Chapter 10
Being with BB was not that comfortable right now. Sobrang kapal ng awkward atmosphere ang bumabalot sa aming dalawa. Pero feeling ko, ako lang ang na-a-awkward-an kasi datdat ba naman ng datdat. Kesyo ganito kesyo ganyan, ganito pala kadaldal si BB, ngayon ko lang nalaman.
Pano kaya kung sabihin ko na may gusto din ako sakanya, na sinula pa lamang noon gusto ko na siya. Pano kung ligawan niya ako? E kami ni CLOG sa batas ng parents namin? Tapos yung buwiset ‘kong parents hindi alam birthday ko. Mapapagaan kaya ni BB ang loob ko? Siya na kaya ang taong hinahanap ko na magmamahal sa akin? Spiritually, emotionally, physically and mentally? Hayyy… siya na kaya ang magiging kasama ng puso ‘kong mag-isa?
“Dy, may problema ba?” –Bri
“Ikaw na kaya yun?” –ako
“Huh?” –Bri
Putek! Ano ba ‘tong pinagsasasabi ko? Kanina pa lumalabas sa bibig ko ang mga salitang hindi dapat lumabas. Bwiset lang!
“Ha? Wala! Sabi ko, may pagkain ba kayo? Nagugutom kasi ako eh. Hehe” –ako
Ang galing mo talaga magpalusot!
“HAHA! Kahit kalian matakaw ka pa rin! HAHAHA!” –Bri
Grabe ‘to ah!
“Hoy! Hindi na ako matakaw! Tignan mo, sumexy na kaya ako! Bleh!” –ako
Tapos pinagmayabang ko ang sexy kong katawan.
“Suit yourself! Yaya, mag pa-deliver ka ng burger and pizza.” –Bri
“Sus ‘wag na! magluluto na lang ako. Ate, may ingredients ba diyan for salad and lasagna?” –ako
“Opo ma’am.” –yaya
“O sige po, pa handa na lang po.” –ako
“You can cook?” –Bri
“Of course I can! Masarap kaya luto ko!” –ako
“Talaga lang ha? Sige, i-ju-judge ko yan mamaya.” –Bri
“DEAL!” –ako
Pumunta na ako sa kusina and nagluto na. I made a simple Ceasar salad with a delicious dressing and a beef lasagna. After 45 minutes, tapos ko na yung food namin. Nagpabili ako ng softdrinks and servered it for two, one for me and one for Bri. Medyo kinakabahan ako sa magiging reaction niya. Pero medyo lang naman, I’m confident na masarap luto ko!
“hmmm….” –BB
Shet!
“Bakit ganito lasa nito?!” –Bri
“HA?! Anong lasa?!” –ako
Nagpapanic na ako! Ewan ko kung bakit!
“…masarap!” –Bri
“Hoy Brian! Pinakaba mo ako dun ah!” –ako
“It tastes good! Delicious!” –Bri
“Hoy! Baka binobola mo lang ako!” –ako
“I’m not! It’s really delicious! Promise!” –Bri
“Ok fine. Sabi mo yan eh.” –ako
After nun, kumain lang kami. Naka-tatlong servings nga si BB eh. Ganon ba kasarap luto ko? Choss! Nagkwentuhan lang kami. Pero kapag tumatahimik siya at tititig lang siya sa akin tapos ngingiti nang napaka-gwapo, mag-iisip ako ng topic kasi naiilang ako sa tingin niya. Natutunaw ako! Tsaka minsan ka lang titigan ng taong saksak sa kagwapuhan! Kaya ayun. We just talked and talked hanggang sa naisip namin na manood na lang ng movie.
Bad mood man ako nung umaga, pero masaya naman ako ngayon. Thanks to Bri. Buti na lang talaga, dumating siya ulit sa buhay ko.
Siguro nasa kalahati na kami ng movie, napatingin ako sa clock. 4:30 na pala? Ang bilis naman ng oras? Bigla na lang may narinig akong nagdoorbell, sino kaya yun?
“Ma’am CANDY kayo po hinahanap.” –yaya
“Ako?” –ako
“Opo.” –yaya
Pinause ni Bri yung movie then lumabas na kaming dalawa. Paglabas namin, may nakita akong familiar na red na Mazda. E ang alam ko, si CLOG lang ang kilala kong may ganun. Biglang may humatak sa akin. Tumingin ako kay Bri, nasa lapag na siya tapos hawak niya ang jaw niya. Teka! May sumuntok sa kanya?! Tumingin ako dun sa humatak sa akin at nakita ko na kung sino ang sumapak kay Bri...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
si CLOG.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Sorry kung mabagal ang update. busy kasi sa school eh.
Anyway, hope you like this chapter though it's short.
~Allex
YOU ARE READING
my boyfriENEMY
RomanceThey were enemies since birth. Will they be enemies forever now that their parents found a way to bring them closer?