Tiningnan ko ang repleksiyon ko sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. After kung makarating kanina ay nagpahinga agad ako. 6 nung magising ako ay agad akong nagbihis magkikita pa kami nung mga baliw na 'yon.
"Ate san ka pupunta?" Tanong sakin ni rhea pagkababa ko ng hagdan.
"Sa mall stay here, don't wait for me" gusto ko munang magshopping.
"Okay" umalis naman agad ako sa bahay , sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho na papuntang mall. Natagalan pa nga ako kasi traffic hay, what can I do? This is the Philippines. We can't do anything about it.
Habang pinapark ko ang kotse ko sa parking lot. I dial Chloe's number tatlong ring lang at sinagot niya agad, mabuti naman.
"What?" may halong pang pagkairita sa boses nito. Malamang e nagtwi-twitter na naman 'tong babaeng 'to.
"Punta kayong mall" sabi ko habang bumaba ng kotse sinirado ko 'to at nilock ito.
"Mall. Mm okey gusto ko ding mag shopping" sabi nito, dami pang kaartehan ng babaeng 'to
"Okey hihintayin ko kayo" sagot ko dito. Naglakad na ako papasok sa Mall. Mabuti 'di masyadong matao
"Okey bye" binaba ko naman agad ang tawag, ayokong ako ang binababaan kaya inunahan ko na siya.
Pagpasok ko sa mall, dumiretso na agad ako sa isang boutique tinext ko nalang sila kung asan na ako para dumiretso na lang sila dito, tinext ko na din na dalian nila kasi ayokong pinaghihintay ako. Nabwi-bwisit ako lalo na pag matagal akong pinaghihintay. Matapos ang ilang minutong pagtingin tingin ko sa mga damit ay may nagsalita sa likod ko.
"Wow I like their dress" Napalingon ako sa likod ko. Si Chloe tsaka si Jessica, mabuti naman at andito na 'tong dalawang bruhildang 'to.
"Yeah, ang ganda diba?" sabi ko habang nakikipag beso beso sa kanila. Nasanay na kasi kami kayo ganun ang ginagawa namin tuwing nagkikita kami. No'ng una nga naiilang ako pero kalaunan nasanay din. Minsan talaga masasanay ka sa isang bagay na hindi mo naisip o sumagi lamang sa isip mo na makakasanayan mo pala.
"Yep" nangingiting sabi nito sa akin. Nagtingin-tingin pa silang dalawa sa mga damit. Mukhang balak bumili.
"Punta tayong bar?" Nakangiting suggest ni sica. Ngumisi naman ako.
"Mmmm I like that" tugon ko dito kaya kumuha na agad kami ng kaniya-kaniyang damit. Kahit na wala akong balak bumili.
Kinuha ko iyong kulay red na sexy Club Wear Hook out Plunging V-neck Sheath Wrap Halter Sleeveless Dress.
Binayaran na namin yung mga dress na pinamili namin at dumiretsong bar. 'Di pala nag dala ng sasakyan ang dalawa tamad talaga, nagpahatid lang pala sila. Kaya ngayon ginawa akong driver kainis lang. Ang lakas maka-aya na mag bar wala namang dalang sasakyan.
Pagpasok namin sa bar, sumalubong sa amin ang malakas na tugtog, usok ng sigarilyo at mga nagme-make-out. Hindi na lang namin ito pinansin at dumiretso sa counter.
"Tatlong vodka" order ni Chloe nagmamasid masid lang kami habang wala pa ang order namin. Madaming nagfli-flirt at nagme-make out pero wala akong pake sa kanila. Gusto ko lang namang uminom.
Pagdating ng order namin ni isang lagok ni Chloe ang Vodka at tumayo sa kinauupuan niya bago humalik sa pisngi naming dalawa ni Jessica
"Bye muna sasayaw lng ako" tumango lang kami kay Chloe kahit talaga 'tong babaeng 'to hindi mapirmi sa bar gusto may ka-make out palagi.
"So?" Napalingon naman ako kay Jessica dahil nagsalita ito. Tinaasan ko siya ng kilay bago sinagot
"Bakit?" ininom ko naman 'yong vodka ko.
"You're ready?" tanong nito habang ang tingin ay nasa dance floor
"Yes I am" proud kong sabi tumingin ito sa akin at ngumiti
"Mmm I am so proud of you Ellaine. Ang laki ng pinagbago mo, pero sana wag mong punuin ng galit ang puso mo wag kang mag pa bulag sa galit, sinabi ko lang na maghiganti ka, iparamdam yung sakit na pinaramdam nila sayo, pero wag kang papakabulag" seryosong sabi niya sa akin tumango ako at ngumiti.
"I know Jessica I promise hindi ako sosobra" tinaasan ko pa ang kamay ko na parang nangangako.
"I hope so Ellaine. I hope so" sabay inom ng vodka niya namayani ang katahimikan hanggang mapagdesisyonan kong tumayo pero saktong pagtayo ko ang paglakad ng babae sa harap ko kaya nagkabungguan kaming dalawa. Inis na inis ako bwisit ang tanga namin nito!
"Ouch!! 'Di ika ba marunong tumingin sa dinadaan mo miss?!!" sigaw ng babaeng nabangga ko, huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko baka masapak ko ang hinayupak na 'to.
Napatingin ako sa damit niya dahil tumapon doon ang Vodka ko na nasa kamay ko. Aist! Nasayang pa ang pera ko. Inis ko siyang tiningnan. Bahagya pa akong nagulat ng makita ko ang mukha nito. What a small world. Magkikita at magkikita pa din pala kami. Iba ka talaga maglaro tadhana.
"E-ellaine?" gulat na gulat na sambit nito sa pangalan ko. Tinaasan ko siya ng kilay
"Ako ba ang hindi tumitingin o ikaw ang nagtatanga-tangahan?" sabi ko dito at 'di pinansin ang pagkagulat nito sa pagkakita sa akin.
"Anong sabi mo?!" medyo nashock pa siya.
"Hindi ka pa rin nagbabago Freah, slow ka pa din, god! It's been 3 years bobo ka pa din?" Mukhang nainis naman sya sa sinabi ko, maiinis ka talaga Freah simula pa lang yan. Am I too harsh? No, I don't think so, my other side said.
"Aba! Nawala ka lang Ellaine nagtatapang tapangan ka na" sabi niya sakin na ngayon ay nakataas na ang kilay, mukhang nakarecover na siya
"Nope, Let me correct you, hindi ako nawala, umalis ako" I cross my arms at tiningnan siya na parang siya na ang pinakaboring na nakausap ko.
"I don't care 'di ka na sana bumalik pa. You have no space here" mas lalong tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Kung sino pa ang mangaaga siya pa ang may lakas ng loob na mangaway
"Space? Oo nga pala nakalimutan ko, nang aakin ka pala ng mga bagay na hindi sayo o ....." I paused tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago binalik ang tingin sa mga mata nito "Should I say nangunguha?" halata ang irita dahil sa pagkahiya niya sa mukha.
"Tss. You better shut up nerd, kahit nawala ung eye glasses mo, still panget ka pa din" napailing iling naman ako. Pag ang taong nasa mataas na posisyon noon hindi nito matatanggap na nalamangan na siya ngayon.
"Pangit? Are you describing yourself bitch?" tumaas pa ang sulok ng labi ko na mas lalong nagpainis sa kaniya.
"ANONG SABI MO BITCH?!" sigaw nito kaya napatingin sa amin ang ibang taong malapit sa amin.
"Oo bakit hindi ba?"
"Ang kapal ng mukha mo" sasampalin na niya sana ako nang maunahan ko sya. Isang malutong na sampal ang pinakawalan ko.
"Tss, papunta ka palang pabalik na ako" halata naman sa mukha niyang nagulat sya sa ginawa ko. So she's not expecting me that I can hurt her huh? Ngumisi ako
"Eto ang tandaan mo Freah. I am not the same Ellaine you used to know, I'm not the same Ellaine that you left behind when you become popular. I'm not the same ellaine na naging kaibigan mo, dahil itong Ellaine na nasa harap mo ngayon ay hinding hindi niyo na maapi, dahil iyong bagong ako? 'Yon 'yong magiging dahilan ng pag bagsak niyo" sabi ko sa kanya sabay talikod. Hindi na ako ang dating Ellaine.
Pasensyahan tayo , maghintay kalang sa gagawin ko Freah , dahil sisiguraduhin kong babagsak ka..
EDITED
CONSTRUCTED
10.17.17
BINABASA MO ANG
The Campus Nerd's Revenge (COMPLETED EDITING/CONSTRUCTING)
Teen FictionPaano kung ang babaeng inaapi kinakawawa ay magbago? Paano kung sa pagbabago nya ng katauhan madaming tao ang masasaktan nya? Paano kung sa pagbabago nya matuklasan nya ang mga sekretong matagal nang nakatago? Is she wiling to accept the whole...