Lory
Red or Blue?
Hmmmm.
Ano nga ba ang mas maganda?
Mmm.
Sleeveless or Backless?
Mmmm.
"LOOOOOORY!" Sigaw ni chan na nagpagulat sakin.
Peste naman e. Diba pedeng tawagin ako ng maayos ? Sisigaw pa talaga!
"Ano?! Makasigaw ka e! Parang Nasa ibang planeta ako!"
Bumukas naman ang pinto.
"Hoy! Tumawag si jake! Parating na raw sya! Aba! Makikipagdate ka tapos hindi ka nagpapaalam?!" Sigaw nya. Kainis naman to. Napaka OA.
"Hoy! Hindi kami mag de-date! Makikikain lang ako ng hapunan sa bahay nila at may gagawin kami."
"Bakit ? Naghihirap na ba tayo at makikikain ka ng hapunan?"
Pagtataka nyang tanong.Hay naku. Ang mga babaero. Ang slow.
"Tse. Umalis ka na nga. Maliligo na ako."
Tumalikod ako at humarap sa salamin. Pak na pak.
"Sige wag kang magpapagabi a. Baka maubos mo pagkain nila dun."
"Opo. Tay." Sagot ko atsaka agad kong kinuha ang blue ko na dress at pumasok sa banyo.
"Alis na! Shoo!" Pagtataboy ko sakanya. Istorbong yun! Saksakin ko ngala ngala nya e. Kala nya nakalimutan ko ang pagbabalewala nya sakin para sa pakikipaghalikan sa mukhang galunggong na babae.
Hmpf.
"Hoy umuwi ka ng maaga. Wag kang papabuntis agad." Narinig ko namang nagsarado na ang pinto.
Kainis yun!
Anong buntis! Buntid agad? Agad?
Sapok sya sakin e..
So ayun nga, naligo na ako at nagbihis.. nag ayos.. Tapos TSARAN!
Bumaba na ako.
And there naka upo na ang gunggong.
And suddenly i just felt that im a princess.. walking in the stairs while my prince is staring and waiting for me.. offering his hand..
"Ang tagal mo naman lorraine. Akala ko naman gaganda ka pa! Tara na!"
Naputol ang mala-magical kong imagination ng magsalita ang gunggong. Aiish! Panggulo talaga to ever!
"Tara na nga! Manang pasabi kay chan na umalis na po kami!" Nag thumbs naman si manang. Kaya umalis na kami.
Pagkasakay namin sa kotse nya, nagdrive lang sya. Na parang hindi ako nag eexist.
"So wala kang balak magsalita? Pagkatapos ng lahat ng effort ko para gumanda sa paningin mo! Eto! Katahimikan lang ang ibabalik mo sakin?"
Tumingin sya sakin.
What? O.¥
"Nag effort ka pala."sabi nya. Agad ko syang hinampas! Hindi pala effort a! Kainis.
"Lechugas ka! Buti nga sumipot pa ako!"
Nakakainis to."Edi wow. Kahit naman di ka sumipot , sisipot ka parin e." Sabi nya saka tumawa.
"What?! Are you insane? Sige nga. Paano?" Sigaw ko sakanya.
"Ayan oh. Mga poste. Sumulpot na. Diba ikaw yan?" Tatawa tawa pa nyang sabi. Ah ganun!?
Poste pala a."Eh kung sapakin kita dyan ng sampu sampu, mapoposte ka pa kaya?" Pananakot ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Casanova's Academy [ON-HOLD]
Novela JuvenilDo you ever heard a school only for casanova's? Read their story and discover what is it all about.