Chapter 3

3 2 0
                                    

     Lunch na. At nandito na naman ako kina Mang Pao. Kasalukuyan akong kumakain ng siopao habang nakatitig sa wall clock. 12:52 na pero wala parin yung crush ko. Nakakabadtrip naman. Kung kailan kailangan ko ng isang inspiration, wala naman siya.

Gusto ko kasing mag apply dun sa magiging katulong ng artista stuff. Para narin makatulong sa pamilya ko. Pero diba sabi ni Lyod, wag daw kasi baka mapahamak ako. Hayysst. Di bale na nga.

Kumagat ako sa siopao. Pagkatapos nginuya. At ayun, kahit lasa ng siopao hindi ko na alam. Hmmm. Wala kasi si crush e. 'Ano connect?'

''Hi'' sabi ng isang lalaki. Hindi ko tinignan ang mukha busy ako sa pag-iisip at wala akong pake.

Kumagat na naman ako sa siopao.

''Uhh, makiki-upo ako. Wala na kasing bakante'' dagdag niya. Pero ito parin ako. Walang pake.

Kinain ko na ng buo ang siopao. Hay, bat ba affected ako. E ano kung wala si crush.

Nanatili naman kaming tahimik hanggang sa dumating si Judy.

''Ito na yung order mo Grace. Sayote with scrambled egg.'' Nakangiting sabi ni Judy.

''Boyfriend mo?'' Tanong pa ni Judy. Sabay naman kaming napasabi ng 'hindi' nitong unknown guy. At napalingon ko sa mukha. Pagkakita ko palang sa shades, ay nakilala ko na agad.

At kung hindi ako nagkakamali. Ito yung lalaking may Harry Potter The Cursed Child.

Ilang minuto lang, bigla niyang napansin na nakatingin ako sa kaniya kaya nginitian niya ako. Inirapan ko lang din.

At ayun kumain na ako. Nagpanggap pa akong walang kasama. E, ano naman ang pake niya, kung ayaw ko siyang pansinin. Saka, stranger siya. Sabi ni mama, don't talk to strangers.

Ilang minuto pa. Ay dumating na si Judy dala ang isang bowl. Alam niyo kung ano ang laman ng bowl? Boiled Kamote Tops, with kalamansi, tomato and onions. Salad yata ang tawag dun. At ang masasabi ko lang ay, i'm sure hindi kaaya-aya ang lasa nyan. I hate vegetables. Yung leafy lang.

At alam niyo kung sino ang nag-order ng nakakadiring substance na yun. Itong lalaking nasa harap ko.

Nagbabasa siya ng isang libro. Nobela na naman yung binabasa niya. Yung title? Hindi ko pinansin. Hindi kasi ako interesado.

''Bakit ang sungit mo?'' Tanong ni unknown guy.

'Wew. Ako masungit? Kailan? At excuse me po. Wag kang feeling close, kasi hindi tayo close.' Gusto ko sana tong sabihin. Kaso nasa isip ko parin yung, don't talk to strangers.

''Bakit kaba pinanganak na snob?'' Tanong niya ulet. At ako, dahil sa galit sumagot ako. Ininsulto ako e. Ikaw hindi kaba magagalit?

''Hoy! FYI hindi kita kilala. At sino ka naman na dapat ko talagang pansinin. At hindi ako pinanganak na snob. Kasalanan mo yan kasi hindi kita kilala.'' Yan yung sabi ko. At siya, ewan. Tinanggal niya yung shades niya.

''Ako? Hindi mo kilala?'' Tinanong niya to sakin. Ako? Syempre tinignan ko ng maigi ang mukha niya.

Hmmmmmmm.....

Hmmmmmm.....

Familiar ang mukha kaso di ko kilala.

''Tapos..'' sabi ko sa kanya. Masungit parin ako.

''Tsk.'' Yan nalang yung nasabi niya. Tapos nilagay sa bag ang libro. Tapos na akong kumain kaya ayun pinanood ko nalang siyang kumain.

Kahit ito yung kaharap ko naiimagine ko parin si crush. :(

Bakit kaya wala siya? Baka may nangyari sa kanya. Lord, wag naman po kailangan ko po siya.

''Ba't ka malungkot?'' Tanong ni unknown guy or freak.

''Wala kang pake'' sagot ko. Inirapan lang niya ako pagtapos nag 'tsk' na naman. Sige magalit ka sakin. Magalit ka. Nakakainis ka kasi ba't moko pinapansin.

''Tara'' sabi niya. Hindi ko na naman siya pinansin. Busy pa ako dito sa pag-eemote.

''Malelate kana'' sabi niya sabay hila sakin. Nagpahila nalang ako. Wala talaga akong gana e. Si crush kasi. T-T

Pagdating namin sa gate ng school. Ewan ko lang pero sobrang dami ng babaeng tumili. I'm sure proud sila dahil ang dakilang leader ng Walang Forever Group nagkaboyfriend. Haha. Naiimagine ko na tuloy ang mga nakakatawa nilang mukha kung sasabihin kong walang kami. Parang, 'There was never an us!' Haha.

Patuloy parin ang paghila niya sakin hanggang sa pumasok na kami sa building.

Panay parin ang tingin ng mga tao samin. Kahit mga teacher, shocked. Hay naku.

Pagdating namin sa classroom. Pinigilan ko siya at sinabing nandito na kami sa classroom ko.

''Mag-ingat ka ah'' sabi niya at syempre hindi ko siya pinansin. Sino siya para pansinin ko. Pero lumaki ang mga mata ko nung bigla niya akong hinalikan sa noo. Ewan ko pero iba yung naramdaman ko e. Parang bigla akong kinabahan, and at that moment, I felt safe.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang pagtalikod. Inaayos niya ngayon ang suot na sombrero. Ang weird niya talaga.

At ayun pumasok na ako sa classroom. Tumili naman sina Barbie at si Shane. Tapos bigla nila akong pina-upo. At yung iba ko pang classmates pumalibot na sa amin.

''Tanongin mo na Lyod'' matinis na sabi ni Shane. At lahat naman kami napatingin sa direksiyon ni Lyod. At ayun naka-upo lang siya sa isang silya at tulala. Dahan-dahan naman siyang tumingin sakin nung napagtanto niyang napatingin kami sa kanya.

Ewan, pero sobrang lungkot ng tingin niya e. At ilang sandali lang nagwalk-out na si Lyod. Ang weird niya rin.

Yung mga classmates ko naman ayun, sabay-sabay silang nagtanong kung boyfriend ko ba si-- sino?

''Sino yun?'' Tanong ko sa kanila.

''Si Renon Gray yun! Bweset kang babae ka ang landi mo. Akin siya!!!!'' Sigaw ni Shane sakin habang niyoyugyug ako.

Lumapit naman si Barbie sakin. ''Walang sayo Grace. Akin siya, akin lang ang forever ko!'' Parang biktimang sigaw ni Barbie. Kalalaking tao nagbabading-badingan.

''Walang poreber'' biglang singit ni Shane. At ito namang si Barbie.

''Tell me everything'' sinabi yan ni Shane habang nakangiti.

''Please...'' dagdag pa ni Shane.

''Hindi ko kilala yun'' Bored kong sagot.

''Besh, wag kang denying. May gash. Artista deni-deny mo. Alam na naming may namamagitan sa inyo. Hahalikan kaba kung wala? So... ano. Ang tanong namin gurl. Do you have a sexual relationship with Renon Gray. Nag-ONS ba kayo. May Gash. Nagcondom ba? Kumusta ang first time girl? Puta!!! Virgin kapaba?'' Sinabi yan ni Barbie. At dahil sa pagkabigla ko, hindi ako agad naka sagot. Ang bastos ng baklang toh.

Lahat naman ng classmates ko, nakatotok lang sakin. Naghihintay sila ng sagot. Halos hindi mag sink-in sa utak ko lahat ng narinig. Renon Gray? As in? Yung lalaking laging laman ng balita. Tsismis at saka may mga posters. At siya rin ang nasa napakalaking billboard na nakikita ko pag umuuwi. Siya naba talaga yun?

''Ano ba ang ONS?'' yan nalang ang nasabi ko, na nagpawala naman ng gana sa mga lalaking nakikinig.

''Virgin pa yan..'' sabi ng classmate kong lalaki.

''One Night Stand'' walang ganang sagot ni Shane.

''So... ano na?'' Tanong ni Barbie.

''Wala. No comment. Mas gwapo parin ang crush ko dun at wala akong pake kung sino man yang RAYAN na yan'' proud kong sabi.

''Renon gurl'' wala naring interes na sabi ni Barbie.

At ilang segundo lang dumating na si mam Ching. Umayos naman kami ng upo.

Pero hindi lang dyanmatatapos ang hapon ko. Meron pa....    

Meant To Be A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon