BB 3: Ang kwarto!! BOW

56 0 0
                                    

Ow yeah thanks kay.haha ElegantGlimpse sa pag aadd nito sa kanyang reading list :) at thanks din po sa mga nag follow sa akin . I‘m so happy

*****************************

BB3: Ang Kwarto !!! BOW

Lorraine‘s POV

Pagkatapos akong kausapin ni Mama ay umalis na siya. Siya‘y Umakyat sa hagdan siguro‘y tutuloy siya sa kanyang kwarto upang magpahinga.

Hayst . Mukhang mahihirapan talaga ako kay MR. STRANGER. Pero tsaka ko nalang yun iisipin, sa ngayon ay gusto kong pumunta ng kwarto at magpahinga.  Nakakapagod kaya sa biyahe kanina .

Umakyat na din ako sa hagdan kung saan umakyat si mama. Pagkarating ko sa dulo ng hagdan ay nagulat ako kasi isang napaka habang pasilyo ang tumambad sa aking harapan, paano ko naman hahanapin yung kwarto namin ni Mr. stranger ( Woshooo lakas mo lorraine ) kung ganito kahaba at karami ang kwarto rito, kaya siguro hindi tumataba si Lerraine ay dahil sa haba ng nilalakad niya araw araw.

Mabuti na lamang at nakakita ako ng isang katulong

" Ate saan na po ba yung kwarto namin ng asawa ko ?" Magalang kong tanong sa kanya. Haha para di masyadong halata na hindi ko alam diba, malay ko ba kung nilipat nila yung mga gamit. Pero mukhang nagulat naman yung katulong sa pagtatanong ko

"a- ah-ahhhh , di-----to po------Ma----‘am " bakit nabubulol si ate sa pagsasalita ? Mukhang pati katulong ay sinusungitan ni Lerraine tskkk. Kaya siguro natakot si ate na sumagot sa tanong ko .

Agad din namang itinuro ni ate kung nasaan yung kwartong hinahanap ko. Binuksan niya ito at ako‘y pumasok na. Paglingon ko napangiwi nalang ako, wala na kasi si ate sa pintuan siguro takot talaga ang mga iyon kay Lerraine.

Wala akong nagawa at isinarado ko na lamang ang pintuan . Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto. Sadyang napakalaki ng espasyo nito para sa dalawang tao sa tantsa ko nga ay maaari ng tumira rito ang isang mag anak na mayroong tatlong anak .

Hindi ko man laman namalayan na nakapunta ako sa drawer malapit sa kama. Nakakita kasi ako ng wedding picture sa tabi ng Lampshade, ito kanila Lerraine at Mr. Stranger. Kinuha ko ito at umupo sa kama

Nakakatuwang isipin na nakapag asawa ang kapatid ko ng isang tulad Mr. Stranger . Mabait na magulang, yaman at Gwapo ( hey nesekenye ne eng lehet ) mahahalata mo rin sa picture na bongga yung wedding nila, mukhang pinaghandaan talaga nila at mukhang napakasaya din ng Aura ni Lerraine sa picture ito ata ang picture na hindi pilit ang kanyang ngiti. Pagkatapos ko itong tingnan ay ibinalik ko ito sa dati nitong ayos.

Ako‘y muling tumayo at naglibot. Sa aking paglilibot ay napunta ako sa banyo //O________O\\ ganyan.po reaksyon ko sa nakita ko . Gusto niyo malaman kung bakit ???

.

.

.

.

Ayoko nga

Syempre Joke lang .

Bath tub po na malaki at Jackusi sa banyo. Sinong di magugulat nun ?

Kinalma ko na ang sarili ko sa nakita ko at lumabas na ng banyo. Parang ang sarap naman tumira dito.

Bumalik nalang ako sa may kama at humiga . Nagugulat talaga ako sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko ee. Una yung pag papanggap na ako si Lerraine at pangalawa ay ang pagpapakitang tao ko sa magulang niya. ano pa kaya ang mga mangyayayare habang andirito ako sa bahay na to ?

Bewitching BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon