December 16,2011_ excited na sa kanyang trabaho si mang dido, sya ay isang driver ng jeep. Meron na syang asawa at tatlong anak. Sila ay nakatira malapit sa isang ilog at magtatatlong buwan palang sila doon. Hindi iniisip ni mang dido kung gaano kadilikado na tumira malapit sa ilog, para mo na kasing binibinta ang iyong buhay sa kamatayan.
5:00 pm sa araw na iyon ay nagsisismula ng umulan at iyon ay mahina lang. Hindi pinansin ni dido ang ulan at wala man itong katakot takot kong ano na ang nangyayari sa kanyang pamilya.
6:00 pm na, bumuhos ulit ang ulan ng subrang lakas kaya napaisipan ni dido na umuwi nalang dahil hindi sya mapakali kung ano ang nangyayari sa kanyang pamilya.
6:30 pm, nakauwi ng ligtas si dido sa kanilang bahay at niyakap sya ng kanyang asawa ng walang kibo at ngumiti nalang ito ng pataimtim.
11:00pm, naghahanda na sila dido para matulog. katabi nya ang kanyang asawa at ang kanyang tatlong anak. Nong nakatulog na silang lahat may di expected na nangyari at yon ay biglang nag block out or brown out ang kanilang barangay na malapit sa ilog. Ilang minutong lumipas bumuhos ulit ang malakas na ulan. hindi nila namalayan na unti unti na palang tumataas ang tubig sa kanilang bahay.
11:45 pm, gumising si dido at nagulat sya na lumulutang na pala sila. Nagtaka talaga sya dahil kahit hindi nya makita ang tubig na pumapasok sa kanilang bahay dahil sa subrang dilim, alam nya talaga na ang tubig ay papatayin sila kaya ginising nya ang kanyang pamilya.
"gising gising, tumataas na ang tubig. Hale kayo mga anak aakyat tayo sa bobong dahil hindi na tayo pwedeng lumabas" sabi ni Dido.
Nakaakyat na ang mag ama ngunit na sa ibaba parin ang asawa ni dido. Tinawag niya ito "maylyn maylyn hale kana dilikado dyan, bilisan mo" Ngunit hindi ito kumibo> kaya nag simula na si dido na mataranta, hindi na nya alam kung anong gagawin hindi na nya alam kung saan na ang kanyang asawa.
Umiyak nalang si dido ng mahinang mahina para hindi marinig ng kayang mga anak na walang kamalay malay kung anong mga nangyari dahil sa subrang dilim. hindi sa kalayuan may narinig silang sumisigaw ng tulong at narinig din nila ang mga hampas ng mga bahay na nasisira na ng baha. hindi nya magawang tumulong dahil sya nga mismo ay nangangailangan ng tulong.
isang minutong lumipas ng may bumangga sa kanilang bahay at para itong malaking troso. Kaya hindi nakaligtas ang kanilang bahay at nagsisimula ng umiyak anng kanyang mga anak. kaya kunupkop nya ang kanyang mga anak at bigla silang nahulog sa tubig. at dahil sa malakas na agos ng tubig na may kasamang kahoy nabitawan niya ang kanyang mga anak habang sumisigaw at pilit na nag iisip na dapat pa syang mabuhay. Kaya kumapit sya sa isang katawan ng isang maliit na kahoy habang hinahanap ang kanyang mga anak.
Hinintay nalang ni Dido na sisikat na ang araw dahil wala talaga syang magawa para matulungan ang kanyang pamilya.
December 17,2011_ umaga na, hindi alam ni dido kung asan na sya napunta. Hindi na sya makalangoy dahil sa pagod at gutom. pagtanaw nya sa kanyang kiliran may nakita syang mga bangkay na lumulutang nalang.
kalahating minutong lumipas, may bangka na palapit sa kanila> kaya sumigay sya ng mahinang pagsigaw ng tulong. tinulungan sya at di na la sa may baybayin ng camiguin. ang lugar na yon ay malayo sa kanilang lugar kaya humingi sa ng tulong sa mga tao doon na pakainin sya at gusto nyang makauwi agad sa kanila at hindi sya nabigo.
December 20,2011 nakauwi na sya pero pumunta muna sya sa bahay sa kanyang pinsan para sa bihan na ligtas lang sya. pagdating doon pinahiram ng kanyang pinsan ang maliit nilang mulicab
Pumunta kaagad si dido sa lugar kung saan sya nakatira noon... nakita nya kung paano sinira ng baha ang kanilang kinabuhayan at ang kanilang buhay. Hinanap ni dido ang kanyang pamilya kahit bangkay nalang ito ngunit bigo talaga sya.
punto alas 10:00 ng gabi na sa Decembre 20,2011 na nagpasya na si dido na umuwi nalang at isabubukas nalang ang paghahanap dahil pagod na sya..
Nagdrive na si dido pauwi sa bahay ng kanyang pinsan ng merong pumara sa kanya na isang babae at tatlong bata. Binawala nya ito at umiyak sya... hindi sa kalayuan na patunganga sya dahil ang nakita nyang babae na may kasamang mga bata ay balot ng putik kaya binalikan nya yon ngunit pagbalik nya wala na ito. kaya nagpatuloy nalang sya sa pagmamaniho.. at bigla syang napatingin sa front mirror nya at bigla syang nagulat na nakita nya sa back seat ang kanyang asawa at tatlong anak na subrang putikan at umiiyak. hindi na alam ni dido kung ano ang kanyang gagawin... matatakot ba sya o magiging masaya dahil sa huling pagkakataon nakita niya ang kanyang pamilya..
guyz pki log on sa http://www.x-rider.com/ para ma kow ninyo si dido>>> he needs your help