Chapter 5

626 33 15
                                    

Escape

PAGKAALIS ni Mike ay madali akong bumitiw sa kanyang bisig. Bumuga ako ng hininga na kanina ko pa pala pinipigilan. Nakasalubong ang aking mga kilay habang pinagmasdan siya. Matalim ang tingin niya pabalik sa akin na parang siya pa ang iritado sa nangyari.

Hindi ko maintindihan ang isang ito. Nagsinungaling siya doon sa tao at ngayon ay lumilitaw na naman siya na parang kabute. Kung naiirita siya, mas naiirita ako sa kanya.

"What are you doing here?" tanong ni Sebastian.

Bakit ba ganyan siya kung makatanong? Akala mo naman, tatay ko!

"Why do you think I'm here?" sarkastiko kong wika. He was staring at me intently. Kahit sa dilim ay kitang-kita pa din ang lalim ng mga mata niya.

Something's telling me that I shouldn't be rude to him after all had happened. I was even supposed to thank him properly the last time I saw him, pero hindi nangyari iyon dahil ayoko'ng makaistorbo.

"Seb! Dance with us!" rinig ko ang matinis na boses ng babae na tumawag sa kanya mula sa kanyang likuran. It was coming from the dance floor but he did not averted his gaze. His eyes were still on me.

Sumulyap ako doon. I saw a few girls waiting for him to join them. Kasama ang girlfriend niya na cheerleader. Mataray ang kanyang ekspresyon nang makita ako. She was really fond of wearing skimpy outfits, huh?

I certainly didn't want to interrupt them right now either.

"Maiwan na kita."

Tumalikod na ako at naglakad papalayo para hanapin ulit si Callie. She hadn't replied to me yet. Nasaan na kaya siya? She didn't answer any of my calls, too.

Tinungo ko ang masikip na daan pabalik ng bar. Nakita ko na lang ang isang payat na lalaki na nagmamadaling sumingit sa aking dinadaan kaya inasahan ko na ang marahas na pagbunggo niya sa akin bago pa man ako makaiwas.

May dumapong kung ano sa aking mga braso na dahilan kung bakit ako napatagilid sa aking kinatatayuan. Naiwasan ang pagtama ko doon sa pasalubong na lalaki. I was suddenly shielded by somebody behind me.

Nang lingunin ko kung sino iyon ay napakurap-kurap ako. Agad na nag-sorry ang lalaking nakabunggo kay Sebastian pagkatapos kaming lagpasan.

Bumilis ang daloy ng dugo sa aking mukha. I was startled over our distance with his big, calloused hands gripping on both of my arms.

"Saan ka papunta?" marahan niya akong binitiwan habang tuluyan ko siyang hinarap.

"Bakit mo ako sinundan?" I sounded so dismayed, I didn't know why. All I knew was that I wanted him to be away from me. "Hinahanap ko kaibigan ko."

"Samahan na kita." Mukha ba akong nangangailangan ng tulong?

"Hindi na," mariin kong sabi. "Ayos lang ako. Bumalik ka na d'on sa mga kaibigan mo."

Umiling siya. "I'll help you find your friend. Mabuti nang makita nilang kasama mo ako kaysa isipin nila na mag-isa ka lang."

"Ano naman ngayon?" saad ko. "Look, tinatanaw ko na malaking utang na loob 'yong pagligtas mo sa akin. But I don't need your help. Kaya kong hanapin ang kaibigan ko nang mag-isa. Isa pa, baka hinahanap ka na ng girlfriend mo."

Sandali siyang napamaang sa mga sinabi ko. Ilang saglit pa ay lumabas ang kanyang dimple dahil sa pagngisi. I was feeling more annoyed at myself because I couldn't deny that it was one heck of a sight.

No wondered why a lot of girls wanted to have his attention. Kahit na isang simpleng pantalon at three-fourths raglan sleeves shirt ang suot nito ay mukhang overqualified pa siya maging GQ model.

Break MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon