"Quinn"
Music is so powerfull, that can connect people no matter where they are..
Minsan music din ang nagpapakalma sa isang taong my dinadamdam..
Music din ang language ng ibang taong hindi maipahiwatig ang tunay nilang nadarama..
Well what if music din ang dahilan kung bakit, paano, mo makikilala o nakilala ang taong magpaparamdam sayo ng isang napakahiwagang feelings? Na hindi mo inaasahan na mararamdaman mo sa isang taong hindi mo inaasahan?
Yes! totoo yun dahil minsan ko nang naranasan yan.
I am a Quinn and here is my or OUR story
Once upon a summer.. My isang family na lumipat sa isang subdivision and family ko yun.. My nkatira na sa kapitbahay na nilipatan namin but hindi ko feel ang aura ng bahay nila masyadong tahimik.. (And i was 9 that time masyadong malawak ang isip at kung anu ano ang nabubuo sa utak..)
Dahil sa sobrang bored ko sa bagong bahay namin, walang friends, walang kakilala, at feeling ko walang bata sa kapitbahay namin "nganga" ang peg ko..
Kaya naupo nlng ako sa veranda ng kwarto ko at nakinig ng music.. (Yes! Mahilig ako sa music bata pa lang)
Kahit anong gawin kong pag aaliw sa sarili ko wala parin kaya humiga ako sa sahig at bumuo ng lyrics sa ulap.. Kung ano pumasok sa isip ko ikakanta ko sa kahit anong tonong maisip ko..
Tuwang tuwa ako kasi nakabuo ako ng melody ng hindi ko inaasahan kaya pumasok ako sa loob at nagpiano sinubukan kong tugtugin ang nagawa ko.. Kaso feeling ko merong kulang. Syempre ginawa ko na lahat, inisip at hindi ko maisip kung ano yun..
Dahil napagod na ako kakaisip naupo nlng ulit ako sa veranda at sinubukang ikanta ng medyo malakas yung nabuo kong melody magbabakasakali na isigaw pabalik sakin ng hangin yung kulang. Kaso wala parin kaya isinuot ko na lang ulit ang headphones ko.
Maya maya may narinig akong natugtog ng gitara. Kaya pinatay ko ang music ko at pinakinggan kung saan ito nagmumula, pakiramdam ko pamilyar sa akin ang tinutugtog ng kung sino man sya..
Hanggang sa mapagtanto ko na yun yung melody na nabuo ko kani-kanina lang. Sobrang tuwa ko kaya sinabayan ko iyon ng piano at kanta.. Pakiramdam ko nabuo yung kaninang parang my kulang.. Halos lumundag ang puso ko sa tuwa at saya dahil buo na ang melody na hinahanap ko..
Sa halos araw araw sa ganung oras sinasabayan kong tumugtog ang gitara sa kabilang bahay kahit hindi ko alam kung sino ang tumutugtog. Basta ang alam ko kinukumpleto nito ang Melody sa puso ko kaya nakumpleto ang kantang binuo ko mula sa paglalaro sa mga tono habang nakatingin sa ulap..
Ngunit makalipas ang isang linggong kasabay kong tumugtog ang taong naggigitara sa kabilang bahay, pag uwi namin ng mommy ko galing sa mall para bumili ng grocery nakita ko ang kapitbahay namin na nakaimpake.. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.
Matutuwa dahil nakita ko ang isang batang lalaki na hindi nalalayo saakin ang edad na dala ang maleta at bag ng gitara sa kanyang balikat. Malulungkot dahil aalis sila at hindi ko alam kung saan at kailan sila babalik na hindi ko manlang sya nakilala at nakausap o magpasalamat man lang sa pagbuo nya sa melody ko..
Pero kahit alin man dun ang maramdaman ko wala rin nmn itong magagawa dahil aalis parin sila at walang kasiguraduhan kung magkikita at magkakakilala pa kami..
Lumipas ang mga araw na lagi kong inaabangan na may tumugtog ng gitara sa kapitbahay namin. Ngunit sino nga ba naman ang tutugtog kung umalis na ang mga tao doon. Para lang akong nag hihintay na magsalita ang hangin at tumigil ang oras na kahit alam kong imposible ay inaantay parin..
Ngayon lumipas na ang maraming taon 18 yrs old na ako.. Nandito parin ako at nag aantay na muling tumugtog ang gitara na minsang nagpatalon sa puso ko.. Kahit na mahabang panahon na lumipas hindi parin nawawala ang pakiramdam na my kulang sa akin at sa bawat awitin na inaawit ko.. Na kahit gaanong kalakas ko pa ito isigaw ay hindi nya ito maririnig.
Minsan naisip ko kung nagkakilala kaya kami maaalala pa nya ako? Kung noong araw na tumugtog sya naisip ko na sumigaw at kausapin sya magiging magkaibigan kaya kami? Pero kahit anong isip pa ang gawin ko hindi na muli pang maibabalik ang nakalipas na..
"Ely"
Bata pa lang ako hindi ako masyadong nakikihalubilo sa mga kasing edad ko kasi hindi ako tulad nila na normal at masisigla.. Sa bahay lng ako nag aaral, home based class. Dahil sa sakit ko na unti-unting nagpapalabo ng mata ko.
Akala ko hindi na ako makakahanap ng kaibigan pero isang araw hindi inaasahan my lumipat sa kapitbahay namin. Doon ko nakita ang isang magandang bata na kung titignan ay kasing edad ko.
Nakakahiyang makipagkilala sa kanya dahil masayahin sya at npakasigla hindi tulad ko, na laging gitara lang ang kasama. Isang beses narinig ko syang nasigaw habang nakanta habang natawa na para bang naglalaro sya at nabuo ng bagong kanta..
Ang ganda ng boses nya pakiramdam ko gumagaan ang lahat sa paligid ko. Kaya kinuha ko ang gitara at sinabayan ang pagkanta nya. Hindi ko inaasahan na makabubuo ito ng npakagandang tunog.
Nawala bigla ang nakanta inisip ko na baka natakot sya dahil my sumabay sa pagkanta nya. Pero maya maya lng ay tumugtog sya ng piano at sinabayan ng kanta..
Napakasaya ng pakiramdam ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ngunit sa bawat araw na lumilipas lalong nawawala ang paningin ko. Kaya napagpasyahan ng mga magulang ko na dalhin ako sa amerika para magpagamot.
Hindi ko na ginawang magpaalam sa kanya dahil hindi nmn kami magkakilala. Kuntento na ako sa mga panahong nakakasabay ko syang tumugtog at narinig ang maganda nyang boses..
Malungkot man isipin ngunit hanggang dito na nga lang talaga, ngunit mananatili ito sa puso't isipan ko, ang kanyang tinig at ang kantang binuo niya mula sa mapaglarong isipan..
BINABASA MO ANG
Lost Melody
NouvellesMusic makes our Bond Stronger.. no matter who we are.. where we are.. and what we do.. a Story which will makes you Listen to everything...