Girlfriend
"I already called nine-one-one and the village security," ani ng isa pang boses.
Napagtanto kong may kasama pala ang tumulong sa'kin. Sandali akong napatitig sa isang matangkad na tao. Siguro ay mas matangkad lang siya ng kaunti sa lalaking katabi ko. May hawak itong duct tape. I noticed, he taped the three knocked down men as if they were handcuffed. I would actually find this hilarious.
This guy looked familiar, too. Had we met before?
My curiosity was shortly cut off. Napaigtad ako nang maramdaman ang isang kamay sa maliit na parte ng aking likod dahilan kung bakit napatingin ako sa lalaking nagligtas sa akin. I was pretty sure the both of them did. Sumulyap siya sa akin habang nanatili ang seryoso nitong ekspresyon.
To be honest, his hand resting on the small of my back made me pretty uncomfortable now.
"Let's go," aniya. The light pressure of his hand urged me to move from where I stood.
I saw a sleek, black Chevy truck from my peripheral vision. Mukhang doon ata kami papunta. Should I panic? A part of my brain insisted that it would be alright. However, I shouldn't be riding somebody else's car. Let alone, if that somebody else's was a total stranger.
Out of the blue, I heard the taller guy laughed. What's so funny?
Bago pa namin siya malagpasan, nagsalita muli ito. "Teka lang! I haven't introduced myself yet," palipat-lipat ang tingin niya sa amin. "Hi, I'm Ethan. Ethan Salazar."
"Ethan..." sumulyap ako sa katabi kong matamang nakatingin sa kanyang kaibigan.
Hindi ko sila maintindihan. Mukhang tuwang-tuwa naman iyong lalaking nagngangalang Ethan habang nanatiling seryoso ang isa.
Well, mukha naman siyang masungit.
Bahagya akong lumayo sa kanya. Agad niyang napansin iyon dahil lumingon muli siya sa akin at binaba ang kamay na kanina'y nasa aking likuran.
Tumikhim ako. A grateful smile formed my lips. "Um, maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin."
"Oh, don't thank me," nagtaas ng dalawang kamay si Ethan. Nakangisi ito habang tinuturo ang kanyang kaibigan. "This guy right here did all the beating up."
I tried so hard to look him in the eye. "Salamat ulit."
"You can call him Seb," dagdag pa nito.
"Oh..." Seb, huh?
Pumatong ang kamay ni Ethan sa balikat ng kanyang kaibigan. "Sebastian Carvajal."
Tinapunan ni Sebastian ang kanyang kaibigan ng masamang tingin. If looks could kill, baka nakahandusay na din ang isang ito sa sahig. Kahit na mukhang iritado ang mga mata niyang malalalim ay hindi mapagkakaila ang kanyang kakisigan. I was not even going to deny it.
"I'm Isabelle," I didn't think it was necessary to state my full name. I still didn't know them kahit mukha pa silang harmless.
"We know," sabi ni Ethan na siyang pinagkunot ng noo ko. How on earth did they know? Parang nabasa niya agad ang tanong ko sa aking sarili. Ngumisi ulit ito at sumulyap sa kanyang kaibigang nag-igting panga. Ang laki ata ng problema ng isang 'to! "We go to the same school."
Wait. What?
"Really?" manghang tanong ko. Kaya ba pamilyar si Ethan?
Nagtama muli paningin namin ni Sebastian, at hindi ko maintindihan kung bakit parang nahihiya ako sa kanya gayong hindi naman dapat.