Kabanata 20: Chloe's Crush

365 16 0
                                    

Chloe POV

Ang makakitang muli ang panda ay isang himala.. Dati kasi nakakita rin kami ng panda sa lugar na yun siguro mag si six years na ang nakakaraan. Mga bata pa kami nun, nasa EC rin kami nun dahil ipinasyal kami nila mommy. Ako gustong gusto kong sumakay ng roller coaster, si Zoe gusto mag bump cars at si Nicole gusto sa ferris wheel, dahil mga bata pa kami hindi kami pinayagan nila mommy bagkus dinala kami sa Dr.fish upang magpakagat lang dito.

Nagmaktol kami, umiyak kaming tatlo, at naglupasay sa floor. Binilhan kami ng ice cream pero ayaw naming kainin sinadya naming matunaw lang sa mga kamay namin. Napatigil kami sa pag-iyak ng biglang may dumating na mag-amang panda. Paano ko nalaman na lalaki yung panda? kasi tinanong ko sila. Binitawan naming tatlo ang ice cream at tumakbo palapit sa panda. Niyakap naming tatlo ang maliit na panda at doon bumalik yung sigla naming tatlo. Naupo lang kami sa bench at nagpakuha ng litrato, masaya kami na makatabi lang namin ang panda. Kaya yun kaya kami malapit sa panda.

Nasa room na kami at nakahiga na sa room. Nakakapagud rin ang maghapong ito, buti nalang hindi na namin nakita ang mga ekstra bulate. At thankful na rin ako o kami na muli kaming nakakita ng panda. Tumayo ako at kinuha ko ang personal na album ko.

"Look oh' di ba kamukha pa rin noong panda yung batang panda noon?" pakita ko sa dalawa.

"Chloe.. that panda is not the same panda anymore, look oh.. maliit pa yung pandang mascot dyan at for sure pinalitan na yung panda na nagsusuot nyang costume." mahabang wika ni Zoe.

"Pero paano kung sya pa rin yung panda noon?" intrigang tanong ni Nicole.

"Ade masaya!!!" sagot ko.

"Hindi ah.. paano kung hindi na?" pilit ni Zoe.

"Ade wag mo nalang yakapin yung panda kung makita natin ulit, kasi sabi mo hindi sya yung noon, but naniniwala ako na sya pa rin yun" sabad ni Nicole.

"Heh! hindi na nga sya yun, look at his size di ba mas bigger na sya." giit pa rin ni Zoe.

"Ke sya pa rin yun o hindi ang mahalaga roon we loved panda." pagtatapos ko.

Nagkatinginan kaming tatlo at napangiti sa bawat isa. Nahiga akong muli sa tabi nila. Bukas is another day, may pasok na naman at siguradong makikita namin sila. Sana huwag nalang. Dahil pakiramdam ko unti-unti na akong nag momove on sa sakit na dulot sa akin ni Angelo.

"Wait.. ano kayang section noong peklat na yun? You know (SCAR)." tanong ko sa kanila.

"I don't care sa kanyang peklat sya, ang mahalaga wag syang mangugulo sa atin." wika ni Nicole.

"Yeah..much better kung sa last section sya or pwede ring ka section ni clown at pwede ring ka section natin para malaman nya kung sino talaga tayo." saad ni Zoe.

"Hep! walang makikipag-away, bad record yun at isa pa baka maulit lang yung pangyayari dati, ayan oh.. naospital kaya si Nicole." ani ko sa kanila. Tumingin lang sila sa akin at hindi na nagsalita pa. Mas mabuti na yung mag-ingat kami, baka mas malala na yung makuha ng isa sa amin.

"Ohh.. M.. Geee." tili ni Zoe na napabangon pa. Napabangon na rin kaming dalawa ni Nicole ng dahil sa pagkagulat sa pagtili nya.

"Bakit?" usisa ni Nicole.

"Anong meron?" tanong ko.

"May nakilala ako kanina and kamukhang-kamukha sya ni Tyron, na encounter ko sya sa videokeroom at talagang nakakagulat, as in kamukha niya. Ang buong akala ko talaga si Tyron yun, but I was wrong Clyron daw ang pangalan nya." kwento nya sa amin.

"Hindi nga sya si Tyron kasi si Tyron ang nag-ooperate ng ferris wheel na sinakyan natin kanina." singit ni Nicole.

"Paano mo naman nalaman aber?" tanong ko.

"Kasi nakausap ko sya, binigyan pa nga nya ako ng panyo eh, here." sabay pakita nya ng lumang panyo na may pangalan pa sa gilid.

"Baka twin nya yung nakita mo Zoe." kumbinsi ko.

"He must be Tyron's twin, talagang magkamukha sila, ang pagkakaiba lang yun palangiti, samantalang si Tyron, sobrang seryoso." kwento pa ni Zoe.

"Hindi rin.. ngumiti sya sa akin kanina." muling kontra ni Nicole.

"Teka nga lang.. ikaw Zoe kilig na kilig ka sa pagkukuwento mo, at ikaw naman Nicole kanina mo pa pinagtatanggol si top 1, ano ba talagang meron?" takang tanong ko.

"Crush ko sya!" duet nilang wika.

"WHAT??? hindi nyo pa kilala crush nyo na?" di ko mapigilang mapasigaw halatang bitter pa rin. Napatakip silang dalawa ng tainga. Ano ba yan sila, kakainis.

"Anong mali sa crush?" tanong ni Nicole sa akin.

"Oo nga, crush lang naman." segunda ni Zoe.

Hindi ako makaimik sa sinabi nila. Bakit ba ako nagagalit? e crush lang naman. Bitter ba ako o Better? Naiinggit ako.

"Chloe.. hindi naman porket crush na ay love na yun." alo ni Nicole sa akin.

"Right at isa pa, malabong magkrus ulit ang landas namin, ni hindi ko nga alam kung bakit hindi sya nag-aaral sa school natin e andun naman si Tyron." segunda ni Zoe, halatang nanghihinayang.

"Scholar ng school si Tyron, kaya may posibilidad na sa ibang school nag-aaral yung kapatid nya at isa pa bawal mag scholar ang school natin ng magkapatid." litanya ni Nicole.

"Paano mo alam? bakit hindi namin alam?" tanong ko rito.

"Nabasa ko sa guidelines, hindi kasi kayo nagbabasa ng mga ganyan diba?" wika nito.

"Makapagbasa nga niyan bukas ng malaman ko," sambit ni Zoe. Aba at ngayon pa naging interesado 'to.

"Hahaha.. Oo nga pala.  sorry naman po Ms.top 2." wika ko.

Si Tyron ang top1 at si Nicole ang top2 pareho silang seryoso mag-aral, kami ni Zoe? kasama lang kami sa top10. Hahaha. Pero kahit ganun mataas pa rin ang grado naming dalawa ni Zoe. Hindi kami nagpapabaya yun nga lang mababa ang IQ namin kesa kay Nicole. Nagkatawanan kaming tatlo sa tinuran ko. Muli kaming nahiga at pinilit ng matulog.

Sa isang araw aalis na sina mommy buti nalang sa gabi ang flight nila 9pm maihahatid pa namin silang dalawa ni daddy. Haaay.. Sana walang aberyang mangyari o gulo habang wala silang dalawa. Sila kasi ang tagapagtanggol namin bukod sa aming mga sarili. Ipinikit ko ang aking mga mata pero hindi ako dalawin ng antok. Nakita kong nakatulog na ang dalawa pero ako ito mulat pa. Hindi mawala sa isipan ko si Panda. Para akong engot na nagkaka crush sa isang mascot.

Paano kung pangit ang may suot nito?
E paano kung gwapo?
paano kung kakilala ko?
e paano kung hindi?
ahh.. Bahala na..
Bahala na si Darna..

Ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa maramdaman kong antok na antok na ako.

(Ninay_Note: Panda Mode On! Hahaha. Ayan na, si Tyron pala yung nagbigay ng hanky kay Nicole eh. Bet ko sila, pero mas bet ko pa rin si Zander. Nyahahaha.)

Buenavista Triplet'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon