First Blood

99 5 7
                                    

Niana

Luminga linga ako habang tinatahak ang daan papuntang classroom. Wala pa masyadong tao dito. Di na ako nag-taka. I glanced at my watch, it's 6:47.
If I were in a different school I'd be late, pero since class here starts at 8:30, it's too early.

Sinadya kong umalis ng maaga sa bahay dahil umuwi na si mommy galing America for a business trip kahapon lang, and to see her with my cheating dad is disgusting.

Nang napagtanto kong nasa tapat na ako ng classroom ay agad akong huminto sa paglalakad. Wala pang tao since maaga pa kaya napag-desisyunan ko na mag lakad-lakad muna. I'd probably become insane kung manatili ako duon, wala naman akong makaka-usap o ano.

Napabuntong-hininga nalang ako ng maisip ang mga problemang hindi maubos-ubos. I need to relax and sort things out later. I want to read a book. Reading a book is relaxing! Agad akong pumanhik patungong library.

Habang naglalakad ay pumasok uli sa isipan ko ang pamilya namin. To other people it may be perfect, happy. In reality? No.

Minsan na pumasok sa isip ko na ako na mismo ang mag-sabi sa kay mommy yung tunkol kay daddy. Pero kailangang sila na ang mag-ayos noon. At dapat lang na si daddy ang mag tapat kay mama tungkol sa ka-babuyan niya at pagtataksil. Pero sa tingin ko ay may ideya na si mommy. Napa-iling nalang ako nang maalala ko ang gabing iyon.

"Shit" napamura ako dahil naalala kong naiwan ko ang laptop ko sa kwarto nila mommy. Duon kasi ako gumawa ng homework kagabi. Ugh! Dapat kasi ay sa kwarto ko nalang ako gumawa.

Nadatnan kong nakasarado ang pinto, kakatok na sana ako nang may narininig akong hikbi galing sa loob. Sinilip ko ang loob at nakita kong umiiyak si mommy. What's happening?

Naka-upo siya sa dulo ng kama habang may hinahawakang kung ano. What the fuck?

Lalo akong lumapit sa pinto upang malaman kung Ano ba iyong hinahawakan niya. I'm sure its something important.

Nakita kong hawak-hawak niya ang puting pormal na long sleeve ni daddy na madalas niyang sinusuot kapag paalis siya papuntang trabaho. Ano naman kaso duon?

Kumunot ang noo ko at sumalubong ang kilay ko. Bakit niya iniiyakan iyon?

I really need to find out what's going on.

Sa pagtataka ay mas lalo akong lumapit. Pero kahit anong lapit ko ay hindi ko parin makita kung anong problema duon na kailangan niyang iyakan 'yon. Damn! Ninenerbyos na ako!

Umamba akong papasok ngunit agarang hininto nang nakita kong umayos siya ng pakaka-upo.

Nanlaki ang mata ko nang nakita kong matalim na tinititigan ni mommy ang red lipstick mark na naka imprenta sa may kwelyong parte ng office suit ni daddy. Sunod-sunod na bumuhos uli ang mga luha ni mommy.

"Holy shit" bulong ko.

Napahakbang ako palayo ng biglaan niya itong pinunit at pinagtatapon ang gutay-gutay na parte nito. Napasinghap ako sa gulat, dahil ba sa galit niya ay kaya niya ng punitin iyon?

Mas lalo akong napaatras ng nag wala siya. Pinag-babasag niya ang mga picture frames nila ni daddy'ng payapang nakapatong sa lamesa. Halos mapatalon ako nang pinag babagsak niya rin ang mga vases at muntik na akong mapatili ngunit agad ko itong naagapan nang takpan ko ang bibig ko gamit ang aking kamay. Oh My Gosh! She knows!

Naramdaman ko nalang na may tumulong mainit na luhang galing sa aking mata. Agad kong pinahiran ang aking pisnging hula ko'y mapula-pula na ngayon. This can't be!

The Blood Of A Virgin [On-Hold]Where stories live. Discover now