CHAPTER 6
MAYA’S POV
Hindi ko naman sinasadya na ganunin si CANDY. I just can’t stand the feeling na magkaaway sila. Si CLOG, bestfriend namin siya ni MIA kaso lang hindi ito alam ni CANDY. She doesn’t need to know. Hindi namin siya linoloko we just want, we just want what’s best for them. MIA gave CLOG the idea to ask CANDY out, but I guess it turned out well, kung hindi dahil sa dare :-D But the truth is, I guess it’s working. ‘cause I’ve never seen CLOG that happy. We both know that CLOG has feelings for CANDY, hindi nga lang alam ni CLOG na alam namin at hindi rin namin sinasabi kay CANDY kahit na bestfriends niya kami.
Pinapaganda namin ngayon si CANDY para naman maayos siyang tingnan. Like I’ve said, it’s for their own good. I never thought that this two will be together. For sure maghahanda rin ng todo-todo si CLOG. Sus, yun pa! e alam naman natin na excited siya hindi lang halata. Sinabi niya rin sa amin na sisimulan na niyang kalimutan si CANDY. Pero paano niya kakalimutan eh lagi siyang nagpapapansin.
Remember the time nung bigla na lang siyang nagpakita sa classroom dahil sinabi daw nung principal na nilipat siya. That’s a lie! Nirequest niya ‘yon sa dad ni CANDY. Nung nagtanong si tito kung bakit sabi naman ni CLOG conflict sa schedule. Sus! Wala naman siyang sched e, gusto lang magpapansin nun. Kaya ayun nauto si tito at si PJ (principal Jake). Hahahaha! Paraparaan! Luma na ‘yan!
After naming ayusan si CANDY ng buhok siya na daw maglalagay ng make-up. Well, talagang siya na! hindi kaya kami ni MIA marunong maglagay ng make-up kaya kapag kailangan naming magmake-up dito ang punta namin eh. Ang galing niya kayang magmake-up! Sa buhok lang kami ni MIA magaling e. kaya kapag may problema naman siya sa buhok sa amin ang takbo niyan.
Nang tapos na siyang magmake-up… WOW! Mas lalo siyang gumanda. Napansin yung beautiful almond-shaped eyes niya, kumapal yung lips niya, tumangos lalo yung ilong niya, halatang-halata yung cheek bones niya. Kahit na she’s wearing a simple green knee-cut dress with a couple of beeds, she looks stunning. Kung lalaki lang ako reraypin ko na ito e. JOKE LANG! ligaw muna.
Ayyyy, tama na ang isip at narinig ko na yung doorbell sa baba at sa tingin ko si CLOG na yun.
Bumaba na kami ni MIA sa baba, alangan naman sa taas. Hayshhh! Tapos hinayaan naming si CANDY sa taas at may “finishing touches” pa daw siya. Sus! Excited din pala sa date.
Nang Makita namin si CLOG hindi naman halatang pinaghandaan niya ito noh? Bihis na bihis si kuya. His wearing a Black tuxedo at wala siyang tie. Nakita tuloy lalo yung muscles niya. Tapos open pa yung first 3 buttons ng polo niya tapos hindi nakasara yung jacket, coat something (kung ano man ‘yun) niya.
“Gwapo natin ngayon ah” –MIA
“Siyempre! Excited ako e” –CLOG
“Sus! Kailangan excited para magbihis? Hindi ba pwedeng pinaghandaan lang? may gusto ka lang sa kadate mo eh” –MAYA
Pabulong ko nang sinabi yung huli noh. Baka kung anong gawin nito sa bestfriend ko eh. Malay mo pag-uwi ni CANDY tagpi tagpi yung damit tapos ang daming halik a katawaan tapos buntis na pala at si CLOG ang ama. CHOSSS! Joke lang! hindi ganun si CLOG noh!
“Anong sabi mo—“ –CLOG
Natigilan siya kasi pababa na si CANDY. And as expected nganga ang peg ng lolo mo. Sabi na nga ba eh. Ako nga babae napanganga ni CANDY at nakapagdaydream pa bilang isang lalaki. Eh kung lalaki mismo ang nakakita edi NGANGA, SPEECHLESS, NO COMMENT, TWEET, SHARE, LIKE, lahat na! sus! Hindi na uso yan CLOG, laos na yang peg mo!
When CANDY went down the stairs and approached us, CLOG immediately said…
“You’re so beautiful tonight!” –CLOG
“FYI, I am always beautiful” –CANDY
Basag ang koya natin mga kapatid
“I know I mean let’s go” –CLOG
Then he took his hand out to ask CANDY’s hand.
“Tsk, whatever!” –CANDY
Then linagpasan niya si CLOG. OUCH!!! Saklap nun pare! Linagpasan ka lang ng taong gusto mo! Ouch!
“Don’t worry, you still have her for the night” –MIA
Nice MIA, GOOD GIRL!
“Thanks!” –CLOG
At least gumaan ng konti yung loob niya
“Uhhh, I better, I mean, we better get going baka mabara na naman ako eh” –CLOG
“Sige, mag-ingat kayo ahhh. Huwag mo munang iimbita sa kama at bata pa ‘yan” –ako
Hahaha! Ang weird ng sinabi ko. Actually napalakas nga yung boses ko at narinig din ni CANDY yun e. ito naman si MIA tumatawa lang. si CLOG naman ngumiti ng nakakaloko na parang sinasabi niya na “kung pwede lang” tapos si CANDY nakatingin sa akin ng masamang nandidiri na sinasabi niya na “iwwwww! Not in a million years!! Yuck!!!!” hahahaha! Nakakatuwa silang tingnan.
After nun, they left and MIA and I stayed sa house nila CANDY to wait for them so, nanood muna kami ng movies at nagpaluto ng kung anu-ano. Hahahaha! Ang saya talaga kapag ubod ng yaman ang best friend mo.
But different questions are bugging me. Magcoconfess na kaya si CLOG? Marerealize din ba ni CANDY na may feelings siya kay CLOG? Ano na kayang ginagawa nila? Saan kaya sila nagpunta? Buti na lang nakadress si CANDY dahil madali itong hubarin. CHOSSS! Parang gagawin nila yun ahh, pero possible. Aba malay ko ba!
Bahala na! makikibalita na lang ako sa kanilang dalawa.
YOU ARE READING
my boyfriENEMY
RomansaThey were enemies since birth. Will they be enemies forever now that their parents found a way to bring them closer?