Chapter 1

4 3 2
                                    

     Pagdating ko sa bahay, agad kong nakita si mama. At yung kuya ko namang nagyoyosi. Sa sobrang tahimik at sa bigat ng atmosphere. Halata namang nag-away nanaman sila.

Yung kuya ko kasi, umuuwi lang sa bahay paghihingi siya ng pera. Saan naman niya nilalagay ang libo-libong perang binibigay ni mama?

Last time, nanghingi siya kasi para daw yun sa isang business niya. Para rin naman makatulong siya kay mama. Iniwan kasi kami ni tatay at kay mama lang kami umasa, simula nun.

Five years old palang ako nung iniwan kami ni papa. At pagtung-tung ko ng sampung taon biglang may nadala si mamang bata. At yun na nga si kuya. Two years ang gap namin. So.. twelve years old siya sa mga panahong yun.

Sa mga naguguluhan, ang ibig kong sabihin. Ampon lang ang kuya ko hindi siya totoong anak ni nanay at hindi rin siya anak labas ni tatay. Isa siyang bata na pagala-gala sa lansangan.

Vendor pala yung nanay ko. Sa palengke dito sa San Luiz. Isda yung tinda niya. At saan galing ang perang pangkapital niya?

May loans si mama. Sa ASA, ORO, Binhi at marami pang iba. Sa madaling salita, umaasa lang kami sa utang. Sa diskarte, tiyaga, sikap at talino ni mama. Napalaki niya kami ng maayos. Kaso, itong kuya ko, kahit nasa tuwid ng daan, liliko parin.

So.. ayun. Tumuloy na ako. At hindi na ako nagtangka pang bumati o lumapit sa dalawa. Habang papunta ako sa kwarto ko. Bigla kong napansin ang mga basag na pinggan, mga kutsara at piraso ng paboritong vase ni mama.

Sa mukha ng mga gamit, mukhang naging matindi ang laban nina kuya.

Habang nasa kwarto ako. Dun ko napagtanto na wala pala akong naitulong kay mama. Nandito lang ako, kumakain, nagpapakasaya. Samantalang si mama, grabe na ang pagtratrabaho niya para lang makapagtapos ako.

Magbabakasakali nalang ako ngayong sabado na may ipapalabada si Aling Lorna, kapitbahay namin. Para naman atleast makatulong ako kay mama kahit sa maliit na bagay lang.

Nag-aaral pa ako, nang biglang may kumatok sa pinto.

''Pasok!'' Sigaw ko habang panay parin ang pagsulat sa notebook.

''Hoy! Grace, nakita mo ba yung notebook ko? Yung kulay orange na may ribbon?'' Tanong ni kuya sakin. At syempre nabigla ako. Sa lagay mong yan at sa kabila ng pagiging adik. May gana kang mag aral? Woaahh.

''Wala. Hindi ko nakita'' mataray kong sagot. Ano ako lost and found? Sakin siya laging nagtatanong pag may bagay siyang nawawala.

''Hindi mo ba talaga nakita o kinuha mo. Pwes, akin na po'' sabi ni kuya. At may gana pa siyang mangbintang.

''Kung nanakawin ko, yun namang maganda'' simple kong sagot na nakapagpainis kay kuya.

Umupo si kuya sa kama ko at saka sinuot ang headset niya.

''Kuya, bakit ako ang tinatanong mo kung may nawawalang bagay ka?'' Tanong ko kay kuya.

It took awhile bago siya sumagot.

''Ilang beses ko na bang sinabi sayo na wag mokong tawaging kuya. Terence ang itawag mo sakin o di kaya ang surname kong Suarez.''

''Okey po. Tatandaan ko na po Mr. Suarez. Hindi na po mauulet'' sabi ko sa kanya sabay bow.

''Alam mo ang bagay sayo maging isang katulong'' sabi ni kuya, halata naman sa mukha niyang inaasar na naman niya ako.

''Luhh. Bakit? Mukha ba akong katulong?'' Inis na inis ako, nung tinanong ko ito sa kanya. At si kuya, walang puso e. Kaya ayun, tumatawa pa habang sinisigaw ang salitang, 'Oo'

Meant To Be A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon