The Lost Melody

4 0 0
                                    




"Quinn"

Isang araw pagkatapos namin tumugtog at magpakasaya, habang patayo sya para tumalon na ulit pabalik sa kanila bigla syang napahawak sa ulo nya at sumigaw na para bang binibiyak sa sakit ang ulo nya.

Hindi ko malaman ang gagawin ko kaya hinawakan ko sya at tinanong kung ano ang nangyayari sa kanya. Bakit sya nagkakaganon. Pero hindi nya ako sinagot at sumigaw lang sya ng sumigaw habang hawak ang ulo niya. Wala akong magawa kaya niyakap ko na lang sya at humingi ng tulong..

Dumating ang magulang ko at tinanong kung ano ang nangyari. Pero wala akong isinagot kundi "hindi ko alam! Bigla na lang sumakit ang ulo nya, hindi ko alam kung anong gagawin ko" umiiyak na rin ako dahil hindi ko kaya na makita sya ng nasasaktan ng ganito para bang binibiyak din ang puso ko..

Isinugod namin sya sa ospital at dali dali ko naman tinawagan ang mommy niya para ipaalam ang nanyari. Hindi mawala sa sarili ko ang kaba at galit sa sarili ko. Dahil naturingan akong nagaaral ng medisina wala naman akong nagawa para mabawasan ang sakit na nadarama nya..

Nang lumabas ang doctor bigla na naman akong naramdam ng kaba, kinausap agad ng mommy nya yung doctor. Pagkatapos nila mag usap humarap sya samin at kitang kita mo sa mata nya ang sakit pero ayaw nyang ipakita ito samin. Lumapit sya at sinabi ang kalagayan ni Ely.

Pagtuntong nya ng 10 taon unti-unting lumalabo ang mata ni elly kasama ang pagsakit ng ulo nya. Kaya dinala sya sa amerika para magpagamot. Luminaw ulit ang mata nya pero hindi nawala ang pagsakit ng ulo nya, pasulpot sulpot ang sakit nya.. Kaya ngayon tuluyan na syang nabulag..

Parang guguho ang mundo ko sa nalaman ko. Yung kaba sa dibdib ko napalitan ng sakit na para bang gustong sumabog ng utak at puso ko, hindi ko matanggap.. yung sana nananaginip na lang ako tapos pag gising ko ok pa sya. Hindi ko alam kung kaya ko syang makita.

Pero gusto ko syang makita kaya pumasok ako. Nakita ko sya na parang nakatingin sa malayo, tinawag ko ang pangalan nya. Nagulat ako ng inangat nya ang kamay nya na para bang hinahanap nya kung saan nanggaling yung boses ko. Tsaka lang nagsink sa utak ko na hindi na pala talaga sya nakakakita.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa kamay habang sinasabi na "ely, nandito ako" bawat salitang binibitiwan ko kasabay ang pagtulo ng luha ko. Hinawakan nya ako sa mukha at pinahid ang luha ko at sinabing "Sorry kung ngayon lang ako nakabalik, sorry kung nawalan ako ng lakas ng loob magpakilala sayo noon, sorry dahil natakot akong bumalik dahil baka hindi mo na ako maalala, sorry dahil inilihim ko sayo ang kalagayan ko, Natakot kasi ako na baka hindi mo na ako kausapin at baka hindi ko na marinig ang boses mo, sorry talaga Quinn, patawarin mo ako"

Habang sinasabi nya yan walang tigil din ang pag agos ng luha sa mata nya kaya mas lalo akong nasaktan dahil sa nakikita kong kalagayan nya. Sinabi ko sa kanya na hindi nya kailangan humingi ng tawad dahil wala naman syang kasalanan.

Dahil sa kondisyon ni Elly ay nanatili lang sya sa ospital. Araw araw ko syang binibisita at mas lalo kong pinagbuti ang pag aaral ko at sinubukan na humanap ng pwedeng solusyon at paraan para gumaling sya..

Bawat araw palala ng palala ang sakit ni elly at sa bawat araw na kasama ko sya kinakantahan ko sya, kahit sa mga oras na nakararamdam sya ng pagsakit ng ulo nya ang gusto nya ay kakanta ako dahil sabi nya napapakalma sya nito. Kaya sa tuwing sasakit ang ulo nya kasabay ng pagkanta ko ang pagpatak ng mga luha ko.

Makalipas ang isang buwan lahat kami ay nasa kwarto ni elly dahil sabi nya gusto daw nya makita ang mga taong mahahalaga sa kanya. Masakit man tanggapin at isipin pero parang alam na ng puso at utak ko ang mangyayari. Dala dala ng mommy ni Elly ang gitara nya. At ako naman ay nakaupo sa kama katabi nya.

Sinimulan ni elly ang pag tugtog ng gitara at kinanta namin ng sabay ang kantang binuo namin noong araw na una kaming nagkita..

🎶so my heart keeps searching

🎶'till I Found the Lost Melody

🎶But when i thought I have

🎶It disappeared in just a snap

🎶Now my voice is gone

🎶As if it is connected to that melody

🎶Makes me wanna shout to reach

🎶Where it went

🎶But I knew that It wouldn't reach

🎶Because my voice is just like

🎶The lost melody left me unable to sing

🎶But I won't stop singing

🎶'till my voice reach

🎶The Lost Melody

🎶My heart Longed for so Long...

Nang malapit ng matapos ang kanta huminto si elly sa paggigitara, sumandal sa akin at hinawakan ako sa kamay..

Habang nakanta ako narinig ko syang ibinulong sa akin ang mga salitang lalong nagpasakit sa nararamdaman ko para bang may karayom na tumutusok sa puso ko nang marinig ko syang sabihing "Quinn I Love You" at ipinikit ang mata nya..

Nang matapos na ang kanta sinubukan ko pang kausapin si elly kahit alam kong hindi na sya sasagot.. Pero hindi ko parin ito tanggap kaya pinilit ko pa syang kausapin. Habang tinatawag ko ang pangalan nya tumutulo ang luha ko at parang binibiyak ang puso ko na para bang bawat letra ng pangalan nya my karayom na tumutusok sa puso ko..

Hindi ako tumigil sa kakaiyak hanggang sa maubusan ako ng hininga binabanggit ang pangalan ng taong kumumpleto at nagpatibok ng puso ko. Ang pangalan ng taong minahal ko mula pagkabata ko kahit hindi ko pa sya lubusang kilala, ang taong binigyan ng magandang musika ang kantang binuo mula sa paglalaro . Ang taong nagparamdam sa akin at nagturo sa puso ko para magmahal.

Pakiramdam ko ay mauubos lahat ng tubig sa katawan ko sa pag iyak ngunit kahit anong pagtanggap ko na wala na sya ay bumubuhos ang luha ko kasama ng sakit nanadarama ko..

Lumipas ang mga araw at nailibing na sya.. Hindi parin nawawala sa isip ko ang mga masasayang ala-ala mga araw na masaya kaming magkasama ni elly. At panghihinayang dahil hindi ko makakasama ang taong minahal at hinintay ko ng napagkatagal.

Minsan naisip ko bakit ganon bakit kinuha sa akin yung taong mahal ko. Bakit saglit na panahon lang kami pinagsama ang unfair diba? Pero hindi ako nagsisisi na nakilala ko sya dahil sa minsang yon sa buhay ko nakaramdam ako nangpagmamahal at kung paano mahalin at magmahal..

Kaya ngayon eto ako nakatingin sa langit at bituin, pigilan ko man ang sarili pero hindi ko magawang kalimutan at hindi isipin ang lalaking minsang nagpatibok ng puso ko..

Masakit man pero ang Musika na nagbibigay ligaya sa akin noon ay sya narin ang nagpapaalala sa akin ng sakit at kirot sa puso ko..

Pero sa bawat sakit nanadarama ko ay may saya dahil sa kahit sandaling na panahon ay may matatamis at maliligaya ang araw na kami ay mag kasama </3

Lost MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon