KABANATA 5 (KATAPUSAN NG MALILIGAYANG ARAW?)

56 0 0
                                    

KABANATA 5

(KATAPUSAN NG MALILIGAYANG ARAW?)

“The one who really loves you will never leave you even if there are hundred reasons to give up they will always find one reason to hold on- Romelyn”

Pang-apat na araw na pala to ng Intramurals namin. Hapon na ngayon at andito na ako sa sakayan namin pauwi. Napansin kong nag-vibrate yung. May group message sya. Binuksan ko yung mensahe.

Ito yung nakalagay;

“Convo w/ me and some girl

May tumatawag sakin na hndi registered sa contacts ko yung number. Dinampot ko yung cellphone ko to answer kung sino yung tumatawag.

M:Hello?Sino toh?

G:Dian?Ikaw ba yan?

Nagtaka ako kasi boses ng babae

M:Ako nga po ito.Sino po sila?

G:Dian.Chana toh.

M:(Napalunok ako)Ahh.Chana.Napatawag ka?

G:Dian,uuwi ako dyan.Yung pangako mo sakin ahh.

(Napaisip ako ng ilang sandali nun sa pangako ko sa kanya. Hala,pano nato)

M:Chana.Maya nalang ahh kasi may ginagawa pa ako eh.Bye.

Inoff  ko na yung cp ko.

Nalilito ako.

#T_T

#gm”

Yan yung nakalagay kaya nabahala ako.

Tinext ko sya patungkol dun at ang sagot lang nya sakin ay “Si Chana Bunso yung first love ko.”

Ouch mameen. Tapos nireply-yan ko naman sya na “Mahal mo pa?”. Sagot naman nya “Ewan.”

Ahh. Edi mahal pa nga nya. Bahala nga sya. Ayaw nya ata akong piliin kesa dun sa babaeng yun eh. Magsama sila. Alam ko naman sa simula palang na may hinihintay syang magbalik eh. Pero pinagpatuloy ko pa rin tong lecheng pagmamahal ko sa kanya. Tsk.

“Maligaya ako para sa inyong dalawa.”

Yan lang yung huling sinabi ko sa kanya at nagreply naman sya na “Ganon ba? Salamat ah.”

Nakakainis talaga sya. MaPride masyado. Gusto nya ba akong maghabol sa kanya. Ano ako BITCH? Slut? Tsk.

Ewan. Di ko na alam gagawin ko sa kanya. Pinagseselos lang din naman nya ako eh.

Nagdaan ang tatlong araw na puro senti lang ako. Kasi yun nga mahal nya daw. Ay naku kahit maglaplapan pa sila sa harap ko PAGPAPATAYIN ko talaga sila subukan lang nila sa harap ko. Miss ko na sya alam nyo ba yun? Nagpaparinigan lang kami sa txt pati sa fb. Naku naman oh. Ano bang drama namin at naisipan naming maging ganito yung sitwasyon. MaPride na tao kasi sya eh. Nakakairita lang. kung totoong mahal nga nya ako edi sana di na sya gumaganon pa. Sarap naman nya batukan nga naman.

Eh anong magagawa ko kung di sya gagawa ng paraan na magbalikan kami. Potek na itim oh.

Imbis na magmukmok ako dito sa kwarto eh lumabas ako at nagsulat nalang ng maikling kwento sa notebook ko at mabuhos ko dun yung emosyong nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

Nagdaan ang mga araw at di ko na talaga kayang pagselosin nya lang ako kaya tinext ko sya na meron pa ba akong puwang sa puso nya. Sagot naman nya eh “Ako ba? Meron pa ba dyan sa puso mo?”. Ang galing ng sagot nya ano? Nakakabanas pero sige parin ako. Kasi nga diba mahal ko sya. Ay ewan. Basta nalilito na ako sa kanya kung totoo pa nga talagang mahal nya ako. Eh sa bumalik lang yang nakaraan nya naging ganyan na agad sya sakin. Naku, naman oh.

AnPagNaMinPas*NOBELA* (COMPLETED) by Dreamhigher26Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon