Stuck 7: Dark Past

406 16 2
                                    

Cassy's Pov.

kriing~~~~kriing~~~~krii-----

"Ugh another day, another life to start........" bangag na sabi ko sa sarili ko habang bumabangon sa kama

"Ms. Cassy nakahanda na po ang agahan niyo!!!" narinig kong sigaw ni manang mula sa labas ng aking kwarto

"opo manang nariyan na!" sigaw ko kay manang

Agad akong naghilamos at nag ayos ng sarili bago lumabas ng kwarto

***

"Good Morning Dad...Good morning Manang!" bati ko sa dalawa habang pababa ako ng hagdan

"Morning Cassy"

"Morning Ms. Cassy"

bati nila sa akin pabalik

paglapit ko sa kanila ay agad akong sumubo ng tinapay

"Cassy malapit na pala ang death anniversary ng mommy mo"

napaubo at napatahimik ako sa sinabi ni Dad

at biglang may pumasok na masamang alaala sa aking utak

~~~~flashback~~~~~

"Cassy bibili lang si mommy ng Ice Cream ah??"

"sige,sige gusto ko po ng rocky road!!!" masayang sabi ko kay mommy

"Behave ka lang dito ah babalik kaagad si mommy" sabi ni mommy tsaka umalis na para bumili ng Ice Cream

pagkalipas ng ilang minuto ay wala pang mommy ko ang bumalik

"sabi niya bibili lang siya? bakit ang tagal naman yata niya?" takang tanong ko

kahit kating kati na akong sumunod ay bumabalik sa aking isip ang sinabi ni mommy na behave lang ako

pero ang tagal niya!!!
dibale sasabihin ko na lang kay mommy na gutom na ako

hindi na ako nagdalawang isip na sumunod kay mommy

habang papalapit na ako sa tindahan may narinig ako sa isang eskinita

boses ni mommy!!!

"ano kaya ang ginagawa ni mommy?" tanong ko sa sarili ko

at dahil makulit akong bata pinuntahan ko ang eskinita..

at laking gulat ko nang biglang may sumugod kay mommy sa likod niya

"Clarissa......Clarissa balita ko ay may isang napakagandang dilag kang anak gusto ko siya bilang kapalit ng aking asawa...." parang demonyong saad niya habang hawak hawak ang buhok ng aking ina

"Hindi......H-hindi... m-mo s-siya makukuha.......aahhhh!!!!"

"Isa kang hangal!!!!! Alam mo bang dahil sa pagsilang mo sa kanya ay mapapahamak siya!!!" sigaw ng lalaki

"Hindi siya ang mapapahamak......dahil IKAW, ikaw ang mapapahamak kapag siya ang naging asawa mo!! alam mo kung bakit?? dahil isa siyang anak ng pinaka makapangyarihang uri ng BAMPIRA at sa oras na siya ang magiging asawa mo lalabas ang------"

"Tumahimik ka!! matagal nang nabaon sa limot ang tungkol sa bagay na iyan!! Ang totoong Propesiya ay nagsasabing dapat ang anak mo ang mapangasawa ko!!" sabi ng lalaki

"Hindi ......hindi mo maintindihan.....hindi mo maintindihan ang lahat ng ito dahil isa kang sakim.....sakim sa kapangyarihan....at hinding hindi ako makapapayag na kunin mo ang anak ko!! mamatay muna ang lahat ng aming lahi bago mo siya makuha!!!"

"Pwes ikaw na ang uunahin ko!!! isa lamang kayong malaking harang sa mga plano ko!!" sabi nang lalaki at handa na sanang patayin ang aking ina nang sumigaw ako nang napakalakas

"HUWAAGGG!!!! huwag na huwag mong papatayin ang nanay ko!! bakit sino ka ba huh? Bakla ka ba kaya mo hawak hawak ang buhok ng mommy ko? atsaka hoy hindi kami Bampira dahil ang mga bampira ay kathang isip lamang! Pwede bang bitawan mo na ang mommy ko baka mabigwasan kita ng asido!" galit na sabi ko sa lalaki

"Aba...aba.....ang tapang naman ng anak mo Clarissa...Gusto ko yan pero kailangan ko pa rin siyang paamuin para maganda hahahahaha....pero sayang nga lang at hindi mo na masisilayan ang magiging apo mo dahil papatayin na kita" sabi ng lalaki sabay hugot ng puso mula sa likod ng nanay ko

"Aahhhh!!!!!!" sigaw lang ni mommy ang narinig ko bago ako nawalan ng malay

~~~end of flashback~~~

"Cassy!!" ang malakas na boses ni Dad ang nagpabalik sa akin sa realidad

"Oh I'm sorry po uhm pwede po ba akong mag absent kahit ngayong araw lang dad? I'm not feeling well po kasi" pagkasabi ko nun ay tumaas na ako sa kwarto ko at umiyak nang umiyak

Bakit? Bakit kaliangan pang bumalik ng alaalang matagal ko nang binaon sa limot?

Nang dahil sa lalaking iyon hindi sana nawala ang mommy ko...

Dahil sa pagkawala ni mommy nagsimula na akong makagawa ng masama.

mambully
mambugbog
masali sa riot
unuwi ng gabi
at iba pa

dinaan ko lahat sa ganitong paraan para kahit konti ay makalimutan ko iyon....

Pero bakit kailangan pang ipaalala sa akin ni Dad??

Ayaw ko nang maalala ang nakaraang ayaw ko nang balikan

Dahil kapag binalikan ko pa ang alaalang iyon baka hindi na ako makatakas pa




Author's Note:

Hi po sa inyo!! sorry po kung di agad ako naka update masyadong maraming ginagawa sa school ngayon so hope you understand

at medyo may toyo sa utak ni author kaya pagpasensyahan niyo na hahaha

hope you like this chapter

Vote...Comment.....

Xoxo.....

Stuck With The Two Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon