Hindi naging ordinaryo ang aking buhay pagkatapos kong pumunta sa isang isla kasama ang aking mga kaibigan noong huling bakasyon ng tag-araw. Ako mismo ay nahihirapang maniwala na lahat ng iyon ay totoo. Ang aking kuwento ay tila isang pelikula. Isa itong karanasan na halong panaginip at bangungot. Isa lamang akong normal na babae hanggang sa napadpad ako sa lugar na hindi nakatadhana para sa akin. Dahil doon, nagbago ang lahat. Nawala lahat ng nasa akin, pati ang aking sarili. Ang kabutihan ay napalitan ng kasamaan. Ang saya ay napalitan ng takot at galit, ngunit may isang bagay na nagpaalala sa akin sa lahat ng aking nalimutan at sa pagkatao na aking iniwan. Hindi naging madali ang mga kasunod nitong pangyayari, ngunit walang makakatumbas at makakalamang sa sakripisyong naidulot ng kapangyarihan ng puwersang ito.
BINABASA MO ANG
Minsan Sa Isang Isla
VampirgeschichtenAng buhay ni Margaux Oliveira, isang ordinaryong babae, ay nagbago pagkatapos niyang pumunta sa isang isla kasama ang kanyang mga kaibigan noong huling bakasyon ng tag-araw. Pagkatapos ng karanasan niya doon ay napalitan ng kasamaan ang kanyang kabu...