THE PINKY PROMISE - CHAPTER ONE
Nadette's POV
Magsisimula na ang seremonya ng kasal. Excited na ako makita siya. Ang daming tanong sa isip ko, kung ano itsura niya, ano ang suot niya, ano ang pakiramdam niya?
Nandito ako ngayon sa kasal ng aking kaibigan, si Ate Krizelle, siya ang nagturo sa akin kung paano maging magaling na manlalangoy. Kaya sa pinakaimportanteng araw sa buhay niya, kahit may klase ako ngayon pinilit ko parin makapunta dito. Nagdahilan lang ako na masakit ang ulo ko upang makatakas kay Ms. Tamayo or should I say " Ms. Minchin version 2.0".
Naglalaro ako ng Candy Crush sa cellphone ko at malapit na akong manalo, nang bumukas ang pintuan ng simbahan at nagsimulang pumasok ang mga maliliit at cute na flower girls. Kasama doon ang kapatid ko, si Jam. Hanggang pumasok na rin si Ate Krizelle. Ang ganda niya, SUPER! Gusto ko rin ng ganoong damit, ganoong make-up, basta gusto ko. Pero hindi ko naman sinasabi na gusto ko na ring ikasal. Kailangan ko pang mag-champion sa swimming at kailangan ko pang makatapos bago yang kasalan na yan. Aish, bakit ko ba to iniisip? Wala pa naman akong boyfriend eh. Nakinig na lang ako sa pari hanggang...
Natapos ang kasal at papunta na kami lahat sa hotel. Bumaba na kami at pumasok sa reception area. Ang dami kong nakitang masasarap na pagkain, nagkalat pa! Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon na ito, wala naman si Coach eh. Isa-isa kong tinikman ang mga cravings, kinuha ko na rin yung cake, marami pa naman sa table para maenjoy ko man lang ang kasal ni Ate. Hanggang kinapa ko ang bulsa ko at hinanap ang cellphone ko, baka kasi nagtext na si Sugar. Lumabas ako ng reception at tumakbo ng mabilis dala-dala ang cake. Walang anu-anu ay naramdaman ko na lang na may nabangga ako. Mukhang imported, gwapo pa, patay ka Nadette. Natapunan ko lang naman siya ng chocolate cake sa damit niya.
" Sorry Kuya! Sorry talaga, I didn't mean it." sana tumalab, mukha kasing masungit si kuya.
" Sh*t! Look at what you did to me." wow nagsalita ang inglishero, o ito banat ko sa iyo!
" I said sorry! Please sir I don't have enough money to pay back to you. I'm just working here as a... as a.. as a Janitress, YES JANITRESS, I'm a Janitress here." ah acting acting din kapag may time Nadette, tiisin mo na ito kung gusto mong makatakas agad.
" It's okay." yes tinanggap niya rin. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad nang biglang hinatak niya ako at sinabing " if YOU cannot pay me back miss, you just carry these bags until we get into my room." grabe, kamalasan nga sa buhay biglang dumadating sabay-sabay pa. Puwede bang ONE AT A TIME lang?
Sinunod ko naman ang sinabi niya, mukha namang magaan eh. But I was wrong, ano bang laman ng mga bag na to? Ginto? Damit? o Drugs? What a gentleman! Grabe! Buti nagelevator kami kundi napuno na ang ulo ko at nabato ko na sa kanya ang mga bag niya.
--Silent Mode-- sa Elevator
Until he broke the silence. Tinanong niya ang pangalan ko. "Um.. Cory." Wala na akong maisip kasi kanina sa school tungkol kay Ex Pres. Cory Aquino ang lesson namin, so Cory ang nasabi kong pangalan ko. Silent Mode na naman sa Elevator. Ang awkward talaga dahil may chocolate parin siya sa damit niya na ako mismo ang naglagay pero it was an accident, right?
Hanggang makarating na kami sa room niya at nilagay ko na ang mga bag niya sa floor. Aalis na sana ako kaya lang naghubad siya ng damit niya at OH MY GULAY! Nilapitan niya ako ng nilapitan hanggang magtagpo ang mga mata namin. Akala ko hahalikan niya ako kaya bigla ko siyang sinampal. " Why?! I'm just going to get my jacket." Umiiyak ako nun at hindi ko na kinuha yung cellphone ko sa kotse at nagtaxi na lang ako papauwi.
I hate that kind of person. Haisst! Hindi ko siya malilimutan. Never EVER!!!
___________________________________
The Author's Note:
Sana nagustuhan niyo po ang unang chapter ng The Pinky Promise!
Kung nagustuhan niyo po, please VOTE OR COMMENT YOUR OPINION/S.
Thank you very much talaga! :)
BINABASA MO ANG
The Pinky Promise
Fiksi RemajaAng kuwentong ito ay nagsimula sa isang kasunduan ng nakaraan na guguluhin ang kasalukuyan. Dalawang tao na pinagtagpo ng tadhana upang tuparin ang pangako. Magkasundo kaya sila kung patitirahin silang dalawa sa iisang bahay lamang? Anong mangyayari...