Hahh? Paano naging amin to? Iisa lng naman ang bahay namin diba? Andaming tanong ang pumapasok sa utak ko. Pero ang mas nangingibabaw na tanong ay kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo niya sakin ngaun?
"Luke, anong atin?" Naguguluhan kong tanong sa kanya
"I bought it last month. Iniisip ko kasing baka pwede ulit nating ulitin yung dati para kay baby" totoo ba to? O nananaginip lng ako?
Kung nananaginip lng ako, wag niyo na akong gisingin. Ang oa ko na-_-"Mahal mo na ba ako?"tanong ko sabay tingin sa kanyang mga mata pero umiwas lng siya ng tingin.
"Sorry sa tanong ko. Wag mo nalang sagutin" habang nakangiti kahit nasasaktan na.
"Sorry din" paumanhin niya
"Hindi. Ok lang. Sanay na ako" syempre pabulong lang yung pahuli. Nakakahiya naman
"So nagustuhan mo ba itong bahay?" Tanong niya
"Bakit pa tayo lumipat ng bahay? Ehh may bahay pa naman tayo"nagtataka kong tanong
"To make a new memories. Doon kasi sa una nating bahay ko ginawa yung mga pananakit sayo kaya gusto ko ng magsimula muli tayo. Yung walang sigawan, walang sakit, at walang galit. And dont worry but our other house. Di ko naman siya pagbebenta" mahabang speech niya sakin. De jk lang bka maggalit pa. Pero seryoso talaga, nakakabigla ang sudden change niya ng pakikitungo niya sakin. Well, siguro para talaga sa aming mga baby kaya niya to ginagawa. Sana.
"Ok" habang nakangiti pero this time totoo na ung ngiti ko.
Pinasyal niya ako sa buong bahay. May apat itong kwarto. Yung dalawa pang guest room. Isang master bedroom at yung isa naman ay para sa kambal namin. Malaki din ang kitchen at kompleto ang mga pangluto kaya gaganahan ako nitong magluto. May playground din at garden. May pool din na para sa bata at matanda, hiwalay siya. Ahmmm ano pa ba? Basta malawak siya at simple lang pero elegante. Gets niyo?
Habang nasa duyan ako bigla siyang tumabi kaya napatingin ako sa kanya
"Ok ba sayo ang bahay?" Nahihiya niyang tanong habang kinakamot o hinihimas ang batok niya.
Wait NAHIHIYA siya sakin???totoo ba yun?
BINABASA MO ANG
The Unwanted Me
ChickLitSa bawat nangyayari may dahilan. Sa bawat paghihirap may kadugtong na kasiyahan. Lahat ng tao may sari sariling pagkakamaling naggagawa I'm just an unwanted wife for him. I loved him but he never love me back. Our parents just arrange married us. I'...