Enjoy readinggg!<3<3<3
~
"Andyan na si Mam!" sigaw ng kaklase namin na akala mo ay nakalunok ng megaphone at ganun kalakas ang boses.
Dali-dali namang nagsi-upuan sa kanyang-kanyang upuan ang aking mga kaklase. Ako naman, pinapanuod silang nagmamadali umupo. Paano ba naman kasi, medyo istrikto tong adviser namin.
-
Andito kami ngayon sa canteen at kumakain. Ewan ko ba dito sa bespren ko. Ang tahi-tahimik. Ano naman kayang nangyari di maganda at tahimik to.
"Hoy babaita! Anyare sayo?" sabi ko with matching hampas pa. Yung mahina lang."Wala!"
"Anong wala? Aba! Sinong niloloko mo? Ang bespren mo simula nung nagdadiaper ka pa. Aba, wala namang ganyanan." Niloloko ata ako nito eh.
"Eh kasi... ano... kasi... si ano kasi..."
"Anong 'ano ano kasi'? Ako ba'y niloloko mo? Oh no no no~"
"Fine. Nakita ko kasi si Ano. Si you-know-si-Crush may kasamang iba. Huhu. Magmomove on na ba ako?" with matching fake pahid tears pa. Pwede na to ipang-hollywood si bespren.
"Gagi! Move on agad? Di naman kayo ha? At saka sinong crush yan? Aba't andami mo kayang crush!"
"Alam kong marami akong crush pero si Ultimate Crush yung tinutukoy ko bes! Hihi" Nagdaydream pa dun sa UC(UltimateCrush) nya!
"Ay landi? Haha."
"Sa kanya lang. Hihi."-
Alam nyo ba yung feeling na pag nagkakasalubong kayo ay parang nag so-slow motion ang lahat? Ramdam ko ngayon-ngayon lang. Dumaan kasi sya.
Nagulat ako nung bigla nagsalita si bes.
"Sya ba yung sinasabi mo crush mo?Si Mr.Zypher Cee!"
"Hindi ah!"
"Uyyy!Defensive~!Yieee!"
"Ewan ko sayo. Tara na nga. Magbebell na oh."
Ewan ko. Parang nag-init yung pisngi ko. Oo, crush ko nga sya.
-
Napag-utusan ako ni Maam Math na ibigay yung papeles kay Maam English. Medyo kinakabahan ako. English kasi ngayon yung klase nila.
Bago ako pumasok ng room eh nakailang beses din akong naginhale-exhale. Bakit ba ako kinakabahan?Sasabog na ata tong puso ko. Ikakamatay ko pa.
"Maam pinapabigay po ni Maam M." habang nilalapag ko ang papeles sa table ni Maam English. Nagthank you si Maam E. pagkalapag ko. Bago ako lumabas ng room eh binigyan ko sya ng sulyap. Sana hindi ko nalang ginawa.
Masaya nyang kausap si Kelly. Masaya...
Traidor talaga tong mga luha ko. Tumutulo naman.
-
"FRANCHOISE! MAY SULAT KA!"
Araw-araw may senaryo kaming ganito sa bahay. Yun lagi sinisigaw ni Mama.
"Opo Ma! Baba na po!"
Ewan ko ba kung bakit may parte sakin na excited. Di siguro. Nakasanayan lang.
Tinanggap ko na yung envelope may sulat na, 'To Franchoise V.' Isang sulat na naman galing sa kanya.
"Kanino ho ba to galing manong?"
"Ah pasensya na Maam Franc, napag-utusan lng ho ako. Di ko po alam."
"Ah ganun ba. Salamat manong."Dali-dali akong umakyat ng kwarto at nahiga sa kama. Nilapag ko sa may table yung sulat. Bubuksan ko kaya?
Dahil tinatamad ako ay nakapikit kong inabot yung sulat na nasa table at binuksan.
Pagkamulat ko ng aking mga mata ay eto ang aking nakita.
¤¤¤¤¤¤¤¤
Dear Choise,
Tell me one of your secret and I'll tell you mine. You know what is it?
I think I like you.
Sincerely Yours,
Z233¤¤¤¤¤¤¤¤
----
Lame right? xD
Di bale babawi akes next week. Nag update akes kasi may pocket wifi ang inyong prinsesa<3 Charauuuuught! Haha. Birthday kasi bukas ng inyong Prinsesa. Haha.
Salamat sa pagbabasa<3<3<3 Lablats.