Chapter 2

28 1 0
                                    

Chapter 2 - Silver

Kamille's POV.

Nandito kami sa tapat ng gate ng school, naghihintay ng jeep. Ayaw naman daw kasing dalhin ni Lei ang driver nya at kotse nya dito kasi wala daw syang kalayaan. Pwe.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako nagsasalita, I mean wala naman nagsasalita samin kasi tahimik si Xam, ako din ay tahimik so walang makakausap si Lei. Kahit si Xam ay kasamahan namin umuwi dahil malapit lang naman daw ang bahay nya dito, isang sakayan lang.

Maya-maya pa ay may nakita na kaming jeep na may sign kung saan ang apartment ni Lei, kinawayan namin ito kaya naman huminto yun sa harap namin.

"Ikaw ang magbayad sating tatlo, abah may kasalanan ka ata." Bulong sakin ni Lei nung makaupo kami.

Napatingin naman ako kay Xam na nginitian lang ako, para bang narnig nya ang binulong ni Lei sakin kaya tuwang-tuwa sya.

No choice ako at bumunot ng pera sa coin purse ko, abah! Nagtitipid ata ako.

"Bayad ho, pakiabot." Sabi ko.

Nagpapasalamat talaga ako kahit na rush hour na ay may ganitong jeep pa na maluwag. Minsan lang toh sa Manila, so thank God.

Habang bumabyahe ay inilabas ko lang ang cellphone ko at nag sound trip, syempre naka earphone, kaloka naman kung lahat sila maki-share sa music ko diba?

Maya-maya pa ay narinig kong pumara si Xam, nginitian nya ulit ako tsaka sya nagpaalam. Napatingin ako sa labas ng bintana.. WOW.

As in wow. Umandar na ang jeep pero hindi ko parin maialis ang paningin ko sa mansyon na yun. Oo! Mansion! Hindi sya subdivision. As in open na mansion. Pero bakit? Hindi ba delikado yung ganon?

Umayos na lang ako sa pagkakaupo ko tsaka itinuon ang pansin sa kantang pinapakinggan.

"Ba't di papatulan, ang pagsuyong nagkulang.." Pabulong kong kanta.

Tadhana.

Napangisi ako. Never akong naniwala sa destiny- tadhana. Kasi tayo lang din naman ang gagawa ng destiny natin, kung maghihintay ka lang sa mangyayari, para kana lang rin naghihintay sa kamatayan mo.

Nagulat na lang ako nang kalabitin ako ni Lei, ba-baba na ata kami. Tinanggal ko yung isang earphone na nakakabit sa kanang tenga ko tsaka inayos ang sarili.

"Sa tabi lang po!" Sambit nya.

Bumaba na kami tsaka dumeretsyo sa apartment. Ewan ko ba dito kung bakit sa apartment tumira. E ang mga magulang nya ay may ari ng mga pabrika ng tsokolate! Hmp! Kesyo gusto daw nya ng normal na buhay, para namang kapag tumira sya sa condo magkakaron sya ng abnormal na buhay! Hindi ko sya maintindihan.

Napabuntong-hininga na lang ako habang tinitignan syang ina-unlock ang nirentahan nya. Pagkabukas ay pumasok na agad kami. Dumeretsyo sya sa kwarto nya samantalang ako ay ibinagsak ang sarili sa sofa. Dun ko ulit inalala ang nangyari kanina.

Napatakip ako sa muka ko dulot ng naramdaman kong kahihiyan. "Bakit ba kasi padalos-dalos ako!!!"

"Ang assuming mo kasi! BWAHAHAHAHAHA!" Ayan na sya.

Tinanggal ko ang pagkakatakip sa muka ko at tska tumayo, pumunta ako sa kwarto at naligo, para naman mahimasmasan ako. Grabe talaga ang nangyari kanina! Puro kahihiyan!

The Famous MVPWhere stories live. Discover now