Simula

4.3K 96 14
                                    

Isn't always about the people in your life who are blood relations. It's about the people in your life who want you to be theirs. It's about the people in your life who accept you for who you are, support you in the things you choose to do and no matter what are there for you. It's the people in your life who love you, respect you and who you can depend on. Now, that's family.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday to you, Happy Birthday, happy birthday, happy birthday, Chloe, happy birthday Zoe, Happy Birthday Nicole." kanta ng mga taong dumalo sa handaan.

"Blow the candles mga babies!" masayang sigaw ni Leny habang nakaharap sa tatlong naglalakihang cake habang karga ang dalawang bata na walang iba kundi si Zoe at Nicole.

"Blow the candles mga princess!" segunda ni Lino na hindi maipinta ang galak na nadarama habang karga naman si Chloe.

Nagdiriwang ng ika-7 kaarawan ngayon ang kung tawagin ng bayan ay ang "Buenavista triplets". Malaking salu-salo ang inihanda nila para sa tatlo at para sa lahat ng dadalo. Walang pagsidlan ng tuwa ang mag-asawa dahil sa kanilang tatlong mga anak na kung i-treasure nila ay tila ba napakalaking kayamanan.

"Sa tingin mo magiging masaya na tayo habang panahon, Lino?" tanong ng babae sa asawa na nakaguhit sa mukha ang pag-aalala.

"S-Siyempre naman," tugon nito sa kanya. "Relax Leny, they're just 7 and enjoying their party. Look at them!" turo nito sa tatlo. "They were just so happy na tila ba mga anghel sa langit. Makakasama natin sila hanggang sa magsipag-asawa na ang mga anak natin!" dagdag pa nitong may diin ang huling salitang sinabi.

Nagkibit-balikat naman ang babae na nag-aalala pa 'ring nakatingin sa tatlong bata na ngayon ay nagpapahiran na ng icing sa kanilang mga mukha.

"Mommy join us!" sigaw ni Zoe na abot hanggang tainga ang ngiti.

"Sige lang baby, play with your sister's and friends."

"Daddy, let's play!" tawag naman ni Chloe sa ama nang makita sa 'di kalayuan.

"Mom?" kublit ni Nicole sa ina, "Are you okay?" hawak nito sa kamay niya, "Is everything okay?"

Napaisip si Leny sa tinuran ng bunsong anak. Napaka-thoughtful nito na parang isang matured na bata.

Is she can read minds at this age?

"Oo naman, baby." tugon niya sa anak, "What are you doing here?" ngiti niya sa anak, "Play with your ate's and Daddy. Come on, go."

"No! I want to be with you." kagat-labing sagot ng bata, "You look sad that's why I need to stay here with you."

"Nicole," may warning sa tono ng boses niya, "Don't you try to be a hardheaded right now. Go to your Daddy and play with your ate's." ulit nito.

"Mommy.."

"Come on Nicole,"

"Bakit ang lungkot mo po?"

"I'm not baby, look at me." sagot nitong binigyan ng malawak na ngiti ang anak.

"Mommy..you're lying." her statement, "Your smile doesn't come with your eyes." nguso nito, "But if you want me to go right now, I'll be going. I love you Mommy." tugon ng bata na agad tinalikuran ang ina.

Mas naging malungkot pa ang ina, ayaw niyang iparamdam sa mga anak na may kulang sa kanila. Mahal niya ang mga ito kaya naman nag-decide siyang paunti-unti niyang kakalimutan ang nakaraan na silang mag-asawa ang nakakaalam.

Tumayo siya at hinabol ang batang kausap niya kanina.

"Nicole baby," sambit niya sabay yakap nang mahigpit sa anak, "I'm sorry."

"Mommy?" malawak na ngiti ng bata, "I love Mommy!"

"I love you baby."

Nakita ng mag-aama ang nagaganap 'di kalayuan kaya naman patakbo silang lumapit dito. In just a blink of an eye, nag-group hug silang lima.

"Sana wala na itong katapusan pa." Leny murmured.

"Hindi ko hahayaang malaman nila ang buong katotohanan." Lino's thought while smelling their hair, "Magiging masaya kami hanggang dulo."

BUENAVISTA TRIPLET'S
by LavenderPen


Buenavista Triplet'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon