"Tetris vs. Boyfriend"

140 4 0
                                    

ADIK

Ang tawag sa akin pag naglalaro ako ng Tetris. Ang galing ko daw kasi. Lahat na ng moves alam ko mga T-Spin, back 2 back combo, basta LAHAT. 

Ako nga pala si Denny. Ang "reyna" ng Tetris. Sa sobrang ka-adikan ko sa Tetris ay hindi ko na nabibigyan ng oras ang boyfriend ko...

Pag nagte-text siya sakin,

Vince: ui babe msta na?

Madalas hindi na ko nagre-reply dahil busy ako maglaro. Pag di ako nagre-reply, mago-online siya para i-chat ako.

Vince: hi babe I Love You!

Denny: maya na tayo mag-usap may kalaban ako sa Tetris

--SUNDAY--

Nag-text sakin si Vince

Simba tau

Auko, puyat ako eh..

Sige na babe, minsan na nga lng tayo magsama.

PUYAT nga ako eh! Nxt tym na lng..

San ka ba puyat? Nag-adik ka nanaman sa Tetris noh?! Bhla ka nga!

Di na ko nag-reply

--Kinabukasan sa School--

Nakita ko si Vince na may kasamang ibang babae. Nung umalis na si Vince, agad kong pinuntahan yung babae.

"Sino ka? Wag mo ngang nilalandi BOYFRIEND ko!"

Sabi niya sya daw GIRLFRIEND ni Vince. Nakita kami ni Vince na nag-uusap at bigla siyang lumapit. May binigay siyang sulat sakin at umalis.

"Bianca, sorry pero hindi ko na kaya.

Hindi ko na kayang tiisin tuwing pinagpapalit

mo ko sa TETRIS na yan!

Sorry pero gusto ko nang itigil tong

relasyon na to.

Salamat sa lahat..

-Mike"

Tumakbo ako pauwi. Iyak ako ng iyak, tama nga ang sabi nila..

NASA HULI ANG PAGSISISI

Kung pwede ko lang ibalik ang oras.

Hindi ko ipagpapalit ang sweet

at pinaka-mapagmahal kong

BOYFRIEND...

One Shot Collection :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon