It's been 2 years since Kevin and Patrisse got married.
Gustong gusto ni Kevin ang pagsusulat ng novel, madalas nyang pinopost o shine-share yung story nya sa internet, pero walang nakakarecognize sa mga gawa nya, mahilig din sya sa photography, specially wedding photos. Mahal na mahal ni Kevin si Patrisse. Si Patrisse naman, laging binubully si Kevin at madaling uminit ang ulo nya, buti na lang mabait si Kevin at laging nag gi-give in sakanya.
One day, mainit ang ulo ni Patrisse kasi humindi si Kevin sa gusto nya, na maging photographer sa wedding ng bestfriend nya, kinausap nya ulit yung husband nya.
"Bakit ba ayaw mo pumayag? Nag promise naman sya na magbabayad sya eh." Pasigaw nyang sinabi kay Kevin.
"Wala akong oras sa araw na yun." Mahinahon nyang sagot sakanya.
"Hmph."
"Huh?"
"Walang oras ba kamo? Bawas bawasan mo yang sinusulat mong nobela at don, makukuha mo yung mga oras na kailangan mo!!"
"Hndi pwede, naniniwala kasi ako na, isang araw may makakarecognize sa mga gawa ko."
"Wala akong pake, kailangan mo 'to gawin para sakanya, ok?!"
"No."
"Just this once... please?"
"No."
Tapos ang usapan.
Binantaan nya si Kevin.
"Bibigyan kita ng 3 araw para pumayag, or else...."
Then padabog syang umalis sala kung saan nagsusulat ng nobela yung asawa nya, papunta sa kwarto nila, at galit na sinara ni Patrisse yung pintuan. BLAAAG!!
------------
FIRST DAY
Sa unang araw, para syang bata na inaagawan ng kendi. Pinagdamutan nya ipagamit sa asawa nya yung kitchen, t.v, radio, his phone, telephone, and wi-fi. Ginawa pa nya yung ng pagka aga aga. At syempre, yung kama pinagamit pa din nya para naman masabi nyang "KABAITAN" sya.
"Ano to?" Sabi ni Kevin.
Nakapamewang na humarap si Patrisse sakanya.
"Simula ngayon, bawal ka ng gumamit ng kusina, t.v, radio, cellphone mo, telepono at ng wi-fi. Maliwanag?"
"Nababaliw ka na ba Patrisse?"
"HMP!" Then looked away.
"......"
Buti na lang mabait si Kevin, ayos lang sakanya yun kasi mahal nya yung asawa nya. Okay na daw yun as long as may pera pa sya sa bulsa nya.
SECOND DAY
Wala pa ring "Oo" na lumalabas sa bunganga ng asawa nya, ayaw pa din nyang pumayag. That time, niraid nya yung kwarto nilang mag asawa, kinuha mismo ni Patrisse yung wallet ni Kevin at pinagkukuha lahat ng pera nya, cards at mga importante pang bagay sakanya.
Kinabahan na si Kevin, nagmakaawa na sya sakanya na tigilan na nya to, wala syang pakealam kung magmakaawa pa sya buong araw. Hindi sya mag gi-give in until na pumayag sya na maging photographer.
THIRD DAY NIGHT
Naka higa na silang mag asawa sa kama. Si Kevin nakatingin sa kabilang direksyon, at si Patrisse naman sa kabila.
"We need to talk." Nag salita si Kevin.
"Kung hindi tungkol sa wedding, kalimutan mo na yan."
"Importante tong pag uusapan natin."
".........." Tahimik lang si Patrisse.
"Mag hiwalay na tayo."
Hindi sya makapaniwala sa narinig nya.
"May nakilala akong girl..."
Galit na galit sya, clinench nya yung kamay nya. Pinipigilan nya yung sarili sya kasi gusto nyang matapos sa pagsalita yung asawa nya, pero nagiging blurred na yung paningin nya dahil sa luha na pinipigil nya.
May kinuhang litrato si Kevin galing sa dibdib nya, probably galing sa pocket ng undershirt or something.
"Mabait syang babae."
With tears, nagsalita si Patrisse.
"Tapos.."
"Mabait yung personality nya." Pinagpatuloy ni Kevin.
Broken hearted si Patrisse, kasi may ibang babae si Kevin, to the point na pati picture ng girl nilagay na nya sa pocket nya. Which is close to his heart. Awful.
"Sabi pa nya, susuportahan nya ako sa pag pursue ko sa literature pagkatapos namin magpakasal."
Hindi matigil ang pag iyak ni Patrisse, tuloy tuloy pa din ang kanyang pagiyak. Selos na selos sya kasi sinabi din nya yun kay Kevin.
"Mahal na mahal nya ako."
Gusto nyang umupo at isigaw nya kay Kevin na "Bakit ako ba hindi?!"
"So, sa tingin ko, hindi nya ako pwe-pwersahin na gawin yung mga ayaw kong gawin."
Nag iisip si Patrisse, pero yung galit ayaw pa rin mawala.
"Gusto mong makita yung picture nya?"
".......!!" She cried and angry at the same time.
Nilapit nya yung picture malapit sa mata nya. Hinampas na yung kamay ni Kevin at sinampal nya to ng pagkasakit sakit, namula yung pisngi ni Kevin sa sobrang lakas ng hampas ni Patrisse sakanya. Kevin sighs. Patrisse cries.
Binalik nya yung picture sa pocket nya. Inangat ni Patrisse yung kumot nya at pinatay ni Kevin yung ilaw at natulog na sila.
After awhile. Umupo si Patrisse at binuksan nya yung ilaw. Tinignan nya yung asawa nya na tulog. Nagsisisi sya kung bakit nya ganun trinato yung asawa nya. Umiyak ulit si Patrisse. at napaisip, andaming pumapasok sa utak nya na kung ano ano. Gusto nyang gisingin yung asawa nya, gusto nyang kausapin ng masinsinan ang asaya nya, ayaw na nyang pahirapan yung asawa nya. Napatitig sya sa chest ng asawa nya, kung saan nandun yung picture ng girl na sinasabi ng asawa nya, gusto nyang makita yung babae, dahan dahan nyang kinuha yung picture mula sa undershirt pocket ng asawa nya. Gusto nyang umiyak, umiyak ng umiyak, gusto din nyang tumawa.
A nicely taken photo. Nicely taken photo of her. Nag bend sya para i kiss yung asawa nya sa pisngi. Nagulat si Patrisse kasi ngumiti yung asawa nya. Gising pala talaga sya, nagkukunwari lang na tulog.