Sino nga ba ako?

342 3 0
                                    

2016:
Ako nga pala si Dré, hindi yan DRE as in kumpadre, Dré as in DRAY. Hello! Welcome sa diary ko. Babae ako mga friends, as expected, no? Kaka 25 ko lang this year, isa na akong legit na adult.  Panganay sa dalawang magkapatid, at galing sa middle class na pamilya. I guess you can say that my brother and I grew up spoiled, kasi naman dalawa na nga lang kami, siyempre our parents gave everything they can for us to have a wonderful life.

Yun nga lang, medyo mapaglaro talaga ang buhay. Yung childhood ko wasn't that ideal.

Back in 2003, kung ikukwento ko yung buhay ko sayo, dito ko uumpisahan: "ang huling naalala ko at age 6 ay yung nasa terrace ako ng bahay nila Lola Ai (side ni Mama), nakita ko si Mama after what seemed like months, bigla na lang niya kong niyaya mag Jollibee. Napaka solid nung memory na yun, to the point na nararamdaman ko pa din yung yakap ni Mama sakin nung panahon na yun tuwing naiisip ko. Masyado akong mahal ng parents ko, yan ang tumatak sa isip ko from then on."

Pero naalala ko na lahat, dadating tayo sa part kung kailan at kung paano ko naalala. Wait lang kayo. Intro pa lang to eh.  😅

12 years.Where stories live. Discover now