"Quinn"
Sa paglipas ng panahon nagkaroon ako ng mga kaibigan na nakakasama ko sa eskwelahan at sa pamamasyal. 18 na ako ngayon at nag aaral sa College of Medicine , especialista sa utak.. haha
Hindi ko alam kung bakit pero eto tlaga yung course na ginusto ng puso ko na kunin. Nung nag apply ako sa school na to hindi ko alam anung kukunin ko kaya tumingin ako sa list ng courses at eto ang nkakuha ng attensyon ko.
Na para bang pagkabasang pagkabasa ko dito ay lumundag sa kaba ang puso ko kaya ito ang kinuha ko. Nagulat nga ang mga magulang ko kasi ang akala nila Music Production ang kukunin ko dahil sa hilig ko sa music.
Isang araw habang naglalakad ako pauwi ng bahay nakita kong my tao sa kapitbahay namin at kausap ito ng mommy ko. Hindi alam ng puso ko kung matutuwa ba ako o kakabahan dahil baka sya na yung nagbalik o baka ibang tao.
Nagmadali akong lumapit sa mommy ko para magpaalam na nakauwi na ako. Ipinakilala naman nya ako sa kausap nya. Nang malaman ko na sila nga ang dating nakatira lumundag sa tuwa ang puso ko.
Pero nabawi lahat ng saya at kaba na nararamdaman ko ng sinabing "hindi namin kasama ang anak namin, nagpaiwan sya sa amerika sayang magkasing edad lang kayo. Bagay pa naman kayo" ang buong akala ko eto na yung pagkakataon para makilala kita. Akala ko eto na ang pagkakataon para makapagpasalamat ako sa pagbuo mo sa melody ko. Ngunit akala ko lang iyon. Dahil hindi ka nagbalik siguro nga nakalimutan mo na ako.
"Quinn"
Nakalipas na muli ang 4 na taon, nandito parin ako at naghihintay sa kanyang pagbabalik. Kahit walang kasiguraduhan kung babalik ka pa.. At malapit na din ako matapos sa course kong medicine.
Hindi parin nagbabago lagi akong nauupo at nagpapahinga sa veranda ng kwarto ko nagbabakasakaling muling tumugtog ang gitara na matagal ko nang hinihintay.
Hanggang sa isang araw naglalakad ako pauwi ng my matanaw akong isang lalaki na nakasuot ng headphones nkasandal sa pader at nkapamulsa ang kamay. Hindi ko sya masyadong makilala dahil nkasalamin sya. Naramdaman ko na naman ang kaba na para bang gustong lumabas ng puso ko.
Nang malapit na ako sa kanya nakaramdam ako ng tuwa na may halong kaba dahil narinig ko na kinakanta nya ang kanta na ginawa ko noong bata pa ako. Sa sobrang saya ko napalingon ako sa kanya at binalak ko syang lapitan. Ngunit ayaw kumilos ng paa ko para akong napako sa gate ng bahay namin. Gusto ng pumatak ng luha ko dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko..
Kaya tumakbo ako paakyat sa kwarto ko at huminga ng malalim para mapakalma ko ang sarili ko. Humiga ako at nagsuot ng headphones para makinig ng music at malimutan ang halo halong emosyon na naramdaman ko..
Nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan kaya ng magising ako kumain ako at nagbihis. Hinanap ang papel kung saan ko isinulat ang kanta na nabuo ko 13 yrs na ang nkaraan. Nang makita ko ito agad kong inayos ang piano at ang mic para tumugtog.
Bumalik ang kaba sa aking dibdib habang tumutugtog ako. Kinakabahan dahil baka nagkamali ako baka hindi sya yon. Hanggang sa malapit ng matapos ang kanta wala parin kaya itinigil ko na ang pagtugtog at isinara na ang piano.. Nang may narinig ako na parang bumagsak at napasigaw ng "aray" sa veranda.
Nagmadali ako at lumabas at nakita ko ang lalaking kanina ay nakatayo sa labas na ngayon ay dala ang gitara nya at tumalon mula sa veranda sa kabila. Ngumiti sya sakin at nagsalita. "hello.. Ako nga pala si Elly.. Uhhmm nice to meet you?" napangiti ako at sumagot "ako nmn si Quinn.. Ok ka lang ba?" at tinulungan ko syang tumayo..
"so Quinn pala ang pangalan ng babaeng nakagawa ng kanta habang pinaglalaruan ang ulap" nakangiti ng mapang asar sa akin.. Hindi ako nkaramdam ng pagkailang dahil pakiramdam ko e sobrang matagal na kaming magkakilala..
Gaya ng dati sa halos araw araw ay natugtog kami ngunit ngayon ay tumatawid na sya papunta sa veranda ng kwarto ko. Minsan pa nga dinadalahan kami ng meryenda ng mommy ko dahil napapasarap kami sa pagtugtog. At nabuo na namin ang kantang matagal nang nasimulan at mas napaganda pa ito ngayon. Sobrang saya ng pakiramdam ko na para bang nakumpleto muli ang melody sa puso at kaluluwa ko..
Bumalik lahat ng saya at tila nadagdagan pa ito, siguro iisipin ng iba na baliw na ako pero pakiramdam ko mahal ko na ang taong ito.
BINABASA MO ANG
Lost Melody
Short StoryMusic makes our Bond Stronger.. no matter who we are.. where we are.. and what we do.. a Story which will makes you Listen to everything...