2003 - First day in High School. Pakshet.

194 1 0
                                    

Di ako prepared nito mga tol, napaka lapit na nga ng school sa bahay ko pero late pa din ako. Ni hindi ko nga alam kung anong section ako kasi I'm gangster like that. Hahaha shet. Medyo ewan na ko sa stage na to, dahil nga laging busy si mama, si daddy lang nasa bahay kaya para akong lalake kumilos. Mabilis ako maligo, okay lang kahit hindi plantsado yung uniform ko, para din akong lalake kumaen kaya chubbylita ako. Hoy! Don't judge! Pakyu.

Pagdating ko sa school, men ang daming tao. Tapos yung mga girls ang gaganda nila, proper uniform, straight hair--kasi  2003 all the hype ang HAIR RELAX and REBOND--girly shoes, at mga naka make up pa. Aba. Hindi ako na inform na ganon pala dapat, eh ako, naka uniform, naka ponytail, super oily ang face at last but not the least, naka boat shoes! Yung sapatos na panglalake. 😑 Imbyerna.

Okay na sana, tanggap ko na yung get up ko eh, kaso parang adding insult to injury naman kasi yung mga crush ko nung grade school dun din nag enroll. Ang laki kasi ng city namin, ewan talaga. Lumapit ako sa isang classmate ko nung grade school medyo nakahinga nga ako kasi may kakilala ako, kaso sabi niya ibang section daw siya, pero tinuro naman niya kung saan ko pwede tignan yung assigned sections. After makipag tulakan nakita ko din yung section ko, Our Lady of Rosary. Pag kita ko sa pila namin, napa face palm na lang ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

12 years.Where stories live. Discover now