Maaga akong nagising, siguro ay nakasanayan ko na ito sa ibang bansa. Maaga kasi talaga akong gumigising doon. I live alone so I need to make my own breakfast and work for my self.
Hindi naman porke't naghihiganti ako ay pababayaan ko na ang pag-aaralan ko. Education is the best revenge ika nga. Though Mental and emotional revenge is not enough, kailangang pisikal din. Kailangan ko ding pag butihan ang pag-aaralan ko dahil graduating student ako. Ayoko namang magpabalik-balik ng college.
Sinuklay ko ang buhok kong may brown high light. Pantay lang ang buhok ko, I'm not into cut styling but I'll try it soon. Pina high light ko ang buhok kasi iyon ang uso sa ibang bansa, nakikisabay lang naman ako sa uso. Kinuha ko ang blower na nasa drawer ng pinapatungan ng salamin. Dito kasi ako nagme-make up. Pagkatapos komg i-blower ang buhok ko ay nag lagay ako ng powder at light make up. Ng makuntento na ako sa mukha ko tumayo na ako at kinuha ang bag ko, kinuha ko din sa drawer ang susi ng kwarto ng kapatid ko, pumunta agad ako sa kwarto niya at pagpasok, napailing iling na lang ako.
Hindi pa din siya nagbabago makalat pa din siya at malikot matulog. May unan na nahulog sa gilid ng kama at ang gusot ng kama, parang may nag habulan na pusa.
"Rhea wake up" niyugyog ko ang balikat niya, pero hindi man lang nagising ang bruha.
"Mmmmm" iyon lang ang tinugon niya, ito ang hirap kay Rhea. Hindi nga tulog mantika, tamad namang bangon kahit gising na ay hindi pa din babangon.
"Bangon na" mas nilakasan ko pa ang pagyugyog sa kaniya, pero hindi pa din siya bumabangon.
"Maya na" paos ang boses na sabi niya, napailing ulit ako.
"Babango ka o kukuha akong nagyeyelong tubig?" Napabalikwas naman agad sya ng bangon, sabog ang buhok niya at nakapikit ang mata pero halatang naiinis siya. My sister is cute haha.
"ATE NAMAN EH" inis na sabi niya, tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Tss. Bumangon ka na diyan baka malate ka pa" pinulot ko ang unan na nahulog at nilagay sa may head board ng kama.
"Anong oras na ba?" ina-antok na tanong niya. Tiningnan ko ang relo ko
"7:08" walang gana kong sabi habang inaayos ang kumot niya.
"WHAT??? BA'T NGAYON MO LANG AKO GINISING?!!!" napangiwi ako sa sigaw niya, ako pa ang sinisi. Nagmamadali siyang bumaba sa kama niya.
"That's why I'm waking you up duh?" nag mamadali siya hinanap ang tsinelas niya na hindi ko alam kung saan napunta.
"Aisst may report pa kong gagawin" patakbo siyang pumasok sa Cr, isasara niya na sana ng harapin niya ako.
"Ate paki patay ng aircon thanks" sabay sirado ng pinto nang cr. Ginawa pa akong utusan.
Sa pangatlong pagkakataon ay umiling ako, no choice kaya pinatay ko na lang ang aircon niya at lumabas sa kwarto niya. Bumaba ako at dumiretso sa Dining Area.
"Morning yaya" bati ko dito at hinalikan siya sa pisngi.
"Good morning Ellaine. Kain ka na 'nak" ngumiti siya kaya ngumiti din ako pabalik.
"Opo" umupo ako sa upuan na hinila niya para maupuan ko, inayos niya din ang plato ko at nilagyan iyon ng kanin, bacon at ham. Masarap talagang magluto si yaya.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay Yaya at umalis na, may driver naman siya na ang maghahatid kay Rhea. Isa pa may kailangan pa akong gawin kaya kailangan kong pumunta ng maaga. Pumula ang traffic light kaya tinigil ko ang kotse ko, kinuha ko naman ang phone ko at tinawagan si Jessica.
BINABASA MO ANG
The Campus Nerd's Revenge (COMPLETED EDITING/CONSTRUCTING)
Teen FictionPaano kung ang babaeng inaapi kinakawawa ay magbago? Paano kung sa pagbabago nya ng katauhan madaming tao ang masasaktan nya? Paano kung sa pagbabago nya matuklasan nya ang mga sekretong matagal nang nakatago? Is she wiling to accept the whole...