Nicole POV
Humakbang ako paalis sa kinaroroonan nila. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Nilingon ko si Chloe na kanina ay nakasunod lang sa akin. Wala na sya, siguro ay bumalik na sya sa kinaroroonan ni Zoe. Hindi ko alam kung bakit ayaw kilalanin ni Zoe ang mga magulang nya. Siguro may dahilan sya, pero ako ang gusto ko malaman ko ang totoo. Totoong dahilan kung bakit ako iniwan ng tunay kong ina sa kanila.
"May babae!"
"Masasagasaan yung babae!"
"O my God!"
"Save her!"
"Kawawa naman!"
"Aaaaayyyyyy!"
Narinig kong sigawan ng mga tao sa paligid. Tiningnan ko ang sinasabi nilang babae. Naglalakad ito patawid na parang wala sa sarili. Halos mahulog ang eyeballs ko sa lupa ng makita ko kung sino ito? Ang babaeng ito ang nagtungo sa bahay at sinasabing sya ang totoo kong nanay.
Ito na nga ba yung sinasabi ko kanina, what if lisanin na nila ang mundong ibabaw. Mabilis akong tumakbo patungo sa kinaroroonan nya at mabilis syang hinila. Ito pala ang sinasabing adrenaline rush. Yung makakagawa ka ng isang bagay na hindi mo alam na kaya mong gawin. Pero kahit nahila ko sya nahagip pa rin ng humahagibis na sasakyan ang isang paa nya na syang naging dahilan upang magdugo ito.
"A-anak? N-nicole?" sambit niya habang maluha-luha.
"A-Ayos lang po ba kayo? N-nasaktan po ba kayo?" natataranta kong tanong.
Nakaramdam ako ng labis na kaba kanina. Oo iniwan niya ako pero sya pa rin ang nanay ko. Hinawakan ko ang balikat niya at pilit syang inaalalayan. Siguro hindi ako ganun kalakas para mabuhat syang mag-isa. Tiningnan ko ang paa niya at patuloy ang paglabas dito ng dugo. Wala akong alam para patigilin ang pagdurugo kaya humingi ako ng saklolo para maisakay sya sa taxi at madala ng hospital.
"A-anak sorry. H-hindi ko naman sinasadya na i-iwan ka sa kanila." wika nito habang umiiyak.
Mas inaalala niya ang nararamdaman ko kesa sa sugat na natamo niya sa aksidente.
Pinahid ko ang mga luhang naglandas sa kanyang mga mata. Hindi ko maintindihan but I can feel her sadness na babalot sa kanyang mga mata. Siguro ito ang sinasabi nilang lukso ng dugo.
"W-wag na po kayong umiyak, patungo na tayo sa ospital." saad ko. Alam kong hindi yung sakit na nararamdaman nya ang ikinaiiyak nya kundi ang makita ako, mahawakan, mayakap at makasama.
"N-nicole? S-salamat," usal nito habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam pero parang on cue na mabilis na nag-uunahan ang mga luha ko sa pagbaba ng aking mukha. Kahit anong pigil ko ay hindi ko pa rin magawa.
Iniisip ko na paano kung tuluyan na syang nasagasaan? Wala na akong panahon pang makilala ang taong nagbigay sa akin ng buhay. Agad akong lumapit sa kanya at mabilis syang niyakap. Hindi ko alam ang itatawag sa kanya kaya mas pinili kong hindi nalang magsalita. Ito, itong yakap ng isang ina ang aking inaasam noon kay Mommy. Ito, itong pakiramdam na ganito, yung feeling mo mahal na mahal ka niya.
"A-anak.."
"O-okay lang po yun.. Ayos lang po.." tanging sambit ko habang mahigpit pa ring nakayakap sa kanya. Para akong isang batang nawalan ng mga kalaro at nagsusumbong sa kanya. Ang bigat, ganito pala ang pakiramdam yung mayakap ang totoong nagbigay sayo ng buhay.
Pagdating sa hospital ay agad syang inasikaso. Nilinis ang natamo nyang mga sugat sa paa. At agad kinabitan ng kung anu-ano. Hindi ko alam ang gagawin kaya nagpalakad-lakad ako. Paano ba ang mag-alaga ng ganito? Ni hindi ko naranasang makapunta ng hospital dahil may nag-aalaga sa akin.
BINABASA MO ANG
Buenavista Triplet's
Teen FictionFamily is more than blood and a name. It's the people who stood by you when you needed them. And the person who made you laugh when you felt you couldn't. Lumaking magkakasama at nasa iisang pamilya sina Chloe, Zoe at Nicole. Hindi sila magkakamukha...