KABANATA 3 (Tampuhan [INTAMURALS HAROTness])

48 0 0
                                    

KABANATA 3

(Tampuhan [INTAMURALS HAROTness])

“Love is not about how much you say I LOVE YOU but how much you can prove that it’s true.-Maichee”

Intramurals na nga pala namin ngayon. Isang linggo na din simula nung inihatid nya ako

Haist,andali lang ng pagdaan ng mga araw ano? Bago nga lang kami natapos sa exam namin eh. Tapos nakakapagod sobra talaga. Wala akong tamang tulog kasi andaming assignments at pag-aaralan tapos may projects pa na sadyang napakahihirap na kulang nalang eh pati kaluluwa namin maging parte nun. Tss.

Kung may hihigit pa sa salitang STRESS baka yun na.

“Ashley! Andito kami!”

Tawag sakin ni Nice na kumakaway pa na ani mo’y nalulunod sa dami ng tao. Kanina ko pa kasi sila hinahanap at di ko makita kasi andami ngang tao dito sa school grounds kasi nga Intramurals nga namin diba. So yun nga.

“Nice! San ba kayo galing at nawala kayo sa paningin ko ah.”

Galit na ako nyan kasi naman ako na nga lang mag-isa ngayon kasi may kasamang iba yung bespren kong si Lealain. Ewan lumayo na loob ng bespren ko saakin. Di na sya masyadong nagsasama-sama sakin. Nahihirapan nga ako kasi DEPENDENT ako sa kanya eh. Di ko nagagawa yung ganito kasi di ko sya kasama, yung ganun tsaka hirap na hirap na ako. Napapaiyak na nga lang ako pag iniisip ko na ako nalang mag-isa tapos si Kuya Adrian minsanan nalang din kaming magkausap kasi ewan. Siguro nadadamay na sya sa pagiging busy ko pero naghahanap naman ako ng oras para yun nga magkausap kami. Mailap na din sya sakin.

“HOY! Tulala ka dyan Ashley? Anong problema?”

Tanong sakin ni Angel. Nga pala sila nalang dalawa ni Nice kasa-kasama ko ngayon. Ewan anong nangyayari samin.

Biglaan yung samin ni Lealain eh. Kanina nga pagkakita ko sa kanya inirapan ko kasi di man lang nya ako puntahan. Haist, ang hirap naman nang nilulubayan kana ng matalik mong kaibigan sa di kadahilanang dahilan. Ano ba yan. Nagiging LONER na ata ako nito eh. Ansaklap naman.

“HOY! BA’T KA TULALA DYAN!”

Sigaw sakin ni Nice. Kung makasigaw naman toh bingi lang ako.

“Sensya naman kung ganun noh. Tsaka san nga kasi kayo nagsuot dalawa ahh.”

Mariin kong tanong na kanila. Di din naman sila isa’t-kalahating shunga ano.

“Wala dyan lang. Nakikichismis kung meron bang gwapong napadpad dito sa campus natin. Hehehe.”

Ani Nice.

“Tamo toh. Ang landi mo talagang babae ka. Hahaha. Tara na nga sa Gym baka may Basketball game na dun. Wala naman tayong gagawin dito sa headquarters natin eh.”

Aya ko sa kanila.

“At ikaw Angel,tutunganga ka nalang dyan? Dali kana. Badtrip ka naman eh.”

“Oo na po MAAM. Hahaha. Bitter kasi di sila nag-uusap ng FAFA VEAR nya. Hahaha.”

Nanukso pa talaga tong shungabels na to.

“HE! Tumigil ka nga at baka mabatukan kita. Di ako bitter noh. Ang ganda ko eh.”

“Wehhh. Anong konek nun?”

“Wag ka nga. Tara na.”

Tsaka nagsitayoan na sila at nagsimula na kaming maglakad papuntang school Gym.

AnPagNaMinPas*NOBELA* (COMPLETED) by Dreamhigher26Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon