CHAPTER 3

2 0 0
                                    

(Ravenford Montenegro's POV)

HINDI KO MAIPALIWANAG ANG AKING nararamdaman para kay Margaux. Alam kong hindi ako nararapat umibig sa isang mortal, sapagkat ito ay isang kalapastangan sa kautusan ng aming diyos. Ngayon ay pinagmamasdan ko siya dito sa ospital. Isa siyang napakagandang dilag, inosente, mabait, at malinis ang puso. Ang kanyang pagkatao ay ang kasalungat ng sa akin. Hindi ako mabuting nilalang, ngunit ako'y nakokonsensya sapagkat ako ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon. Isinumpa ako ng aming diyos na kung sinumang mortal ang magugustuhan ko ay manghihina, magkakasakit, o mamamatay. Ang tanging paraan upang kami'y makakapag-usap ay kakailanganin kong sumanib sa katawan ng isang tao. "Tumaas ang kanyang lagnat, Mrs. Oliveira. From 38.7 to 40.1 degrees celsius." Nakikinig ako sa doktor na nakikipag-usap sa kanyang ina. Syempre hindi nila ako nakikita dahil may kapangyarihan akong maging isang itim na ulap o di kaya'y maging invisible. "Mas makakabuti siguro kung maipapasailalim natin sa laboratory tests ang kanyang dugo at ihi upang malaman natin ang kanyang platelet count, kung ito ba ay normal dahil kung ito ay mababa, ibig sabihin nito ay may dengue siya; at upang malaman rin natin kung mayroon ba siyang impeksyon sa kanyang ihi. Ang mga test na ito ay tinatawag na CBC at urinalysis." Natutulog pa rin si Margaux. "Sang-ayon po ako sa inyo, Dr. Vasquez. Para rin po makasiguro tayo." Namamaga na ang kanyang mga mata sa kakaiyak. Mga ilang buwan ko nang nasubaybayan si Margaux at ang kanyang pamilya. Alam ko kung gaano sila kalapit sa isa't isa, kaya naiintindihan ko kung bakit ganito siya kaapektado sa nangyayari sa kanyang anak.

Tanghali na nang nagising si Margaux. Isang araw na siyang naka-admit sa ospital. Namumutla siya at makikita sa kanyang mata na siya'y nanghihina. Kinukunan siya ng dugo ng doktor. "Makukuha n'yo po ang mga resulta ng tests ngayong gabi." Kailangan kong sumanib sa katawan ni Dr. Vasquez mamayang gabi upang makapag-usap kami ni Margaux. Iyon lang ang tanging paraan. "Salamat po, Doc." May biglang pumasok sa pinto nang makalabas na ang doktor. "Tita Zaylee!" Nandito si Saskia kasama ang bunsong kapatid ni Margaux na si Iris. May dala-dala silang mga plastik. "Saskia, mabuti naman napadalaw ka." Nagmano si Saskia sa kanya at agad na yumakap kay Margaux. "Naku naman, Margaux. Ano bang nangyari sa 'yo, ha?" Hindi sumagot si Margaux, ngunit ngumingiti siya. "Heto o, dinala ko ang paborito mong music playlist." Kinuha niya ang isang USB sa dala niyang bag at ang isang maliit na portable mp3 player. "Baka makakatulong 'to sa pagpapagaling mo." Nang maisuksok na niya ang USB sa player ay agad na tumugtog ang paborito nilang kanta. Palagi kong naririnig ang kantang ito dahil bawat linggo nila itong ine-ensayo at kinakanta. Mas lumaki ang ngiti ni Margaux nang marinig niyang kumanta si Saskia.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Minsan Sa Isang IslaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon