Chapter 7

414 23 16
                                    

Sick

SINAMPAL ko siya.

I'd never slapped anyone before. Kahit niloko pa ako ni Diego noon, hindi ko iyon nagawa sa kanya. Pakiramdam ko ay mali pero hindi ko iyon pinakita. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon na hindi ko maipaliwanag.

"Don't ever come near me!" galit kong utas.

Venting out my anger was the best escape from all of these emotions that gone haywire. Nakayuko lamang siya nang tinakbo ko ang aking kotse. Madali akong umalis sa lugar na iyon kahit naghuhumarento ang sistema ko at hindi makapag-isip nang maayos.

Nang makalayo na ay gumilid ako sa kalsada at inayos muna ang sarili. Kinuha ko ang isa pang tuyong towel sa loob ng aking bag. Pinunasan ko ang mga patak ng ulan sa aking katawan papunta sa basa kong buhok.

Sumandal ako at pinikit ang mga mata para kumalma. Bakit ganoon? Bakit niya nasabi sa akin iyon? Bakit niya ginawa iyon?

My fingertips grazed on my lips. Lalo lamang akong nairita dahil sa mga posibleng dahilan.

Ganoon ba siya kawalanghiya para nakawan ako ng halik? Iyon ba ang dahilan kung bakit lagi siyang lumalapit? Ganyan ba kababa ang tingin niya sa akin? He must had thought that I was one of his bimbos! How dare he!

Pagkadating ko sa bahay ay sinalubong ako ni Nanay Bing na may bahid nang pag-aalala.

"Bakit nagpabasa kang bata ka?" kinuha niya agad sa akin ang mga gamit kong nabasa rin ng ulan.

"Naabutan lang po kanina, wala po kasi akong payong na dala."

"Helen, paki akyat na 'to sa kwarto ni Isay. Lagyan mo na rin ng mainit na tubig 'yung bathtub niya," bumaling siya muli sa akin. "Tara na sa taas para makapagpalit ka na at baka sipunin ka pa."

Pagkapasok sa kwarto ay nadatnan ko sina Helen at Anna na inihahanda ang pamalit ko. "Ako na po, Nay Bing. Kaya ko na po."

"O, sige. Maligo ka na, paghahanda ka muna namin ng merienda."

Mahina akong tumango. "Thank you po."

Bumabad lamang ako sa hot tub habang nakatulala. Kung paano mawawala sa isipan ko ang ginawa ng lalaking iyon ay hindi ko alam.

Lalo niya akong binigyan ng dahilan para layuan siya. I mean, we just met and he kissed me. Sinong matinong tao ang gagawa noon?

Hanggang kinabukasan ay nanatili sa utak ko ang mga nangyari. I was on autopilot walking my way to my first class when I suddenly stopped in my tracks as I opened the door. I almost forgot that he was my classmate, too!

Diretso akong pumasok sa loob at nakahinga nang maluwag nang hindi ko nakita ang inaasahan.

Sana ay hindi na lang siya pumasok o kaya'y lumipat na lang ulit siya ng ibang klase para hindi na kami magkatagpo ng landas.

Lumipas ang ilang minuto, dumating na ang professor, he was still missing in action. Maybe he had thought of showing up before me was not a good idea anymore.

Dapat lang! Mabuti naman at marunong siyang mahiya.

As we waited for the next professor to arrive for the next class, I looked at the empty seat beside me again then back at the door. I could hear most girls in my class wondering about his whereabouts, some even shamelessly admitted their disappointment over his absence and they had already missed him.

In the end, he didn't show up. Hindi ko rin siya nakita buong araw. I should be relieved but it was a bit troublesome dahil hindi namin mapapag-usapan ang by pair homework na binigay ni Mr. Granada that was due in two days.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Break MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon