal ay dinig na sa buong kusina ng bahay ang paborito kong kanta. Salamat sa radio feature, phone!
Hindi ko na namalayang napapaindak na ako paunti-unti at nadadala na sa kanta. Nung nasa pinakaenergetic nang part, hindi ko na napigil at sumabay nako rito. Featuring sandok as a microphone pa.
Sway ng hips to the left and to the right, Shemps fro time to time I had to check yung lasa ng kaldereta baka mapasaobra sa tancha dahil sa takot kong mapagalitan ng bago kong amo.
Ang tahimik lang kasi ni Sir Sage, literal na a man of few words. Ang laking tao pero soft spoken. Pangiti-ngiti lang. Pero di ko panaman siya ganun katagal nakakasalamuha. Kaya may malaking possibility na magbago pa ang lahat. Laking pasasalamat ko nalang talaga at tinanggap niya ako. Shemps, nakatulong na din yung dala-dala kong papeles. Yun talaga yung hindi ko iniwan doon.
Yung instructions lang naman niya sa akin yesterday, ay to maintain the cleanliness of the place, make sure everything's in order and to make breakfast, lunch, and dinner.
Malapit nang matapos ang kanta nang mapansin kong hindi pala ako nag-iisa. Shutabels!
Mabilis pa ako sa alas kwatro kong napatay yung radio ni phone at nahanap ang kutsilyo sabay tutok sa mamang naka-itim.
"S-sino ka?! Pano ka nakapasok dito? Wag kang lalapit!" Kahit kakaba-kaba ako nagawa ko parin siyang sindakin. Sana lang effective.
"I should be the one asking you that." Sabi ng mama na may malalim na boses at nakakalokang height. Mas madali siguro akong makakatakas sa kanya kasi mahihirapan siyang yumuko. Talagang nag-iisip na ako ng paraan kung paano tumakas.
"What are you doing here?" Sita pa niya sa akin. Ako pa talaga yung lumalabas na intruder?!
"I'm calling the police." I threatened as I showed him my phone with my other free hand. Kung kanina proud ako, parang nanliit ako ngayon kasi napansin kong tinitigan nya talaga yung rubber band to keep the display screen in place.
"Be my guest." He smirked. Edi siya na may dimples.
Magdadial na talaga ako sa 911 pero natigil ako ng may tumunog. Turned out na phone nung mamang may dimples.
BINABASA MO ANG
Anton-nim
FanfictionAn antonym is a word pertaining to an opposite of another. But not in her case. Definitely not.