Malayo palang ako ay tanaw ko na ang bisita ko, batay sa suot nyang damit ay walang iba kundi ang bebe Josh ko. Ngumiti sya ng malawak ng matanaw ang pagdating ko.
"Musta ka bebe? hindi na kita nakausap kanina ah," may himig pagtatampo niyang wika sabay abot sa akin ng isang pumpon ng rosas. Agad ko naman itong tinanggap.
"Salamat bebe ko. Pasensya, nagmamadali ako kanina, sorry bawi nalang ako ha?" Tumango naman sya at ngumiti sa akin sabay hagilap ng kamay ko.
"Hapon na ah, bakit napadalaw ka?" tanong ko, nagui-guilty tuloy ako dahil sa nangyari kanina, dapat sya ang kausap ko at wala ng iba.
"Ayos lang, I will stay here until 7pm.. dala ko naman si Maroon." masaya nyang wika. Hindi ko kilala kung sino si maroon kaya naman nagtanong na ako.
"Sino si Maroon?"
"Ahh.. Iyon 'yong car ko, pangalan niya maroon dahil maroon ang kulay nya, si Zander at Angelo may car din sila kaya lang minsan lang kami mag drive alam muna.. tas alam mo yung kay Angelong car ang name greeny kasi green, tas yung kay Zander si Whitey kasi white, gawin ba namang mga aso ang pangalan, hahaha." tawa pa nya na halos mawala na ang mga mata. Diba isip bata na, napakadaldal pa. Mas mabuting ayain ko nalang sya dito maghapunan.
"Bebe ko, dito ka nalang mag dinner para mapakilala kita kila mommy, okey lang ba?" tanong ko.
"H-ha? h-hindi ba magagalit ang parents mo?" nag-aalala nyang tanong.
"Kaya nga ipapakilala kita para hindi sila magalit, gusto nila lagi kaming open sa kanila."
"Sige, e te-text ko nalang si mommy baka hintayin ako." nakangiti nyang wika. Tumango lang ako at nginitian din sya. Mahal ko na si Josh, kahit pa bungisngis sya, kahit pa pandak sya at kahit pa madaldal sya.
"Asan nga pala mga kakambal mo?" maya-maya ay tanong nya.
"Baka nasa garden sila or pwede ring nasa pool, nauna kasi silang magbihis kesa sa'kin kanina, bakit mo sila hinahanap?" curious kong tanong.
"Wala naman, usually kasi lagi kayong magkakasama diba?" sagot pa nya.
"May sumpong kami ngayon kaya magkakahiwalay kami, hahaha-" biro ko pero para sakin may laman yun.
"Nyee? Ganun? Hahahaha-." Ganting tawa nya. Ilang sandali pa ay dumating na si mommy na sinundo ni daddy. Tumayo kaming dalawa at nagmano sa kanilang dalawa.
"Mommy.. daddy.. si... Josh po, ahmm.. boyfriend ko po." nahihiya kong sabi. Tiningnan lang sya ng dalawa at hindi na umimik pa, para bang kinikilatis kong papasa sa panlasa nila.
"Sayo ba iho yung porche na nakaparada sa labas?" tanong ni daddy.
"Ahh.. o-opo, bawal po bang mag park doon? sandali po t-tatanggalin ko muna." natatarantang wika ni Josh at agad na tumayo upang puntahan ang car nya.
"Naku, daddy galit ka?" tanong ko na parang natatakot sa kanya.
"Hindi ako galit, tinatanong ko lang kung kanya ba yun? tawagin mo nga yun diko naman pinapaalis eh." natatawang wika ni daddy.
"P-Po? Hindi ka galit daddy?" Umiling ito at muling tumawa. Samantalang si mommy ay nakamasid lang at para bang nakikiramdam sa amin. Agad akong tumayo upang habulin si Josh na nakalabas na ng gate.
"Josssshh.." sigaw ko na ikinatigil nya sa pag lock ng gate. Bumalik ka rito, binibiro ka lang ni daddy." Taka naman syang napatitig sa akin at para bang naguguluhan sa mga nangyayari.
"Hindi yan pinapaalis ni daddy, tinatanong ka lang nya kung sayo ba?" dugtong ko pa. Nang maintindihan ang ibig kong sabihin ay nasapo nya ang noo at natawa sa sarili.
BINABASA MO ANG
Buenavista Triplet's
Roman pour AdolescentsFamily is more than blood and a name. It's the people who stood by you when you needed them. And the person who made you laugh when you felt you couldn't. Lumaking magkakasama at nasa iisang pamilya sina Chloe, Zoe at Nicole. Hindi sila magkakamukha...