Tatlong taon na din ang nagdaan pero hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Kahit di ko masabi ang nararamdaman ko, parang ayos na rin sa akin.Nakakasama ko naman siya palagi, best friend niya ko eh! Ayun nga lang, best friend "LANG".
Siguro di niya napapansin? o baka kulang pa ang pag-eexpress ko? o kaya baka manhid siya? Di ko rin siya masisisi eh. Torpe din ako misnan. Lahat dinadaan ko sa biro. Pero diba nga, jokes are half meant true.
Ilang beses ko nang muntikan sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero....bad trip e. Laging wrong timing. Kung hindi may biglang tatawag sa kanya, biglang meron siya gagawin, biglang may eepal. Kaya hanggang ngayon nakatago pa rin sa dibdib ko ang nararamdaman ko.
Pano ko nga ba malalaman kung hindi ko sa kanya itatanong diba? Baka sakaling......baka lang naman...baka gusto rin niya ako..more than a friend. Ngunit kung hanggang best friend lang eh, rerespetuhin ko ang desisyon niya. Ano pa nga ba ang magagawa ko?
Ang pinagtataka ko rin.. Bakit sa buong tatlong taon na yon, di siya nagkaka-boyfriend? Ang dami namang gustong manligaw sa kanya. Lagi niyang nire-reject kapag nagpapaalam manligaw. Lagi niyang sinasabi "May hinihintay pa akong lalaki."
Sino kaya yon? Ang swerte naman nun. Biruin mo, tatlong taon na siya hinihintay ng mahal ko </3 Mas nakakapanghina pa tuloy ng loob yan.
Naalala ko nang una kaming magkakilala, alam ko..nasa mall kami nun eh. Tapos napagkamalan niya akong magnanakaw HAHA! Pinahabol pa niya ako sa guard nun eh. Di ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa kasi...na-love at first sight ako sa kanya. Imagine nyo na lang na habang hinahabol ako ng mga guards, nakatingin lang ako sa kanya tapos iniisip ko kung ano ba ang pangalan niya o kaya number niya.
After ng pagkakamaling iyon, nilibre niya ako ng dinner sa Tokyo Tokyo. Kwetuhan dito..kwetuhan doon.. At hanggang sa naging close kami. Magkaiba kami ng university na pinapasukan pero magkalapit lang ito kaya tuwing free time, magkasama kami. Lagi nga kaming pinagkakamalan na may relasyon eh :""> Bagay siguro talaga ako sa kanya?
Nakalimutan kong magpakilala, sobrang daldal kasi. Ako nga pala si Jeremy at mahal na mahal ko ang best friend kong si Anna.
Ngayong gabi, tatanungin ko na siya ng isang tanong na maaring mapagsaya o magpalungkot sa akin.
Wish me luck!
-----
Nakaupo lang kami sa bench dito sa park. Nakatingin sa stars. Sabi kasi nila marami daw shooting stars ngayon pero bakit absent ata lahat ng to? :O Mas romantic pa naman sana kung meron nga. Joke lang naman ata yon e. Mga paasa.
Kanina pa gustong tumalon palabas ng puso ko. Sobrang kabado ako ngayon. Para bang magpo-propose ako ng kasal. Tumingin ako kay Anna, tahimik lang siya. Bakit kaya? Ayan tuloy, mas kinakabahan ako!! baka alam niyang may sasabihin ako at hinihintay lang niya na magsimula na ko? Anubanamanyan!
Kumuha ako ng bulaklak sa tabi ko at isa isa kong tinatanggal ang petal.
*sasabihin ko*
*hindi ko sasabihin*
*sasabihin ko*
*hindi ko sasabihin*
*sasabihin ko*
*hindi ko sasabihin*
*sasabihin ko*
Okay! Ang bulaklak na mismo ang nagche-cheer para sa akin. Naririnig ko na ang drum rolls.
Bubuka na ang bibig ko pero di ako nakatingin sa kanya. Sobra talaga akong nahihiya.
"Anna..may pagtatapat sana ako sayo. Hindi naman sa minamadali kita o ano. Pero noong una pa kitang nakita..." tumingin ako sa langit "na-in love na ko e. Lalo na noong nakilala kita..hindi ko mapigilan ang sarili kong mahulog. Kaya ito ngayon, hulog na hulog na."
"Kaya pwede bang.....ehem...uhmnn....pwede bang hindi na kita maging kaibigan?"
"Ano...pwede bang..maging girlfriend na kita?"
"Anna, will you be my girlfriend?"
Tumingin na ko kay Anna pero hindi siya sa akin nakatingin. Unti unti siyang lumilingon sa akin at hinubad niya ang earphones sa dalawa niyang tenga.
*Ba dum tsss*
Wow, palakpakan naman sa confession ko na hindi man lang narinig ng sinasabihan ko. Napakasaklap naman oh. Pano na to? Pano..
"May sinasabi ka ba kanina Jeremy?"
"Ah..."
"Sabi ko.....ano..."
"Sabi ko, kung gusto mo bang kumain ng pancakes sa condo ko?"
*BOOM*
"Sure. Tara na?" yaya ni Anna
Napakasaklap nga naman oh. Kung kelan nagkaroon ng lakas ng loob...tsaka wrong timing ulit. Kelan ba ko susuwertehin? Ha? -___________-
.
.
.
.
.
.
"ANG SARAAAP!" sabi ni Anna habang kinakain ang luto kong pancakes. Alam ko na paborito niya yan e. Lalo na kapag may syrup na honey. Nasa heaven daw ang feeling niya.
"Talaga?" tanong ko
At sumagot siya...na nagpatibok ng sobrang bilis sa puso ko. Yung tipong sasabog na to noong narinig ko ang sinabi niya....
"Siyempre, luto ng boyfriend ko to e." at nginitian niya ako ng sobrang tamis.
Meet Anna, my girlfriend.
************************************************************************************************************
Hope you liked it!!
Haha!! Inspired ako ngayon kaya natripan ko gumawa ng bagong story.. :">
BINABASA MO ANG
One Shot Collection :)
Novela JuvenilA compilation of SophiaBodino's short stories.