Lumang Litrato

28 6 2
                                    

Mula sa aking pagkaka upo
Muli kong inalala
Mga tagpong naka-angkla na
Sa dulo ng aking memorya

Labing pitong taon na ang nakararaan
Subalit nananatiling hindi kumukupas
Sa bawat indak at kumpas
Ng musikang taglay ng ating lumipas

Nasaan na nga ba?
Dating saya't sigla
Maibabalik pa ba?
Kung mapagbibigyan pa

Itama ang lahat
Punan ang pagkukulang
Mga salitang pinigil sabihin
Aking bibigkasin

Para sa'yo aking susubukin
Lahat ng hadlang sasalubungin
Hindi hihingi ng anumang kapalit
Basta't wag ka lang sa'kin mawaglit

Di ako mangangatwiran
O kahit ano pang dahilan
Dahil alam ko naman
Ako ang lahat ng may kasalanan

Pakiusap ko lamang sayo
Wag pipigilin
At bayaang gawin
Unawain at intindihin

Esoteric Prose Where stories live. Discover now