KABANATA 6 (ANG NAKARAAN NYA)

51 0 0
                                    

KABANATA 6

(ANG NAKARAAN NYA)

Wala tayo sa harap ng camera at nagdradrama kaya tigilan mo na ang malaPantasya mong pagmamahal sakin.-Mee”

(A/N:Ang nalalaman po sa kabanatang ito ay mga pagbabalik tanaw lamang sa nakaraan ni Kuya Adrian kaya’t basahin nyo ito.)

Ang Kuro-kuro ni Adrian:

*PAGBABALIK TANAW SA NAKARAAN*

“Uy,mahal kita. Hehehe.”

Sabi ko sa isang batang medyo may katabaan. Kababata ko nga pala sya. Chana yung pangalan nya. Matanda sya sakin ng isang tao. Walong taon na sya at ako naman eh pitong taon. Kung ituring ko sya ay yung asawa. Pero uy,wag kayo labidoo ako nito. Hehehe. Nababading na ata ako. Grabe,nasa elementarya nga palang kami. Pero gumaganito na ako eh sa mahal ko na nga sya eh. Bakit ba.

Magkaibigan na kami mula sanggol palang kami at sabi ko sa Mama ko na sya na papakasalan ko sya kasi yung nasasabi ko nang perpektong babaeng makakasama ko sa habang buhay. Hayyy. Wala akong pakialam kung ano mang sabihin ng iba dyan kahit bata pa kami alam ko na talaga sa sarili ko na mahal ko na sya.

“Ha? Goy-goy naman eh. Wag ka nga magbiro tsaka bata pa tayo para sa mga ganyan. Uhmm. Goy, may sasabihin sana ako sayo. Wag ka magugulat ahh.”

Ang ganda talaga nya. Nakakahumaling. Kinikilig tuloy ako, ang kyut kasi nya pag nagsasalita tapos yung pisngi nya ang pusok-pusok na gusto ko nang pigain dahil ang kyut talaga eh. Bahala kayo basta ang kyut nya tapos yung buhok pa nya eh may pagkamaalon-alon pa na nakakadagdag sa kakyutan nya. Sana magkasama kami parati.

“Ano naman yun Chana baby?”

Nakangiti kong sagot sa kanya. Ahehehe. Nababading na ata ako. Pero okay lang di naman talaga ako bading eh.

“Ano kasi……Aalis na kami….Sa Manila na kami titira.”

Nakayuko nyang pahayag. Ano? Di yun pwede. Kakasabi ko pa nga alang na sana magkasama kami parati tapos. Langya!

“Ano? Di yun pwede tsaka magpapakasal pa tayo diba? Pano na yun? Di yan pwede. Dito ka lang di ka pwedeng umalis. Ayaw ko. Ayaw mo din naman umalis diba? Diba lab mo din ako. Ba’t ka nagbibiro ng ganyan Cha. Nag AY LAB YU ka pa nga sakin kagabi diba.”

Anu-ano nalang lumalabas sa bibig ko kasi nagbibiro kasi tong si Chana eh. Kung totoo man ayaw ko syang umalis,dito lang sya sa tabi ko. Mahal nga namin ang isa’t-isa diba?

“Goy, kelangan eh. Tsaka diba nagpramis naman tayo sa isa’t-isa na tayo pa din sa huli diba. Goy, wag ka na magtampo.”

Tumalikod ako sa kanya kasi tumutulo na yung mga luha ko eh. Nakakahiya man aminin pero umiiyak na ako ngayon. Syempre aalis yung magiging asawa ko.

“Ikaw kasi eh. Aalis kana. Ba’t biglaan? Ayaw mo na ba sakin?”

Tanong ko sa kanya tsaka humarap ako sa kanya.

“Di naman sa ganun. Goy,pakiusap. Wag ka na magalit. Babalik ako tandaan mo yan. I lab yu.”

Tapos nihalikan nya ako sa pisngi tsaka inakap nya ako. Umiiyak na din sya.

 “Shhh,basta ahh. Uy,wag ka na umiyak dyan. Ito talaga oh. Basta bumalik ka ahh. Hihintayin kita. I lab yu.”

Tapos nihalikan ko din sya sa pisngi.

“O-oo.”

Tumango lang sya nun.

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh….Chana!! Ba’t di ka nagsabiiiiii!! Chanaaa! Huhuhu. Ma,si Chana umalis na..”

Umiiyak ako kasi umalis na si Chana,pinipigilan nga ako ng Mama ko eh. Hinabol ko kasi sya ng bisikleta ko at nakakainis naman tong bisikleta ko kasi naubusan pa ng hangin yung gulong. Arrg.

“Anak,babalik pa naman si Chana diba. Kaya tumahan kana at tara na sa loob.”

Tapos pumanik na si Mama papasok ng bahay namin at naiwan akong naglupasay dito sa gate namin. Di man kasi nya sinabi kung kelan sya aalis. Nakakainis naman eh.

Pumanik na ako papasok ng bahay at nang makapag-almusal na ako kasi di pa din ako nakakain eh.

“Uy! Pareng Goy-goy. Hahaha. Anyare sayo?”

Andito pala tong hinayupak kong katropa.

“Tumigil ka nga dyan Prince gutom ako kaya wag mo ko maistorbo-istorbo. Upakan kita dyan eh.”

Kumuha ako ng isang piraso ng pandesal at pinapak ko na kasi nagugutom na din ako. Kumuha pa uli ako.

“Oh,easy ka lang dyan Pareng Goy kawawa naman yung pandesal pinagdidiskitahan mong durugin dyan. Hahahaha-uhu-uhu-uhu”

Tumingin naman ako sa kanya na may nakakalokong ngiti.

“Hahaha,buti nga sayo. Uminom ka nga ng tubig dun. Dada kasi ng dada eh. Punta ka na. Kakainis to.”

Tapos tinapos ko na yung agahan ko kasi madami na naman kaming gagawin ngayon ng tropa.

Mamimiss ko talaga si Chana ko. Bakit pa kasi kailangan pa nilang lumipat eh.

*DULO NG PAGBABALIK TANAW*

Andito nga pala ako sa computer shop malapit samin at nagDoDOTA. Wala akong magawa eh kaya ito nalang at naglalaro. Siyam na taon na rin ang nakalipas ng iwan ako ng Chana. Masaya na ako pero biglang nagbago ang lahat ng isang araw tumawag sya sakin. Nakalimutan ko na nga yung pangako ko sa kanya eh kasi dumating sa buhay ko si Ashley pero ano ba kasing pumasok sa utak nun at hinayaan lang akong pakipagbalikan kay Chana. Haay. Wala na akong ibang sasabihin patungkol sa nararamdaman ko kay Ashley kasi baka magkandigulo-gulo pa kayo eh.

Sige paalam na.

AnPagNaMinPas*NOBELA* (COMPLETED) by Dreamhigher26Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon