(THEA'S POV)
Naranasan mo na ba yung magmahal ng sobra, to the point na masakit na masyado? Yung kahit anong gawin mong paglaban, talo at talo ka pa rin sa huli? Masakit di ba? Pero ganon naman talaga pag nagmamahal ng totoo, handa kang masaktan para lang sa taong mahal mo. Ako, naranasan ko na yan. Mahal na mahal ko si Matthew. Alam ko na mahal din niya ako. Pero siguro nag-assume lang ako na mahal niya ako.
"Bakit, Matthew?" Kanina pa siya hindi umiimik. Nakatingin lang siya sa dagat, expresionless ang mukha. Huminga siya ng malalim.
"Maghiwalay na tayo." Napalingon ako sa kanya.
"Ano?" Nabingi ata ako dun ah.
"Maghiwala na tayo." Sabi niya.
"Pero bakit?" Ayos naman kami kanina nung sinundo niya ako sa bahay namin.
"Ayoko na. Hindi na kita mahal. Sinubukan kong ibalik pa yung nararamdaman ko, pero hindi ko na magawa. Sorry, Thea." Hindi ko napansin na tumulo na yung luha ko. yumuko ako para itago yun. Tapos tinanong ko siya,
"May iba na ba?" Yumuko lang din siya. Tinapik ko siya sa balikat.
"Ano ba? Ok lang. At least, inamin mo na hindi mo na ako mahal, kaysa lokohin ako." Tumayo na ako.
"Thea, ihahatid na kita." Tumayo siya pero pinigilan ko siya.
"Hindi na. Maglalakad na lang ako." hindi ko na siya inantay na sumagot. Tumalikod na ako at nilakad yung ruta pabalik.
Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Pero mas mabuti na din 'to. Kaysa ipagpatuloy namin yung relasyon namin kahit hindi na niya ako mahal. Masakit, oo, pero dapat ata tanggapin ko na lang. Gusto kong magalit kay Matthew, pero hindi ko magawa completely. May isang parte na galit ako sa kanya, pero mas malaki yung parte na nasasaktan at nalulungkot ako.
Isang buwan na simula nung nakipaghiwalay siya sa akin. Hindi pa rin ako lubos na nakakapagmove on. Para ngang hindi naman ako nakakamove on. Parang habang lumilipas ang mga araw, lalo lang lumalalim yung sugat kaysa maghilom.
Tic! Tic!
Huh? Nu kaya yun? Naulit yung tunog, galing sa bintana ko. Hinawi ko yung kurtina at binuksan yung binata ko. Nasa baba si Matthew.
"Matthew? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko, sumikip yung dibdib ko.
"Halika lakad-lakad tayo." Tinignan ko siya.
"Ano na? Tara na." Nginitian niya ako.
"Break na tayo, di ba? Bakit mo ako sinusundo?" Tanong ko.
"Best friend pa rin naman kita kahit naghiwalay na tayo." Nag-pout siya. "Dali na, please." Nag-sigh ako.
"Sige, teka lang." Kumuha ako ng jacket at lumabas ng bahay. Nakaabang na siya sa may pintuan namin. Naglakad kami palabas ng bakuran namin. Medyo malamig kahit malayo pa ang December. Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa makaabot kami sa children's park.
"Bakit mo ba ako inayang lumabas?" Tanong ko at umupo ako sa swing. Umupo din siya sa katabing swing.
"Na-miss kita." Sabi niya. Napalingon ako, tapos nag-buntong hininga.
"Matthew naman." Sabi ko lang.
"Haha...oo na, wala na tayo. Pero na-miss kita kasi best friend kita." Sabi lang niya.
"Hindi pa ako nakakapagmove on." Nasabi ko pagkaraan ng medyo mahabang katahimikan.
"Sorry..." Hinawakan niya yung kamay ko, mahigpit.
BINABASA MO ANG
Only Him (One Shot)
Fiksi RemajaLove conquers all...and when you fall in love with someone, be ready to do everything just to prove it.