Kapag sinabing rakista ano unang pumapasok sa isip niyo ?
Adik .
Durugista (adik sa drugs).
Lasinggero/lasinggera.
Nababalot ng tattoo ang katawan.
Head bangers.
Makapal ang make-up lalo na eyeliner.
Trash talkers.
Wala nang ginawa sa buhay kung hindi tumugtog at kumanta.
Hindi naman lahat. Wag kayong ganyan. Kasi isa ako sa kanila.
Eh paano naman kapag sinabing LOVE ?
Ano ang naiisip mo ?
Ako si Stephanie Mae S. Ono. Ang girly ng name ko no? Kasalanan yun ng mama at papa ko. My friends call me Steph or Toph. Pero mas prefer ko yung Toph. Idol ko kasi yun ee. Yung character sa “Avatar: The legend of Aang”. Half Japanese and Half Filipino ako. Currently 17 years old. At nagaaral ako sa “International School of Music and Arts” major in Music ako.
Feel nyo naman mayaman ako? Well, ngayon lang yan actually.
Lumaki kasi akong mahirap. Lumaki ako kasama ang lola ko. At ngayon, sad to say , iniwan na din ako ng lola ko. Bata pa lang kasi ako namatay na pareho ang mama at papa ko sa isang car accident. At naiwan ako mag-isa. Sabi ni lola nakuha ko daw ang mga talent ko sa mga parents ko.
Kasama daw si papa sa isang sikat na banda sa Japan. Gitarista daw siya sabi ni lola. At iniwan lang ni papa ang banda niya nang nabuntis na si mama. Si mama naman ay isang sikat na Filipino Comic artist sa Japan. Nagtrabo daw siya sa “Shounen Jump” at “Tokyo Pop”.
Oo , magaling ako mag gitara at talent ko din ang drawing.
O sige ako na. Me already :D
Nakapasok lang ako dito sa ISOMA dahil sa kaibigan ng lola ko. Babayaran ko lahat ng fees ko kapag nakuha ko na ang pamana ni mama at papa kapag 18 na ako.
Haist. Enough about my life. Boring buhay ko ee.
First day ko ngayon sa ISOMA. Laki pala talaga nito. Wala pa talaga kong kakilala dito. As in wala. First time ko nga pumunta dito ee. Hindi naman ako nagenroll basta pinasok lang ako.
“Uy, ayun ba yung LEGACY?”
Narinig ko na bumubulong yung mga students.
Mga echosera kayo. Bilis naman ng chismis dito sa lugar na to. Akala ko pa naman desente at edukado mga tao dito. Hindi pala. Hmmphh ..
“Ms. Ono” bigla akong tinawag ng isang professor.
“Yes ma’am?”
“So you really are Ms. Ono. The principal wants to talk with you dear. Can you please follow me?”
“Oo naman ma’am”
Tapos naglakad na kami. Lahat sila nakatingin sa akin.
Yung totoo, ganun ba ko kaganda para pagtinginan niyo?
Hahahah. Joke. Kapal ng mukha eh noh? Baka naman naattract lang sila sa case ng gitara ko. Dami kasing drawing. Napagtripan kong drawingan ee. Para unique.
Then , nandun na kami sa isang bonggang bongga na room.
“Ms. Ono. This is the principal office. Do you want me to knock for you?” tanong niya bigla.
“Huh?! Principal’s office lang to? Eh tatlong classroom na to sa dating school ko nung high school ee!” napasigaw ako.
“Can you please minimize your voice Ms.Ono?”
BINABASA MO ANG
When HIM and HER collides
Teen FictionWhen Ms. Rakista meets Mr. Vanity ng International School of Music and Arts ano kayang mangayayari ? What if super opposite ng ugali nila ? What if accidentally silang ma FALL IN LOVE sa isa't isa ?