Ibig ibig kong ikuwento ang mga bagay nasa aking puso.
Ngunit hindi ko maunawaan ang aking sarili sapagkat wala naman akong magawang
isulat.
Puno ng ideya ang aking isipan, ngunit sa sandaling humalik ang aking panulat sa papel
ay unti unti itong naglalaho.
Naglalaho, tulad ng araw sa dapithapon.
Gaya ng tinta sa pluma.
Gaya ng ikaw...
Gaya ng ako.
Naglalaho. Gaya ng tayo. Gaya ng oras nauubos.
Nauubos.
Ramdam ko ang pagkaubos ko, pagkaubos ng lakas, at sigla.
Ngunit, bakit nga ba ang ako lamang ang aking isinasalaysay?
Hindi ba't ikaw ang unang naubos?
Naubos ang pag-ibig, gaya nang pagkaubos ng ulan sa tag-araw.
Pagkaubos ng tala sa langit pagsumapit na ang umaga.
Ngunit, kung ang lahat ay naubos na, bakit ang ikaw at ako sa aki'y tila
nag-uumpisa pa lamang?
Nag-sisimula. Nag-uumpisa.
Nag-sisimulang matapos. Nag-sisimulang mawala.